Archive for Marso, 2010
mabait pa rin si Bro. ;]
Paano ba ko magsisimula? Ang tagal ko palang hindi in-update tong E-bahay ko. Kasi nagpramis galore ako sa sarili ko na mag-aaral galore ako ng mabuti. At susundin ako ang advice niyong hardcore aral.
HANEP!
PASADO AKO
sa
FINANCIAL ACCOUNTING I!
Sa 3 days na pag-eencode ng grade, sobrang tensionado ako dito sa bahay. Parang magkakasakit na nga ako. Kasi nabalitaan kong ang dami daw ng bagsak sa ibang section. Hmm. Tapos sa amin, nabalitaan ko naman ngayon na 15 daw ang bagsak sa amin. Ang lupit ng tadhana. π¦
Hindi ko alam kung dapat ba kong maging masaya o malungkot dahil sa pasado ako, o dahil sa WALA NA ANG INIINGATAN KONG SCHOLARSHIP. π¦ Nahihiya ako sa mga magulang ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, dahil habang nagpprogreso ako, hindi naman bumababa ang tuition fee ko eh, tumataas. π¦ Kaya ayun.
Pero sa ngayon, pipiliin ko pa rin munang maging masaya dahil PUMASA AKO! π At dahil rin yon sa tulong ng mga kaibigan kong nagdasal para sa akin. Pati na rin kayo. π Kaya…
MARAMING SALAMAT! π
hardwork on the left. prayers on the right.
Forgive me to tell you this guys, but I NEEED AGAIN your PRAYERS. π I know, hehe. Nanghingi kasi ako ng tulong sa inyo dati bago ako magQualifying Exams, IT WORKED. Tapos ngayon naman, ganun din uli. Para sa aking Chuunin Exam ay este Final Departmental Exam sa Financial Accounting I. ‘Wag kayong mag-alala, hehe, ako naman ay magsa-SAGE MODE para magReview ng 25 Chapters ni Valix. π Hindi naman po iyon too much? Hindi po ba? Hehe. Ayaw ko din kayong mapahiya kay Bro, hehe. Baka mabatukan niyo ko, pero kailangan ko lang talaga ng Prayers niyo. π
Hindi para sa “kahit anong mangyari eh ipasa niyo po si Gudang (yung instant)“. Ang dasal eh para sa “wag niyo pong hayaang mag-adik at tamarin si Gudang, tulungan niyo po at gabayan na lamang siyang mabuti sa pagrereview at nawa’y matapos niya ang bente-singkong kabanata ng bibliya ng FinAct I. wag niyo rin po siyang pabayaang mag-minimaynimo sa Actual Exam, nawa’y makapagsolve siya ng problem ng matiwasay. AMEN.”

Isshare ko ang aking SAGE MODE SCHED kapag pumasa ako. Hehe. Nakuha ko pa talagang gumawa nun eh no? Para lang may KAAYUSAN sa buhay ko. Hehe. Sa March 24 na ang aking Exam. At nakuha ko pang magBlog? Hehe. Wala lang. Gusto ko lang gawin muna ang mga gusto kong gawin bago ako magbabad sa libro, lapis, pambura, pantasa, columnar, reviewer at sa bespren kong calculator. Prinsipyo ko sa pag-aaral yun na mula nung 1st Year ako eh ina-apply ko at SO FAR, SO GOOD. Ewan ko lang kung papatok pa rin ngayon. Walang masama kung hindi susubukang muli.
At nakuha ko pang mag-EK nung Sunday no? Hehe. Ipinagdiriwang lang namin ang last teen year ng aking Best friend Dianne. Kaya ayun. π Napa-EK ng biglaan. π Masaya talaga kapag kasama ang mga kaibigan. MWAH π
iloveyou mga pare! π
CHEER UP!
MAG-ARAL TAYONG MABUTE! π
Goodnight mga labs.
*pansamantalang mawawala sa background ng blogosphere*
I’ll say when it’s over.
Una muna, nais kong magpasalamat sa mga ka-E-bahay ko na nagbigay ng kanya-kanyang pasabog sa issue ng last entry ko. Maraming salamat sa pagbibigay ng mga encouragement at words of wisdom. Marami po akong natutunan at lalong lumakas ang aking loob.
66
Ayan ang Midterm Grade ko. 75 ang Passing Grade sa Accountancy. NUEBE na lang. I mean, NUEBA pa para pumasa ako, para ang 5 ay maging 3. Hindi ko muna iniisip ang Scholarship na kailangan ng “No Grade lower than 2.5“. Priority ko ang maging 3 muna sa ngayon.
Kaya ko pa ba? Statistics show… WEH? Hahaha. Joking. π 50% ang Midterm Grade. At 50% ang Final Grade. So kung 75 ang Passing, dapat maka-84 ako sa Final Grade. Tama?
GARABI TO MGA FRIENDS. Kaya ko ba? KAYA YAAAAN! Kailangan ko ng inyong mga dasal. Hehe. Naaalala ko tuloy nung ako’y nagQualifying Exam, tapos hiningan ko kayo ng tulong, at AYUN! Pumasa ako! Hehe. Naiisip ko tuloy, dito pa ba ko susuko? Hehe. At siyempre, ang SUPER MEGA ARAL ULIT π
I know, i know. Kailangan maging ‘realistic’, pero sa ngayon, isang realidad lang ang kailangan at gusto kong paniwalaan. Yun eh na dapat PUMASA AKO! HEHE. π
“I’LL SAY WHEN IT’S OVER.”
– Uzumaki Naruto

