2015 When I started dwelling with different jobs na malayung-malayo sa tinapos ko. That was because I have to earn money for a living lalo na’t isa akong breadwinner. In 5 years of working in a corporate world, Hindi ko na-enjoy ang ginagawa ko sa pangkalahatan dahil ang nasa isip ko ay may maiuwing sahod para sa pang-araw-araw na gastusin. My only aim why I have jobs is to earn money for a living, yun lang – hindi para makipag-socialize or makipagkaibigan or ma-i-enjoy ang career. Wala nang ibang aim dahil may mga goals ako sa buhay na gusto kong matupad as I work. Kaso, sa lahat ng pagsusumikap ko makapag-ipon lang ng pera ay napunta lang sa wala. 360 degrees and mga gastusin at luhong dumadating sa akin at wala talaga itong katapusan. Halimbawa, kung Php 15,000 ang monthly salary ko tapos ang ipon ko 2000 per month, eh di 24,000 kada taon so 5 years of working (24,000 x 5), ang ipon ko na dapat ay Php 120K – sapat na para makapagpatayo ng sariling negosyo.
Well, I tried my best naman, I have read a lot of financial books and digested all the information. Siguro hindi nga talaga ako consistent o nagkataon lang na may mga gastusing hindi na maiiwasan o hindi na talaga ako marunong kumontrol. Bobo ko kasi eh! Kaya naman ipinapangako ko na talaga sa buhay ko starting 2021, while writing this personal blog na kapag nagkasahod na ulit o kumita ng pera sa pagnenegosyo ay mag-iipon na talaga ako 4 times kapag nakaluwag-luwag. I have committed many financial mistakes before although sabi nga ng ilan ay kapag nagkamali o pumalpak, at least nasubukan mo. Maybe I have to read all the financial literacy books again as my refresher course nang matauhan naman na ako. Pukpukin n asana ako sa ulo nang matindi nang matauhan na talaga ako.
But anyway, going back, ahm, rejection is real talaga kapag naghahanap ng trabaho. Lalo na’t mas mahirap ngayon dahil pandemic season. It is so frustrating that halos lahat ng mga kompanya ngayon (particularly ESL industry) ay home based na ang preferred setup na dati naman ay nangangapa pa. May iba naman na onsite kaso kung hindi project-based ay kailangan pa ng swab test result bilang requirements which is not bad kaso paano naman yung mga hindi kayang mag-afford ng swab test? At saka baka nga yung iba diyang mga empleyado nila, hindi nila alam na mayroon na pala sa kanila ang nagkasakit dahil labas-masok sila sa opisina. How awful is that requirement!? So, looking forward na mabakunahan ako bago matapos ang taong ito para hindi na ako magpa-swab test. I recently read a post while scrolling my Facebook at naghahanap na rin ng mapapasukan at the same time tungkol sa reality ng isang buhay-aplikante. Check out the first picture:

This is the thing why private companies are still idiots in this part. You want someone who has an experience which is a big yes, nandoon na tayo diyan. But what if a person for example who doesn’t have an experience but willing to be trained, how can private companies handle that? Kung ang sagot ay tanggalin na lang ang aplikante dahil walang experience, eh kaya nga nag-a-apply sa kompanya niyo dahil may problema ang kompanya niyo. Gusto niyang matuto ng panibagong skill na palagi siyang handing matuto. Are these private companies are afraid to those people na kesyo baka bumagsak daw ang performance ng company, baka masira daw ang reputasyon ng kompanya. Well, maybe because their training program is a FLOP. If I were the boss or CEO, kung naramdaman ko talaga na ang aplikante ay willing talagang matuto, then bakit hindi ko siya tatanggapin, eh yung iba nga diyang mga nagtagal na sa kompanya, kung hindi palpak pa rin ang performance, mga sipsip pa sa management! And then, can private companies give us a very convincing reason/s why they asking us about our educational background then like kapag narinig nila ang natapos nating kurso, minsan pagdududahan pa nila o magtataas sila ng kilay. What the heck is that, they shouldn’t need a power to question our educational attainment kasi ang pinaglalabanan sa mga panahong ito pagkatapos grumaduate ay yung kung gaano ka teachable? Yung skills and abilities, given na iyan talaga at super required. Buti sana kung manager or CEO ang hinahanap nila na may 5 years or more experience eh hindi eh, even the entry level jobs also have high standards. Ultimo data encoder, kailangan daw alam ang SQL, ganito, ganiyan, ganiyan, p…. i… kabwisit na mga requirements iyan. It means that private companies in the Philippines still have sloppy training programs for the applicants. May ibang training program naman na hind inga sloppy pero yung mga trainers naman kasusungit, akala naman nila mataas ang sahod. Pwe! In that post coming from that netizen, I am also thinking of working abroad… Of course kapag wala nang pandemic season at saka kapag ready na talaga ang puso ko na makipagsapalaran sa ibang bansa. Kung handa man, I prefer to work in Japan or Taiwan. Or South East Asian countries like Thailand, Vietnam, Malaysia, or Singapore.
