minsan malambot, minsan makunat…

Image

Pinakahuli / Pinakabago

ganito kami noon

Image

Sa probinsya ako ipinanganak at nagkaisip bago kami lumuwas ng Maynila n0ong 12 taon ako. Tuwing buwan ng Mayo, basta bago sumappit ang tag-ulan, nakaugalian namin nila mama kasama ng mga kapatid ko ang pagtatanim ng mga gulay sa likod bahay. Kami nila kuya ang gumagawa ng balag para gapangan ng mga gulay, si mama, ate at bunso ang nagpupunla. May taga-bomba sa poso at tagabuhat ng balde para ipandilig sa mga bagong punla. Madami kaming tanim lagi sa likod bahay, patani, bataw, sitaw (hindi po ung mahahabang sitaw to), sigarilyas, kardis  (ilocano yan, di ko lam sa tagalog e) singkamas (namumunga po ang singkamas), talong na bilog, okra, gabi, sili, syempre di mawawala ang kamote. Kung may bakanteng lote sa probinsya panigurado may nakatanim na kamote.

Green-thumb daw si Mama, madaling makapagpatubo at palago ng halaman. Kung puno ng gulay ang likod bahay, puno nman ng mga halamang ornamental ang harap. Bihira sya magtanim ng namumulaklak. Kadalasan mga malalagong dahon-dahon lang. Bago pumasok sa eskwela, toka toka kaming magkakapatid ng gawain. Trabaho namin ni bunso ang pagdidilig ng mga halaman sa umaga. Si kuya ang taga-igib ng tubig para sa kusina, medyo malayo samen ang poso. Si ate naman ang nagwawalis ng bakuran. Habang si Mama naman naghahanda ng almusal.

Madami din kaming alagang hayop. Aso, baka, manok, baboy. Tipikal na probinsya. Ung baka, hindi kami ang nag-aalaga, pinapapastol un sa iba. Wala kaseng mag-aasikaso. Hati-hati din ang trabaho sa pag-aalga ng mga baboy at manok. Ung manok mga gala lang un walang kulungan, pero kilala namin bawat isa. Ung pinakaninuno ng mga manok namin may pangalan din, Banggangok, un ang tawag ni Mama. Maalaga si Mama sa mga hayop. Natutulog sya sa bakanteng kulungan ng baboy tuwing may bagong panaganak. Nakahiwalay kase ang mga piglets sa inahin. Isa-isa nyang nililipat sa kulungan ng inahin ang mga piglets para sumuso, isa-isa din nya itong ililipat sa kabilang kulungan pagkatapos. Ganun sya katutok sa mga alaga nya. Madalas din maririnig mo syang kinakausap ang mgat ito, pati din pala halaman binubulungan din.Yung aso nman, kung sino ang nakatokang magligpit ng kinainan sya din ang magpapakain. Siguro halos sampo ang aso namin nun. Di ko alam kay Mama kung bat andami. May isa pa nga kaming aso ipinangalan nya sa kanya. Loyal ung aso na yun, mahigpit na bantay. Pareho ni Mama. Strikto.

Meron kaming maliit na parang kubo sa tapat ng bahay sa bandang kusina. Mula sa malalaking sanga ng camachile ang ginawa naming poste at  kawayan naman ang papag. Lumang yero  ang bubong.  Dahil si kuya ang pinakamatanda sa aming magpipinsan, sya ang nagpaalam sa Lolo para sa mga kawayan na puputulin. Tulong-tulong kaming magpipinsan sa pagbuo nun. Natulog kami dun kinagabihan ni kuya kahit walang dingding. Binalot lng namin un ng mga sakong pinagtagpi-tagpi na madalas ginagamit na pansapin kapag nagbibilad ng palay. HIndi pinayagan yung iba nming pinsan na duon din matulog dahil malamig. Kinabukasan nagising na lang ako na nasa kwarto na sa loob ng bahay.  Hindi ko namalayan, lumabas pala si Mama nung madaling araw para silipin kami ni kuya.  Mula pagkabata pala may pagkamantika na ko matulog. Di man lang ako nagising nung binuhat ako ni Mama, namamaluktot na daw kase ko sa ginaw.