SHANNARO! π
GOOD VIBES,
Please Come To Me Now. π
PA’NO NA?
Merong mga bagay na kahit anong gawin ‘ko, hindi ko talaga kayang paniwalaan na posibleng mangyari. Kahit anong mangyari, umaasa ako sa katiting na liwanag o sa napakalit na porsyentong “MAY MANGYAYARI PA“, magiging OKAY pa.
Pero bakit sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi akong napapahalubilo sa mga taong SUPER NEGA kung mag-isip. Nang magpaulan ang Diyos ng PESSIMISM eh “open-arms” silang sumalo noon.
Financial Accounting I. Prelim Term, 3 quizzes ang bagsak ko. 1 ang 100. 69 ako sa Prelim Exam, ang Passing Grade eh 75. In short, nung Prelim term, bagsak ako, tama? Midterm. 4 quizzes and bagsak ko. 1 ang 100. Hindi ko pa alam kung pasado ako sa Midterm Exam ko. Tingin niyo ba papasa ako sa Midterm? Final Term, wala pang mga quiz, wala pa ring exam. KAYA KO PA BANG HUMABOL?
Takot ako at sobrang lungkot ko dahil hindi ko masabi sa parents ko ang nangyayari. May tiwala kasi sila sakin, at kung kailan naman ako naging Scholar, isang Semester ko lang pala mapapakinabangan. Ang lungkot talaga. Sobra.
Madalas akong tinatanong ng mga kaklase ko kung nasabi ko na daw ba sa parents ko na baka bumagsak ako. Na malaki daw yung chance. Sabi ko, at ang parati kong sagot eh: “Ayaw ko. Hindi ko kaya.” Dahil hindi ko naman talaga kaya. Kailangan ko na daw sabihin para daw hindi na raw magulat ang parents ko.
Kapag naman tinatanong ko yung mga Superfriends ko, parati nilang sinasabi sakin na, “Hindi yan Gudang. Kayang-kaya mo pa yan. Maniwala ka lang.” Kaya ko pa ba? Pero tulad nga ng sinabi ko sa sarili ko dati, “Kahit maraming tao ang walang bilib sa kakayanan ko, lalo na yung iba kong kaklase, basta’t mayroong ISANG TAONG naniniwala sakin at sinasabi saking OKAY LANG YAN, kakayanin ko. At okay lang talaga yun.”
Nang bumisita ako kay St. Jude last time, parang after nun, parang kahit anong mangyari, parang TIWALANG-TIWALA ako sakanilang dalawa ni Bro, na hindi nila ako papabayaan. Hindi nila ako papabayaan kaya, parang hindi ako masyadong nagwoworry. Kaso ngayon, parang unti-unti na kong nabbrainwash ng mga taong nasa paligid ko na konti na lang eh sabihin sakin na sumuko na ‘ko. Tama na ‘to. At niloloko ko na lang ang sarili ko. π¦
Pa’no na? Dahil pati si Naruto, tingin ko, nahihirapan rin sa problema kong ‘to.

What Now?
Ano bang sa tingin niyo mga kapit-E-bahay?
May pag-asa pa kaya?
‘Coz it has always been unfair.
Buti naman at day-off ko bukas (parang iba yun ah haha), basta wala akong pasok every Thursday π
TULOOOONG! Si Gudang ay kinakabahan ng bigtime para sa kanyang performance sa Saturday (03-06-10). Magdadrama kasi ako. As in Dramatic Speech. Oo, ang tagal ng sumagi sa utak ko na bakit ko kailangan gawin yun eh Accounting ang Major ko. Ganun naman ata talaga eh, kapag maraming feeling major na subjects. At hindi ko pwedeng pabayaan yun dahil may mine-maintain akong grade. Haay KAIBA! π
“People become bitter when they think that LIFE IS FAIR.
‘Coz it has always been unfair.”
AGREE? I do. xD Nabasa ko lang yan sa News Feed sa aking FB. Totoo naman eh. Ocge Gudang, magdrama ka na naman. Haha. π Pero, hindi nga, totoo naman nga naman yan. π Kaya matuto tayong magapakatotoo at tanggapin ang FACT sa araw-araw. Ang daling sabihin, ang hirap gawin. Kasi ako mismo, BITTER π Haha.