Here is another post coming from a netizen…

The salary here in our country is as small as a Pandaca Pygmea. Kahit sabihin ng mga kompanya na nag-o-offer sila ng 42K salary or 30K salary, naku, it’s still a scam kasi kapag nandoon ka na, yung expected salary, karaniwan ay malayo sa totoong sahod mo. Wala naman akong problema sa sahod kung ako ang inyong tatanungin, basta’t kayang-kaya pang makapagbudget para sa mga gastusin. Pero look at the salary below as you see in the picture. Parang mas mataas yata ang sahod ng isang waiter/waitress kaysa diyan. Hindi na sahod ito, training fee na iyan (maliban na lang kung ang kompanya ay maliit lang talaga). Mayroon ngang nagkomento tungkol sa physical attributes na tinitingnan ng mga employer. Sabi: “Hahanapan ka nila ng physical appearance, bakit, ang ilong ba ang magtatrabaho…” Natawa ako doon pero totoong nangyayari iyon. Siguro dahil hoteliers eh dapat kahit bellboy ka dapat malinis ka tingnan dahil usuall foreigner ang mga customers. Well, that’s reality pero dahil na-o-overuse ng mga pribadong kompanya ang physical requirements, nakakalimutan na nila minsan ang cognitive at skillful abilities mayroon ang isang empleyado/aplikante.
Kung ako ang inyong tatanungin, okay lang din naman sa akin kung hindi man ako i-appreciate ng kompanya dahil gaya nga ng sinabi ko, ang tanging aim ko lamang ay magtrabaho para may maipangbadyet sa pamilya at makapag-ipon… Iyon lang ang mindset ko at wala nang iba.
It’s truly a very harsh word even in our career life. Palakasan na lang ang nangyayari at diskriminasyon pa rin. Private companies are exerting efforts each day para lang may masabi na hiring sila eh kaya hiring kasi may tinatanggal, kaya may tinatanggal kung hindi dahil pasaway ang empleyado ay day tripper ang ilan sa management. Kaya pasaway ang natanggal na empleyado dahil minsan hindi na ma-take pa ang mga patakaran ng kompaniya at tila one sided na ito… pumapabor sa mga stakeholders. Mga patakarang hindi man lamang dumaan sa konsultasyon ng mga empleyado or wala man lang pasabi. Internal rule exists daw sabi ng management, F…. that internal rule thingy! Kahit sabihin nilang maganda ang offer, darating at darating din sa punto na magsisinungaling ang isang kompanya sa atin. Also, they do euphemisms para lang hindi masabi sa aplikante na hindi ka pasok sa hinahanap nila.
You know what, habang isinusulat ko ito, napag-isipan ko na lang na hindi na ako mamamasukan or ayaw ko nang mamasukan pa dahil sa mga karanasang kagaya nito. I would rather try having a business rather than working for 5 or 6 days na under appreciated ka na nga, underpaid ka pa. I guess some netizens are raising the same sentiments eh tinatago nila ang pangalan ng mga kompanya maybe because they are afraid of getting sued, well, that is another reality na matapang lang ang isang tao o ang isang korporasyon kapag may napakaraming pera at mga karaniwang tao lang ang kayang patumbahin. Buti sana kung kasinglevel nila or mas mataas sa kanila ang kayang patumbahin ngunit kabaligtaran ito. I am thinking of having a food and house renting business or magtayo na lamang ng munting tindahan or loading station nang sa gayon ay ikaw na ang boss at hawak mo na ang iyong oras. Hopefully maybe 20 years from now, I claim na magkakanegosyo ako. Or who knows baka earlier than 20 years from now, I will claim this thing starting 2021 kasi ayoko na. Ayoko nang lumabas para mag-apply na naman, hindi ko sinasabi nang deretso sa nanay ko ito dahil ayaw ko rin siyang masaktan eh kaso, minsan, kailangan din nating alagaan ang sarili natin… ang sarili nating mga desisyon sa buhay.
Pakiramdam ko nga, around 10 years from now, majority of the people will become online sellers or businessmen at kakaunti na lang ang magtatrabaho sa corporate world (kahit sa public office). Around 10 years from now, baka lahat na ng mga kompanya dito sa Pilipinas ay Lunes hanggang Linggo na ang trabaho at wala na yung tipikal na Monday to Friday working days. Around 10 years from now (sana huwag mangyari), na ang mga employer ay irereject ang mga tapat na aplikante, instead, they will prefer lying applicants. Kung nangyayari man ito noon pa at sa kasalukuyan, for sure dadami at dadami pa ang breeding nila at nakakasulasok iyong pagmasdan. Tapos ano sasabihin ng mga employers, Hindi lahat! Naku, huwag na po sanang lokohin ang kanilang sarili dahil kahit ang isang ordinaryong aplikante, nakikita na ang lying side ng isang kompanya sa mga offers, perks, and benefits pa lamang. Sa mga impormasyong inilalagay nila sa online job searching sites ay nalalaman na rin ng aplikante kung totoo ba ang sinasabi ng kompanyang ito o inilagay lang nila sa ngalan ng referral o kota.