pwede pala! Marso 30, 2008
Posted by einn0c in On The Lighter Side, Whatever!.Tags: blogging, cellular phone, mobile internet, technology
1 comment so far
hay,lazy sunday.alas onse na ay tnatamad p akong tanggalin ang aking likod sa pgkakadikit sa hgaan.ano kya mgandanang gwin?makapgkalikot nga at mkpgfinger ng keypad ng cp ni mr! Pwede kya magblog d2?ang pagkakaalam ko ay mdalas magnet ang aking hubby s knyang cp para mag-download ng mga cracked n softwares,games,mp3 at kng ano pang anik anik ng celfon.na infairness ay masmura kesa padownload ka sa lbas.20 pesoses lng nman per hr kya pareho lng ang rate s mga net cafe ang pgkakaiba nga lng ay pwede mo gawin khit anong gusto mong posisyon-paupo,pahiga,patuwad,patayo,pahiga o paluhod hbang nagnenet. Aba,at naaacess nga wp d2 heto nga at kinakarir ko n ang pagbablog.in fairness keri nman medu kakangalay nga lng s kamay dhil hndi one click ang pindutan unlike sa cp.enter k lng ng enter.musta kya hitsura nitong post ko s pc?same din kya?
Gain Marso 28, 2008
Posted by einn0c in Uncategorized.Tags: appetite, gain weight, health, sleep, vitamin
6 comments
Matagal ko ng pangarap ang magkalaman. Kung ang iba suliranin nila kong paano mag loss weight, ako naman ay namomoblema kung paano tumaba. Pero tapos na ang aking pag-aalala dahil unti-unti na akong bumibigat.
Kala ko talaga ay forever na akong maging isang tingting buti na lang at binigyan ako ng doctor ng vitamin noong sinumpong ako ng matinding vertigo. Propan with iron and preniscribe sa akin. Pampagana kumain at pampataas ng hemoglobin. Anemic rin kasi ako since elementary pa. At tingin ko ay mukhang effective nga sya.
Grabe ang lakas ng appetite ko. Daig ko pa ata ang construction worker sa dami ng nakakain. Basta may pagkain pa sa harap ko ayokong tumigil. Parang inaakit ako..ohhh lumapit ka..Parang angsarap ng lahat ng pagkain. Kahit ano gusto kong lantakan.Yummy!Salamat nga pala kay porky, piggy at piglet na nag-impluwensya sa aking lumamon ng lumamon.
Sarap din ng tulog ko. Katatapos pa lang ng kung fu kids ay inaantok na ako. Buti na lang night shift si hubby walang disturbo sa pagtulog <joke lang bhe,luv u!>.
Siguro nga ay ito na yung matagal kong hinihintay. Kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon baka bigla na naman akong mawalan ng gana at tuluyang maligwak ang aking pangarap. Pero sana wag namang sumobra dahil ayoko rin namang maging obese at lumba-lumba. Yung tipong ako lang ang kasya sa tricycle o tatlo ang babayaran ko sa dyip,wag naman,over na yun.
Miss YOu Marso 27, 2008
Posted by einn0c in Whatever!.Tags: child rehabilitation, exercise regimens, geriatric patients, physcal therapy, play therapy, profession, Pt applications
2 comments
Tatlong taon na rin pala ang lumilipas simula ng huli akong humawak ng pasyente. Kahit papano ay nakakamiss ding maging isang PT (physical the rapist) daw!
Namimiss ko si lola sa Golden Acres na 102 years old ng ako pa lang ay isang intern. Nasaan na kaya sya? Buhay pa kaya sya? Kung nagkataon ay 108 na sya this coming june. Di ko nakalimutan araw ng kapanganakan nya dahil pareho kami ng bday. pareho din kaming taga-pangasinan kaya ilokano kung kami ay mag-usap. Madalas ayaw nya gawin ang exercise regimen nya. Magkwentuhan na lang daw kami at kapag nagtanong ang aking clinical supervisor ay sasabihin nyang ginawa namin lahat ng dapat gawin.Nung intern kasi bawat di mo ginawa o mali ang pagkakagawa ay may katumbas na demerits at every 20 DM ay katumbas ng 1 day make-up.Sabi ko sa sarili ko pag-nakagraduate na ako ay dadalawin ko si lola at dadalhan ko sya ng maraming stork candy ( ito kasi madalas nyang ipabili sa akin, na palihim kong binibigay dahil bawal magbigay ng kahit ano sa pasyente).