NARUTO NI GUDANG π
At sige na! Shinare ko lang yun. π Maghahanap na ko ng background music ko para sa Speech ko.Nagdalaw pa ko sa inyong mga bahay π
Goodnight looooves! β₯
Pwedeng maguluhan, hindi yon kasalanan.
AT SOBRANG HAGGARD DAY ngayon. Bakit kaya everytime na matatapos ang klase ko sa tatlong oras kong inuupuan na Financial Accounting I, napapansin kong sobrang pagod ako? Kahit wala na kaming P.E., mas nakakapagod pala kapag utak mo yung pinagod, hindi katawan.
Hindi naman kami naglecture kanina, pero sobrang MINDBLOWN ako dun ah. Garabi. Hindi ko naman pwedeng sisihin ang kahit sino na sa APAT na QUIZ na yun, eh wala akong naipasa kahit isa. Eh anung pake ko kung Gain or Loss siya sa pagbebenta ng lintek na mga Stocks niya! Magsara na Company niya!
Anung pake ko? MALAKI. Dahil ito ang napili kong course. Bagsak ako? Okay lang yun! Okay lang talaga yun! π Hehe. Kasalanan ko yun eh. Pero hindi okay yun, dahil hindi ko pinagbuti. Gago ka Gudang, labo mo!
Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anung uunahin. Ay mali, alam ko pala kung anung uunahin, ayaw ko lang gawin. Wala namang nagsabing kasalanan ang maguluhan, kaya okay lang. Kaso kapag naliwanagan na ang utak mo, kasalanan nang hindi sundan ang liwanag. (LIKE WHOA?!)

HAPPINESS!
Nadulas ako kanina. Ewan ko kung tatanga-tanga talaga ako o tanga lang talaga. Pwede both? Nadulas, as in literal. Pagbaba ko sa hagdan, ayun, GORA SA DULAS NG SAHIG! Haha. Parang nag-ice skating ako nang walang yelo. Kamusta naman. π At sa dinami-dami naman ng mga taong maaaring makakita nung “Very Precious Moment“, OO, tama, ANDAMI NGA NILANG NAKAKITA. π¦ Okay lang yun, hindi naman nila ako kilala. Eh ba’t ba?! Unique ako bumaba ng hagdan eh! Gusto ko makatawag-pansin! Minsan na nga lang ako magpapansin eh, pagbigyan! Haha π

ENERGY!
At napansin ko rin nakakatuwa pa rin talaga dito sa WordPress, dito sa E-bahay ko. Dahil kahit anung mangyari, yung mga naging kaibigan ko dito, eh hindi pa rin ako nakakalimutan. Hahaha π Ang lupet! Kaya nagaganahan gora type ako eh. π
O panu ba yan mga labs?
Matutulog muna ko, at kailangang pumasok sa impyerno, ay este, iskwela bukas! π GOODNANAYT! π
Okay lang yun. Normal lang yun.
Nang mapanuod ko ang MMK (Maala-ala Mo Kaya), featuring ang buhay ni Efren PeΓ±aflorida. May natutunan ako.
Na ang sapatos na butas ay BASTOS. Ngeeee. Patawa si Gudang. Hindi yun! Hindi yun! Erase! Erase! π
Ito ay line na sinabi ni Mr. Dominic Ochoa. Hindi ito yung exact na sinabi, pero ito ang thought. Hindi ko matandaan ang kanyang character name pero siya ang naging daan ni Efren para sa tamang landas.
“Yung MAPAGOD ka, normal lang yun. Okay lang yun. Yung magduda ka sa sarili mo, normal lang din yun. Okay lang talaga yun. Dahil ang mahalaga, yung HINDI KA SUMUSUKO. Yung hindi ka susuko.”
———————————————-
Hindi ba nakaka-inspire? Ako kasi, na-inspire eh. Parang sobrang tama ng timing nung napanuod ko yan, dahil nung mga time na yan, nagdududa na rin ako sa sarili ko, kung tao talaga ako. Ngeee. π
Kung ‘okay’ pa ba na andito ako sa course ko, dahil sobrang walang pakundangan ang Accounting sa pagpapahirap sa buhay ko. Pero hindi eh, okay lang naman daw talagang magduda sa sarili ko at mapagod ako. Hindi pa naman ako umaabot sa puntong SUSUKO. “paSUKO” pa lang. JOKING π Haha.

Uzumaki Naruto On Giving Up
Tsaka para saan pa yung pagkahilig ko sa kung anu-anong Naruto, na ang motto, ay “I WILL NEVER GIVE UP!”
Diba Mga LABS? Hehe. π


COMMENTS ;]