Masarap magluto si Mama. Paborito naming magkakapatid ang “inalseman”, ilocano version nya ng sinigang. Parang sinigang kase maasim, nilalagyan ng sampalok pero hindi masabaw, mas madaming gulay kesa sa karne at higit sa lahat, bagoong-isda ang panimpla. Lagi kaming sabay-sabay kung kumain. Bawal piliin  ang gulay kase kung kung hindi, sya mismo ang magsasandok at ilalagay sa plato mo. Number one rule pa naman sa bahay ang bawal tumayo sa hapagkainan hanggat hindi nauubos ang laman ng pinggan. Isa pang ulam na hinahanap-hanap ko ung diningdeng. Sitaw, saluyot, bulaklak ng kalabasa at kung anu-anong pang mga gulay na pinagsama sama. Pinakuluan sa tubig at tinimplahan ng bagoong-isda,  may sahog na inihaw na bangus, at may sawsawang bagoong at kalamansi na may sili. Bihira na ko makakain nito ngayon.

Bago pa matapos  ng Eat Bulaga, pinapatay na ni Mama ang TV.  Oras na para matulog ang mga bata. Kaming dalawa un ni bunso. HIndi ko na mabilang kung ilang beses akong nagtulug-tulugan noon para lang di mapagalitan. Inggit na inggit habang nakikinig sa mga pinsan kong naglalaro sa labas. Di ko na din maalala kung anong iniisip ko para mas mapabilis ang pagtakbo ng oras. Hirap na hirap akong matulog sa tanghali noon, kaya ang ginagawa ni Mama, susuklay-suklayin nya ko, bubunutin ang mga patay na buhok. Ilang minuto lang tulog na ko.

Ganito kami noon.

wansapanataym… naalala mo pa?

Napanood ko sa patalastas sa channel 2 nung nakaraang araw na ibabalik nila ulit ang wansapanataym. bigla akong nabuhay. napangite tapos… wansapanataym… sa aking buhay. Napawi ang lumbay, napuno ng kulaaaayyyyy… hehehe… totoo yan. pramis. Ewan ko pero ang laki ng ngite ko nung napanood ko ung commercial. Di ko maiwasan magbaliktanaw. Ewan ko kung ilang taon ako nun, basta alam ko inaabangan namin yan ng mga kapatid at tatay ko tuwing linggo alas otso ng gabi, gusto kong isipin na un siguro ang family time namin. Ahahahay!

Tapos nagkatinginan kami ni bunso, hirit nya sana  ibalik din nila yung Okatokat! hahaha! Si Rona! (played by Agot Isidro, sila la ng ni Paolo Contis ang naalala ko. hehehe… si Rica pa pala.) Yung horror na palabas tuwing martes ng gabi pagkatapos ng mga teleserye nila. nagkatawanan na lang kami. pati araw at timeslot, naalala namin. duwag ako sa mga katatakutan na palabas, pero ung okatokat? hahaha! talagang inaabangan namin.

Dito na namin inalala pa ung ibang palabas dati na sabay sabay namin pinapanood. ang teleserye nun 2 lang pagkatapos ng balita. ngaun, puro teleserye na. Inisa isa namin alalahanin ni bunso ang mga palabas after ng mga drama series.

Lunes- Palibhasa Lalake! Sinong bestfriend mo duon. nyahahaha! naalala ko pa si Tikboy. Martes ung Okatokat. Tapos Wednesday ung Okidok? e kelan ung Home Along da Riles? Kase pag huwebes Maalala mo kaya e. Tapos ung Byernes ung laging pinapalitan, naging Super Laf-in naging Tagalog movies, alam ko byernes din dati ung tagalized na  go go Power Rangers!.  Hahaha! Ang sarap balikan.

So ngayon, anong araw ang Home along d riles? Nyahahaha! Di ko maalala. Kahit si bunso di din maalala. Ang di ko makakalimutan, masaya naming pinapanood ng sama sama mga yan. Nakakamiss.

