??? Mayo 27, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: inner-self, life, senti-mood, uncertainties
3 comments
gusto kong lumipad
pumailanglang sa taas ng ulap
nais kong abutin ang mga bituin
hanggang sa ako’y magkaroon ng sariling ningning
ngunit pano ako makakarating
sa dakong nais paroonan?
kung di ko kayang ikampay aking mga pakpak
dahil sa mga dalahing sadyang kay bigat
paano gagaan, kailan mababawasan?
kailan mawawakasan ang mga pahirap?
ganito nga ba talaga ang buhay
kailangan bang parating may lumbay?
ang bawat pagtawa ba
ay may pagluhang kakambal?
kailangan ba talagang mabigo
bago magtagumpay?
Broken Heart Abril 1, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: broken heart, emotion, feeling, inner-self, love
7 comments
Lessons Learned Pebrero 28, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: acceptance, inner-self, lessons, life, regrets, self confession
3 comments
Tumawag si mama kagabi,napanaginipan raw kasi nya the other night na nagkalasug-lasug raw ang katawan ko gawa ng di nya mawaring creature tapos nung nakuha na raw nila ako unti-unti akong nabubuo tapos sabi ko raw ok naman pakiramdam ko.
Bigla tuloy akong napa-reflect. Hindi kaya isang prophecy yun kay mama tungkol sa naging takbo ng buhay ko?
Masasabi kong nagsimula ako sa isang smooth-sailing life. Wala akong dapat alalahanin dahil binibigay lahat ng pangangailangan ko. Na sinusuklian ko naman ng kabaitan, tagumpay sa ibat-ibang larangan.Sa mga panahong iyon kung magkakaproblema man ako ay napaka-light lang at parating meron akong masasandalan sa tabi ko.Safe life kung maituturing. Parati akong nasa safe side or should i say right side. Takot akong magventure sa kabilang dako ng mundo dahil kala ko ok na sakin ang ganitong buhay.Simple,tahimik…
Of all sudden pakiwari ko boring na ang lahat. Gusto ko iba naman. Yung may thrill, yung exciting.
Kaya sinubukan kung somehow mag-deviate sa norm na kinalakhan ko. At first it was fun. I thought it would be forever like that. Pero masyado ata akong nag-give-in. At ng marealize kung di na tama ang nangyayari, di ko alam kung ano ang nararapat gawin.Di kasi ako handa. Dahil hindi ako nasanay na harapin ang buhay ko ng mag-isa.And everything failed. My goals,my dreams,yes my entire life.
That moment i felt so shattered. At di ko alam kung saan ako magsisimulang pulutin ang bawat piraso ng aking pagkatao.I blamed everyone. So many if’s,so many buts. Everything was a huge question mark to me.Regrets.I cried often wishing na sana anurin nito lahat ng sakit,hirap na dinadanas ko ….
That was then.
But now,somehow I am ok na. Not totally overhauled pero at least unti unti ko ng napagdidikit ang bawat piraso ng aking buhay. Yes,the scars will forever stay pero naniniwala naman ako na ang bawat peklat na dala ng mga sugat ng kahapon ang magpapatibay sa akin sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Salamat at natutunan ko ang word na acceptance. That if I could not change things the way I like them to be,tinuturuan ko ang aking sarili na-iaccept things as they are and try to find possitive things dito. Tingin ko mas madali ito kaysa pilitin kung magkaroon ng solusyon o pagbabago ang isang bagay na tila imposible naman.
And if you gonna ask me now kung nagsisisi ako sa mga ginawa ko?
Yes there was a time na puro regrets..regrets..regrets!But then I realized na I should not regret doing them kasi that very moment na ginagawa ko ang mga bagay na yun ay yun exactly ang gusto ng puso at isip ko.
Now,it’s no more regrets only lessons learned and reasons to live happy 🙂
“everything in life has a purpose
there are no mistakes
coincidences,events are blessings to us
to learn from them”