Namimiss ko rin ang exercise namin sa nasabing institusyon. dala-dala ang snare drum ay aming tatawagin ang mga matatanda para sa formation. Uumpisahan ang ehersisyo sa isang…”hingang malalim….buga” na sa halip na bumuga ay sasabayan rin kami sa pagsabi ng buga. Susundan ng lipad hangin, tiklop siko, baluktot bewang…tagalog na tagalog di ba?Ay, bigla kong naalala yung isa pang lola na naging pasyente ko rin na sa tuwing nakikita ako pagkatapos ng exercise ay walang mintis na hahalikan ako. Minsan nga ay tinataguan ko na sya, naiiwan kasi laway o bakat ng lipstick nya sa aking pisngi.Sweet talaga itong si lola kasi nung last day ko sa golden acres ay binigyan nya ako ng isang sabon pampaligo at isang pulbo mula sa avon. Pakiwari ko ay matagal na nyang itinago iyon dahil medyo nagbago na ang amoy, pero ang mahalaga it’s the thought that count ika nga.
Namimiss ko rin si Arvy ang batang lalaking cute na cute subalit walang lakas at pakiramdam ang dalawang paa dahil sa menigocele. Ang play therapy namin, pagkanta ng otso otso at pamela para di sya mabored. At ang walang katapusang question and answer namin. At syempre ang goodbye kiss tuwing matapos ang session.
Kasama rin sa namimiss ko si tatay sa may blumentrit. Na sa tuwing matapos ang aming therapy session ay nagpapameryenda ng softdrinks at hopia. Di nagtagal ay nalaman kong sa ilalim ng tulay lang pala sya nakatira. Sobrang natouch talaga ako. Kahit walang wala na sya ay nagawa pa nyang mag-share.
Marami pa akong namimiss na pasyente. May thoughtful, may sweet, may makukulit pero meron ding pasaway. Namimiss ko rin ang mga kapwa kong PT na ubod ng kulit, mahilig sa inuman, lakwatsa at tong-its. Namimiss ko magstretching. Magbigay ng ibat ibang exercise para sa strengthening, mag-apply ng electrodes at hotmoist pack. Gumamit ng ultrasound. Magturo sa paggamit ng mga assistive device. I-reeducate ang mga stroke na nakalimot ang mga kalamnan at kasukasuan sa dati nilang ginagawa,atbp. Hay nakakamiss. Ano kaya kong bumalik na lang ako sa Hospital?
Holy Week Meditation Marso 19, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: Faith, Forgiveness, Holy Week, love
4 comments
Four days na walang pasok, fourdays din akong nasa dulo ng Pilipinas kung saan napakailap ng internet. Kaya pansamantala munang hihinto ang aking pagsusulat. Para na rin makapagnilay nilay…
For this season I want to share you the following short story:
The Duck
There was a little boy visiting his grandparents on their farm. He was given a slingshot to play with out in the woods. He Practiced in the woods, but he could never hit the target. Getting A little discouraged, he headed back for dinner.
As he was Walking back he saw Grandma’s pet duck. Just out of impulse, he let the slingshot fly, hit the duck Square in the head, and killed it. He was shocked and grieved.
In a panic, he hid the dead duck in the wood pile, only to see His sister watching! Sally had seen it all, but she said nothing.
After lunch the next day Grandma said, “Sally, let’s wash the Dishes.”
But Sally said, “Grandma, Johnny told me he wanted to help in The kitchen.”
Then she whispered to him, ” Remember the duck?”
So Johnny did the dishes.
Later that day, Grandpa asked if the children wanted to go Fishing and Grandma said, “I’m sorry but I need Sally to help make Supper.”
Sally just smiled and said,” Well that’s all right because Johnny told Me he wanted to help.”
She whispered again, “Remember the duck? ”
So Sally Went fishing and Johnny stayed to help.
After several days of Johnny doing both his chores and Sally’s, He finally couldn’t stand it any longer. He came to Grandma and confessed that he had killed the duck.
Grandma knelt down, gave him a hug, and said, “Sweetheart, I know. You see, I was standing at the window and I saw the whole thing, but because I love you, I forgave you. I was just wondering how long You would let Sally make a slave of you. ”
THE MORAL OF THE STORY:
Thought for the day and every day thereafter?
Whatever is in your past, whatever you have done… And the devil Keeps throwing it up in your face (lying, cheating, debt, fear, bad Habits, hatred, anger, bitterness, etc.) …. whatever it is…. You need to know that God was standing at the window and He saw the whole thing….. He has seen your whole life.