sinigang

“mahal kita…”
“mas mahal kita…”

sana ganun lagi. ang simple sana di ba? mas masaya ang buhay. kaso hindi. ang turo samen nun sa com1, communication has three major components, transmitter, receiver at ang noise. Taeng noise yan, panira kahit kelan. ang relasyon laging 3in1, ikaw, sya, at ang mga pagsubok. bakit? kase wala tayo sa ideal world, walang ideal situation.  sa fairytale nga may kontrabida e. hindi mapipigilan ang external forces na makigulo sa buhay ninyo. wala kayo sa vacuum para isipin mong walang ibang matter at dalawa lang kayong nag-eexist. pansamantala, marahil mabubulag kayo at pilit na di papansinin ang paligid. gagawa ng mundo kung saan walang panget na eksena (wholesome yan), puro  beach, damuhan,  bughaw na langit, buwan, mga bituin, beach pa ulit isama sa eksena ang kayak, isa pang damuhan loacation this time sa tuktok ng burol. masarap mangarap, maupo sa dalampasigan at tanawin ang papalubog na araw  o kaya nakahiga sa duyan kayakap ang babaeng pinakamamahal.  kung pwede sana laging ganun, kaso hindi puro pantasya ang buhay. minsan nagba-brown out din. hindi laging summer para magtampisaw sa dagat. ang napakagandang beach nga may mga sea urchins eh.  ang luntiang burol nagiging brown. ang aquarium nadudumihan din… at ang ulam napapanis pag kinamay. hehe…  mararanasan mong masaktan. makasakit ng di sadya. ang importante marunong bumawi. mag-sorry at gumawa ng paraan para makabawi. kung brownout, ihanda ang kandila at pamaypay.  magluto ng panibagong ulam at sa susunod wag nang kamayin.  magtampisaw sa dagat khit maulan, hindi mo kaylangang laging sumilong, masarap maglaro sa ulan nang may kasama, may kalamansi juice nman kapag sinipon.  kung wala kang balak ayusin at hahayaan mo  na lang ang problema, iwanan na lang ng tuluyan kesa naman nakabitin ang isa, naghihintay sa wala. umaasa at nasasaktan. lagyan ng tuldok, di man maging maayos sa simula at least makapag umpisa nang tanggapin ang lahat. pero bago pala yan, bumalik sa basic na tanong, mahal mo pa? kung oo, engot ka pag hinayaan mo ng ganun ganun lang. subukan mong balikan ang matatamis na tagpo ng inyong buhay, baka sakaling mabura nun ang hapdi ng ngayon at bumalik sa kung paano kayo nag-umpisa.

“mahal kita…”

“mas mahal kita…”

“mahal na mahal kita…”

ang pag-ibig para saken e parang sinigang. sinigang na bangus, para eksakto, sige lagyan  ng miso, sinigang na bangus sa miso. matinik, may asim, may lapot (?). masarap  pagsaluhan, lalo na pag maginaw at maulan. ahehehe…

aquarium

sabi ng kuya ko nung nakaraang gabi…

nagdadalawang isip na ko diligan ung mga kalamasi, hindi naman namumunga.

kanina naman eto hirit nya…

parang ayoko nang pakainin tong mga to (isda sa aquarium) namatay na ung pula ung ulo e, un lang nman lumalapit pag nakita nyang papunta na ko. tong mga to parang natatakot pa nga.

adik ng kuya ko no? pati kalamansi dinadamay sa pagmumuryot nya. pero mas nagulat ako sa sinabi nya sa about sa isdang nasa aquarium. hmmm… wala na syang nakukuhang satisfaction, dapat pa ba syang magtyaga sa pagpapakain nung mga un? kawawang mga isda.

after nyang sabihin un, eto naman ang naisip ko.

ang puso ng tao katulad ng aquarium, nagiging makulay dahil sa mga palamuti na nandun, kasama na ang mga bato, shell, corals at kung anu ano pa, pero nagkakaron ng buhay dahil sa mga isda at halaman (hindi ung plastic, adik). wag mong hayaang may dumi ung aquarium, lalo na kung sayo galing.  lilipas ang oras o araw, hindi mo na makikita ang duming un, tumining na sa ilalim. pero di ibig sabihin na nawala na. minsan magandang palipasin muna ang ilang sandali para muling luminaw ang tubig, mas madaling linisin. pero wag mong iisipin na kapag kapag humupa na e wala na. nandun lang un sa ilalim. pwedeng muling lumutang pag naalog at mas malala pa,  hindi mo namalayan ung isda na pala ang unti unting nalalason. wag mong hintaying ung isda ang lumutang. pag nagkataon, tanging mga palamuting bato na lang ang laman ng puso nya, wala na ung pagmamahal nya sayo.

kamalayang malaya…

anong ginagawa ko sa mundo kung saan salita lang ang nagiging basehan ng pagkatao? hindi magkakakilala sa personal at pawang sa mga artikulong minsay mabulaklak at minsay madrama lang ang pagkakakilanlan? tanging sa likaw lang ng utak nakikilala at walang mukha.

