Haler??? Marso 14, 2008
Posted by einn0c in Whatever!.Tags: confusion, crush, feelings, infatuations, innerselfji, love
2 comments
Naiinis ako sa sarili ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiwari ko ay bumalik ako sa pagiging teenager at nalilito sa aking feelings.Para bang di makakain di makatulog ang dating.
May isa akong kaopisinang hinahangaan.Siguro dahil cutie at neat ang kanyang arrive, may sense of humor at talented. Lalong tumindi ang paghanga ko nung maging close kami sa kick-off ng aming opisina.
1. Paghanga lamang ba ang nararamdaman ko sa kanya ganung may pagkakataon na nagdi-daydreaming ako na sya aking kasama?
2. Bakit masaya ako sa tuwing nakikita k0 sya lalo kapag binabati nya ako at tinatawag na partner?
3. Bakit nakaramdam ako ng kirot ng malaman kung may gf na sya at nagwowonder ako kung ano kaya hitsura nito?
4. Tama bang makaramdam ako ng ganitong mga bagay gayong may asawa na ako?
5. May mga pagkakataon din kaya na dumaan sa ganitong stage ang asawa ko? o ibang taong tulad kung committed na?
Gusto kong isipin na paghanga lang to at nothing more than that. At darating ang panahon na makakalimutan ko rin ang anumang nararamdaman ko ngayon.
Naalala ko tuloy noong haiskul ako–“bata ka pa,puppy love lang yan,lilipas din yan 🙂