He wants you to know that He loves you and that you are forgiven. He’s just wondering how long you will let the devil make a slave Of you .
The great thing about God is that when you ask for forgiveness, He Not only forgives you, but He forgets . It is by God’s grace and Mercy that we are saved.
Go ahead and make the difference in someone’s life today.
An Update ( Where is ate Lau?) Marso 19, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: danger, kidnapping, krimen
5 comments
“Talagang pera lang ang habol nila” , ito ang konklusyon ng lahat sa nangyari kay ate Lau.
Salamat sa Diyos at ok na nga si ate Lau at malaya na mula sa kanyang mga abductors. Bagamat di pa namin alam ang buong pangyayari, ay magbibigay pa rin ako ng ilang updates based sa mga balibalita ( which i think is not 100 % accurate)
While on the way sa Baclaran sa paniniwalang nandun tinago si ate Lau ay nakatanggap muli ng txt ang kanyang asawa na nagsasabing hindi ito tumupad sa usapang dapat 4:30 ay nasa kanila na ang pera.kaya kinabukasan na nya makikita ang kanyang asawa. Sa sobrang takot kahit gusto pang i-delay ang pagdeposit ng pera ng mga pulis para sana mahuli ang mga salarin ay di na nagdalawang isip si kuya bong na ideposito sa account ang amount na hinihingi nila. ( salamat sa BPI bank na napaki-usapan ng aming opisina na maghintay saglit). Nang ma-withdraw ng mga kidnapper ang pera ay nagtxt sila na puntahan na si Ate LAu sa SM Makati foodcourt.At doon nga ay natagpuan sya ng kanyang pamilya.
Hindi man lang ba nya nakita kung sino ang dumukot sa kanya,una kong tanong ganung inihatid sya sa SM. Ang sagot hindi raw. Di ba sya sinaktan? Hindi naman daw siguro.Di rin kinuha celfon nya?Hindi rin. Pero ang sigurado sila ay di makausap ngayon si Ate Lau at puro Daddy natatakot ako ang sinasabi.
Mga hakahaka:
1. Initially hold-up lang ang pakay pero dahil wala syang dalang pera ay nauwi sa kidnapping
2. ito ang bagong modus-operandi ngayon. Easy money. Ang hihingin lang ng mga abductor ay yung kayang iproduce within the day.
Hay nakakatakot,Kahit sino na pala ngayon ay maaaring maging biktima ng kidnapping. Hindi na lang mga mayayaman kaya ibayong pag-iingat ang kailangan.
salamat nga pala sa lahat ng mga concerns!
Where is Lau? Marso 18, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me, Uncategorized.Tags: Kidnap, krimen, ransom money, technology, text
3 comments
Lunch time. Masaya kaming nagkakabiruan habang nilalantakan ang mga pagkaing nasa aming harapan. Maya maya ay tumunog ang telepono ng aming visor.
Si kuya Bong ang nasa linya. Kinausap si Ate Wil. Parang napakaseryoso ng pinag-uusapan sa linya. Hindi maganda ang expression ng kanyang mukha.
Pagkababa ni ate Wilma ng telepono, sinabihan nya kaming wag mabibigla. At binitiwan nya ang balitang may nagtext raw kay kuya BOng (asawa ni ate Lau) na hawak nila ang kanyang asawa at kinakailangan syang magdeposito sa account ni ate Lau ng 40,000.
Tinawagan ang celfon ni ate Lau,walang sagot. Hinambing ang account na binigay, kay ate Lau nga. Maya-maya ay may nag-text kay Claudine ( taga-ibang department) galing sa CP ni ate LAu na hawak nga raw sya ng limang lalaki.
Ang dami tuloy naming tanong. Ang dami naming theories.
Pano sya nakapagtext kung hawak sya ng limang lalaki? Sya nga ba ang talagang nagtetext? Asan sya?Hawak ba talaga sya ng masasamang loob? o nanakaw lang ang kanyang bag at nakuha ang ilang impormasyon? Pero bakit di pa sya tumatawag,knowing ate Lau as super hysterical at simpleng bagay lang ay ipapamalita na sa buong opisina.
Naparalisado ang trabaho sa opis. Lahat natetense. Di mo aakalaing ang isang eksenang sa tv lang napapanood at nababasa sa dyaryo ay maaari palang mangyari sa malapit mong kakilala at kadepartamento habang ginagampanan ang kanyang trabaho (field work).
Marami pang sumunod na text.