ikaw bat ka nandito? para sa malayang kamalayan. sa mundong to, walang tama at mali, sabihin kung ano ang nais. ilabas lahat ang nasasaisip. walang rated PG, walang rated-R. lahat handang umunawa. nakakatuwang mapabilang sa mundo kung saan hindi kaylangang sabihin kung sinu ka. hindi kaylangang magpasa ng resume kung saan nakalista ang ngalan, edad mo at natapos mo. ang mahalaga lang marunong bumasa, hindi ng nasusulat, kundi higit ng damdaming nakapaloob. at syempre respeto.

ang malayang kamalayan tulad ng buhay naten, kaakibat ay pananagutan. respeto lang kaibigan. dito sa mundo ng blogosperyo ko nakita ang tunay na malayang kamalayan. hindi binabakuran ng panuntunan. hindi sinasaklawan ng mga saradong isipan. bukas sa bawat pagsita, bukas sa lahat ng dadalhin ng hangin.

ang malayang kamalayan, inihahalintulad ko sa hangin, na bawat sulok ng mundo ay kayang marating pati puso’y kayang pasukin. pwedeng makapagbigay ng pansamantalang ginhawa o magdulot ng alinsangan. hangin na kayang hawiin ang ulap at hangin na kayang magdala ng ulan. hangin na hindi kayang irehas, hindi kayang ikadena, hindi mapipigilan.

malayang kamalayan, katumbas din ay malayang damdamin. dito sa mundong to ko natutunan pakawalan ang nararamdaman. dito nagawang palayain ang sarili mula sa bakod ng  galit. nakabuo ng tulay mula sa isla ng pag-iisa. nagsilbing tengang makikinig sa tuwing binabagabag ng konsensya.

maging malaya sa damdamin at isipan. pare-pareho nating  gustong makamit. masaya akong narating ang mundong to at dito nagkrus ang mga landas natin. ikinagagalak kitang makilala sa mundo kung saan ang kamalayan ng bawat isa ay malayang malaya.

malayang kamalayan, malayang damdamin, bukas na isipan – davin

back to school… pengeng bente :)

Ahahahay… matagl tagal din bago ko makapag post ng talagang post. ahehehe… try ko ngaun. kwentuhan tayo…
kakabalik ko lang from 6 days field work, sa bandang southern tagalog. nakakapagod at nakakainip. Fiesta sa syudad na un kaya paghahanap pa lang ng hotel e pahirapan na. Buti at may nahanap ako the night before ako magbyahe. OK naman, may pool, kaya kahit mag isa lang ako may pagkakaabalahan ako pag nasa hotel. Ayun, nainip pa din ako. ahahaha… kaya eto umuwi na ko kahit pwede pa kong mag-stay dun ng another night, para may additional allowance. Obviously mas pinili kong umuwi kesa magrelax lang sa hotel at kumita. ahehehe…
Nakakapagod ang byahe, buti na lang di ako inabot ng rush hour pagdating ng manila. Pagdating ko ng bahay, may nakita akong tatlong sobre. Dalawa ay sa utang at isa ay ang matagal ko nang hinihintay na sulat galing sa World Vision. Nakikita mo ba yang link/pic ng bata sa sidebar ko? Nilagay ko yan nung araw na nag-apply ako para maging sponsor ng isang bata. Once lang kase ko nakareceive ng email  from the organization and after i replied to that email, wala na ko nareceive ulit. At ngayon, dumating na at meron na ngang batang na-assign saken. Nawala ung pagod ko galing sa byahe, dali dali kong binuksan at binuklat buklat ung booklet. Nakakagaan ng loob. Kahit papano makakatulong ako.

