office blues Pebrero 27, 2008
Posted by einn0c in On The Lighter Side, Whatever!.Tags: cartoons, office life, tv programs
2 comments
Maganda ata gising ng mga ka-departamento ngayon dahil nagawa naming mag brainstorming habang nagtratrabaho.
Nga pala bago ako tuluyang magkwento ay hayaang nyong ipakilala ko muna ang aking mga kadepartamento: On my left ay si piggy ,next to her ay si piglet, sa likod nya ay si liit aka nora aunor, tapos sunod sa kanya ay si batchoy, sa likod ay si chelsea (remember patayin sa sindak si barbara) and right to me is my visor ( oh di ba isang sulyap lang ng supervisor ay paniguradong timbog ako sa aking pagwowordpress, pero gaya ng ibang bloggers kanya-kanyang talent lang ng pagtatago yan 🙂 ). Next cubicle ay nandoon si porky at sa likod nya ay si marie burdado. Kasama rin pala namin si Mamu ang mudra ng mga nagmumurang kamatis at proud sa cleavage kahit kulubot na. Motto nga nya “may asim pa”.Pero this time as silent lang sya sa aming topic of the day.Pansin nyo ba me lang walang alyas? shy kasi akong sabihing ako si cutie 😉
piggy: nanood ba kau ng lobo?
me: oo,nakatakas si Agot
piggy: sabi ko nga pag nahuli pa xa kalokohan na yun.
me: sino ba si shaina dun?
piggy: napulot sya ng mga luna…
ngayon ko lang nalaman na may puti at itim na lobo pala sa teleseryeng iton.aba malay ko ba kagabi lang ako nakanood eh!
piggy: nakakainis na ang marimar
liit: oo nga di naman ganun yun dati
me: masyado ng pinahaba
lingid sa aking kaalaman ay may nagproprotesta pala via chikka si porky kapuso kasi sya at maka-marimar.
me: maricar eww! ( maricar kasi name nya)
tawanan kami lahat
me: sa channel 11 my rosalinda
piggy: un ba ung may mga roses.oh diba alam ko pa?college pa tau nun.
me: intern tau nun naaalala ko kasi may co-intern akong kasing liit ko pero galing kumanta ng rosalinda
me:Â mas gusto ko yung maria mercedes ( sabay kanta:maria mercedez ang pangalan ko:)Â )
piglet: alam na alam ha!
piggy. paulit ulit yung palabas.pati nga mga cartoons
me: oo tulad nung ano nga ba un? yung sila alfred,eugene..
piggy: ghost fighter..nanood ako nun
me: meron ngayon sa 7
piggy: ayoko na nun napanood ko na yun
piglet: gusto ko yung cedi
me: heidi ang meron tuwing saturday
piggy: nanonood dn ako..yung..ano..yung babae…
piglet: princess sarah?
piggy: hindi
me: yung kulay gold ang buhok?
piggy:oo
me: yung nakatirintas?
piggy:oo
me: anne of green gables ba yun?
piggy: nanonood rin ako nun pero hindi yun…
eh di ba hataw kami sa topic ngayon?at kung nagtataka kayo bakit di kasama ang iba sa usapan isa lang ang dahilan: dahil kabilang sila sa ibang henerasyon. kami ang mga bagets sila ang mga forgets 😆