Nakapiring raw si ate lau at dinala sya sa isang iskwater sa dulo ng Quezon City.
Saang dulo? Tanong na naman namin. Sa Payatas dahil maraming iskwater doon? O sa Maligaya? O sa Manggahan?
Maya-maya sa tulong ng teknolohiya ay natrace kung asaan ang location ng cp. Nasa isang building sa may Baclaran.
Nagpasya silang magtungo roon kasama ang mga awtoridad.
Nasaan na nga ba si ate Lau? Ano ang totoong nangyari sa kanya? Sino ang mga walang pusong dumukot at nagpaparansom sa kanya?
Sana ok sya. Sanang walang masamang nangyari sa kanya o mangyayari. Sana ma-redeem sya.please God guide the people searching for her at sana bukas pagsikat ng araw ay may magandang balita kaming matatanggap na safe na sya at nakauwi sa kanyang pamilya.
Proactivity Marso 17, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: communication, freedom of expression, kid nation, life
4 comments
Napadpad ako sa Kid Nation noong Linggo. Isang reality show sa Channel 23 na nagtatampok sa grupo ng mga bata/kabataan. Hanga ako sa mga batang kasali roon pagkat napakagaling nilang magsalita at wala silang takot na ipahayag ang kanilang nararamdaman at iniisip. At sa murang edad ay nagagawa nilang magpasya para sa kanilang sarili.
Naalala ko tuloy ang aking kabataan. Masasabi kong masyado akong naging passive. Ako yung tipo ng batang walang marinig na sagot o sumbat kapag nakagalitan ng magulang. Kusa kong tatanggapin ang anumang parusang inaaatang nila kung meron man. Kahit minsan alam kung tama ako ay hinahayaan ko na lang at sinasarili. Sa ganitong sitwasyon naging isang “mabuting anak” ang dating ko sa aking mga magulang. Mabait, di palasagot.
Subalit napapaisip ako sa ngayon kung tama ba ang ganoong attitude? Ang wag na lang sumagot, ang wag na lang sabihin anuman ang saloobin para hindi na humaba ang usapan? para di na humantong sa mainip na sagutan?
Tingin ko hindi. Maling sarilinin ang mga bagay na dapat ay ibinabahagi. Dapat matuto akong magsalita at hindi isang listener lamang. Sayang naman ang aking mga ideya. Sayang naman ang aking paliwanag na maaaring magbigay rin ng liwanag sa kanila. Dapat hindi ako matakot isambulat ang aking saloobin. Karapatan ko iyon. Dapat ko ring matutunan na hindi lahat ay sasang-ayon sa aking sasabihin pero hindi rin naman lahat ay sasalungat. Bahala sila kung ano ang gusto nilang pulutin at kung ano ang gusto nilang itapon.
Sabi ko nga sa aking ka-opisina, pag laki ng aking baby ay papayagan ko syang sumagot sa akin.Pero syempre dapat andun pa rin ang paggalang. Hahayaan ko syang ipahayag ang kanyang saloobin. Para matutunan nyang i-express ang kanyang sarili at mabuo ang pagtitiwala rito.
A Tree of Four Seasons Marso 15, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: inspiration, life, perseverance
2 comments
I want to share this short story I read from www.inspirationalstories.com. Hope it will inspires you too. Happy weekend!
There was a man who had four sons. He wanted his sons to learn not to judge things too quickly. Therefore, he sent them each on a quest, in turn, to go and look at a pear tree that was a great distance away. The first son went in the winter, the second in the spring, the third in summer, and the youngest son in the fall. When they had all gone and come back, he called them together to describe what they had seen. The first son said that the tree was ugly, bent, and twisted. The second son said no–it was covered with green buds and full of promise. The third son disagreed, he said it was laden with blossoms that smelled so sweet, and looked so beautiful, and it was the most graceful thing he had ever seen. The last son disagreed with all of them; he said it was ripe and drooping with fruit, full of life and fulfillment. The man then explained to his sons that they were all right, because they had each seen but ONLY one season in the tree’s life. He told them that you cannot judge a tree, or a person, by only one season, and that the essence of whom they are–and the pleasure, joy, and love that come from that life–can only be measured at the end, when all the seasons are up. The moral of the story: If you give up when it is winter, you will miss the promise of your spring, the beauty of your summer, and fulfillment of your fall. Do not let the pain of one season destroy the joy of all the rest. Do not judge life by one difficult season.
Persevere through the difficult patches and better times are sure to come some time or later.