Tinanong ako ng isang kaibigan kanina (over the phone) bkit daw ako kumuha nun (child sponsorship). Sabi ko na lang para naman magkaron ako ng silbi sa buhay. Hahaha! Naging aware ako sa sponsorship program na to ng World Vison nang  mabasa ko ung post ni AddictedToGreenBellPepper (Universal Child) kung saan nagreply si CoolWaterWorks, at napadpad ako sa blog nya. Nung araw na yun, nasabi ko sa sarili ko, pagdating ng sahod, sasali din ako. Gusto ko din makatulong. Hindi ako mayaman. Galing ako sa pamilya na sakto sakto lang. Graduate ako ng public school mula kinder hanggang matapos ng college. Public elementary school sa Pangasinan, public high school at public university  dito sa Manila.  Naka-hanap ng maayos na trabaho at kahit papano ay nakakaipon. Sobra sa kaylangan ko, kase ang reference ko kung papano ang buhay namin dati.  Sanay ako sa simpleng buhay. Sanay ako sa sakto. Tipong ang baon ay sapat lang na pamasahe at pangkain. Pag nawalan ng piso e problema na ang pauwi. Ahehe… Mas madami ang mas malala ang pinagdadaanan para lang makapag aral at para mabago ang sitwasyon nila sa buhay ngayon.  Gusto ko makatulong sa mga batang nangangarap baguhin ang kinabukasan nila. At dahil hindi naman ako mayaman para gumawa ng kung anu anong mga charity works at wala din naman akong oras para maging regular volunteer, thru World Vision sana makatulong ako. Isa itong oppurtunity para kahit papano e makabawi sa lahat ng blessings. 🙂  Bakit ko to sinasabi ngayon? Sa mga naliligaw dito sa bahay ko, para magkaron ng idea sa program ng World Vision na child sponsorship at sana ma-inspire din kayo.

Bente  pesos lang per day, may isang bata ka nang matutulungan sa education nya.  May isang bata kang matutulungan na mabago ang buhay 🙂 Actually ung child sponsorship nila ay  hindi lang naka-concentrate sa pagpapa-aral ng bata. Kasabay nun may program sila to help the entire community/village, mga livelihood  programs para sa buong pamilya. Lets support WORLD VISON at iba pang organizations katulad nito.

Share ko din tong video na to… (kung iniisip mong lagi na lang may video or kanta sa mga post ko, ako rin napansin ko. ahehehe…)

Let’s help send these kids back to school. Pengeng Bente… and lets make a difference.

Image


beeftapa random thoughts

Kapag pinakawalan mo ang mga taong importante sayo at minamahal mo, hindi ibig sabihin nun gusto mo na silang umalis sa buhay mo. Gusto mo lang silang mas makagalaw at maramdaman na kahit binitawan mo ung tali ay hindi sila tuluyang lalayo sayo…

the bird and the worm

Gusto ko lang i-share tong video na to. Well, di ko talaga naintindihan ung ibang lyrics ng kanta pero gusto ko yung beat at ang cute ng video.  Sabagay may pagka-weird naman talaga ung mga lyrics ng songs ni/ng Owl City. Medyo ilang araw na din akong napapangite ng video na to kahit di ganun ka-okey ang mga nakaraang araw ko 😀

Buhul-buhol adventure in Bohol

Image

To Chocolate Hills Viewing Deck

Medyo natagalan na ng husto ung pagkwento ko ng Bohol adventure namin. Kaya eto, popost ko na bago pa tuluyang mapanis. hehehe… March 19 ung departure namin to Tagbilaran. Mahabang pakiusapan bago kami nakapasok sa boarding area. Nasaraduhan kami ng tiketan at ayaw na pumayag nung attendant dun na papasukin kami dahil naprint na daw ang manifesto. Magpa-rebook na lang daw kami for the next day. Bagsak balikat namin nun. Buti na lang ung isang ate nagtanong kung ilan daw ba kami tapos kinausap nya ung sa office ng Zest Air. Ayun! Bingo! Pumayag ung sa office. Laking pasasalamat talaga namin kay ate. Pagkakuha ng ticket, takbuhan na! Para kaming nasa Amazing Race! PAg-akyat namin ng eroplano tahimik, kami na lang kase ang hinihintay. Na-delay ang flight dahil sa grupo namin. Ang malala, mas lalo pa na-delay dahil sa mga priority flights, mga international daw. Pero ayos lang, wala na kong karapatang magreklamo dahil kami din naman ay naging cause of delay.

