One Wednesday Morning Pebrero 21, 2008
Posted by einn0c in On The Lighter Side, Whatever!.Tags: adventure, life, travel
5 comments
Alas-sais ng umaga kami dumating ng bahay galing ng Pangasinan. Dahil malapit naman ang opisina sa aming tinitirhan ay nagawa ko pang umidlip at planong bumangon ng 6:30. Sa kasamaang palad ay alas siyete na ako nagising. Kaya nagkumahog ako sa pagligo at paghahanda ng aking mga gamit. 7: 30 na ako nakaalis na humihingal pa dahil para akong ipo-ipong kumilos mahabol lang ang oras.
Salamat naman at pagdating ko ng kanto ay meron kaagad fx. Ang kaso noong magbabayad na ako ay di ko mahagilap ang wallet na pinaglalagyan ko ng barya. Buti na lang at nadala ko ang aking black wallet. Ang problema naman ngayon ay 1000 peso bill lang ang laman nito. May pansusukli kaya si manong early in the morning? Kagaya kaya siya ng ibang drayber na magsesermon at magmumura? Pabababain kaya nya ko ng fx? First time nangyari sa akin to kaya talagang tolero at balisa ako sa oras na yun.
Pero ala akong choice kundi magbayad na dahil malapit na ako bumaba kaya inabot ko kay manong ang aking pera sabay ang kalakip na panalanging sana ay di naman ako pahiyain.Kinuha nya ang bayad ko at binalik. Sabi ko, ” Manong wala na akong ibang pera eh”. Deadma si manong. Tahimik lang ako sa pwesto ko at nakatingin sa isang direksyon. Siguro kung mestiza lang ako super pula na ako sa oras na yun.
Kailangan ko ng pumara kaya kapal mukha akong nagsabi, “mama sa bpi lang po”. Huminto ang fx. Bumaba ako sabay sabi kay manong, “kuya thank you po”. tumango naman sya. Pagbaba ko isang napakalalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.Hayyyyy
Lesson learned: Laging magbayad ng isang libo sa umaga para laging libre sa pamasahe 😉