Image

Tarsier

Pagdating namin sa Tagbilaran, hinihintay na kami ng kinuha kong tour guide. Derecho larga na sa mga tourist spots ng Bohol. Wala naman masyadong exciting na nangyari sa first day namin. Puro picturan lang. Saka ang inaabangan ko lang naman talaga sa first day ay ang chocolate hills at tarsier. Ahehehe… At meron akong natutunan sa Butterfly farm. Ang babae ang nasa ibabaw kapag nagme-mate sila. Kung sa tao daw, ang tawag  sa ganung position ay “Butterfly”, ayun yan sa tour guide sa farm na loko loko. Hehehe…

Second day ng Bohol adventure namin ang pinaka-exciting kase physical activities, EAT Danao! Dumating kami ng Danao 10am na, na dapat ay 8am dahil madami ung activities. Hindi namin nagawa ung pinaka-extreme na The Plunge (parang bungee jump) dahil may photo shoot at taping

Image

Suislide View

daw ang DOT,  Knowledge Channel at iba pang TV show. Sinimulan namin ang Danao adventure with trekking forabout 15-20 minutes papunta sa river para sa aming first activity, kayaking. After Kayaking, trekking ulit papunta sa root climbing at rappelling site. Simple lang ung root climbing, ung rappelling ang talagang nagustuhan ko.  After ng first 2 activities, umakyat kami ulit ng bundok pabalik sa reception area ng EAT DANAO for the late lunch. Sulit kami sa buffet lunch! Kain construction worker! Hahaha! KOnting pahinga lang, saka kami ng Suislide (zipline). Ang suislide nila ang pinakamataas dito sa Pinas. Enjoy lang ng view habang tumatawid papunta sa kabilang bundok, then zipline ulit pabalik. Last activity namin ang caving. Ito ang pinaka nagustuhan ko sa lahat, first time ko e. First time ko makakita ng mga stalactites at stalagmites sa personal, ang dami palang nagkalat na asukal sa loob ng kweba! (Ahehehe… joke lang. Crystals daw un, sabi ng guide at bawal hawakan kase nangingitim) Bukod sa first time ko, challenging talaga ung pagpasok sa kweba, at pinaka nakakapagod, aakyat, bababa, tatalon, lulusong sa napakalamig na tubig, lulublob para maiwasan ang nakaharang na malalaking formations at makatawid sa kabilang side. Astig talaga ang Danao adventure! Nag-enjoy ako ng sobra. 😀

Last day. Dahil 10 am ang flight namin pabalik ng Manila, bumangon kami ng 5:30 am para abangan ang sunrise at i-enjoy ang beach ng Panglao. At 3pm, nakauwi na ko ng bahay… Tapos na ang bakasyon. Back to reality 🙂

Konti lang mapapakita kong pics, kase karamihan ng kuha ko kasama ung mga barkada ko. 😉

Image

Baclayon Church (Binilugan ko ng red ung image diumano ni Father Pio)

Image

Man-made Forest

Image

Sa tabi ng Dauis Church

Image

Loboc River (Nakasalubong namin during our lunch/cruise )

Chocolate Hills

Chocolate Hills (pero green pa, ahehehe...)

Image

Hanging Bridge

Image

Sa baba ng Suislide

Image

Formation (picture taken by the guide, bawal magdala ng cam sa cave)

Image

Dumaluan Resort (dito kami nag-stay)

Image

Sunrise in Panglao Island

Image

Panglao Beach

Image

Starfish, Front and Back (Wahahaha! First time kong makakita sa totoong buhay 🙂 )

Image

Beeftapa, 1, 2, 3... Jumpshot! Sunrise in Panglao Beach

picture gallery

Image

Blue Lagoon, Pagudpud

Summer na! Mahilig talaga mag-travel ang beef tapa. Target ko na may mapuntahan na kahit isang local tourist spot every year. Karamihan sa napuntahan ko ay sagot ng company, trabaho talaga tapos sinasamahan na lang ng sidetrip. ahehehe… For this year, sariling gastos muna at ang destination… Bohol! 🙂 This weekend na alis nmin for the 3days-2nights tour.  Kwento ko next post ung adventure at pics na din syempre. Sa ngayon, mga lumang pics na lang muna share ko…  Inuna ko na ung buong picture ng ginamit kong header. hehe   😉

Image

Boracay

Image

Boracay, on the way to Puka Beach

Image

Boracay

Image

Boracay

Image

Paoay Church

Image

Kabigan Falls

Image

Pagudpud

Image

Patapat Viaduct, Ilocos

Image

Hundred Islands

Image

Hundred Islands

Image

Coron, Palawan

Image

Coron, Palawan

Image

Magellan's Cross

Image

Old Church in Santiago, Isabela

Image

Sunset

eto na muna, update ko maya ulit sa bahay. uwian na e. hahaha! tama, sa office ko to ginawa. 😉

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula