Image

Ang Selfie

Ang selfie. Terminolohiya ng baguntaong babad sa teknolohiya. Ang salitang tila sosyal sa pandinig. Ang salitang nag-uutos na maging proud ang tao sa kaniyang panlabas na anyo. Ang tao ay hindi nauubusan ng ekspresyon sa mukha. Hindi nauubusan ng confidence. May guwapong-guwapo o gandang-ganda sa sarili dahil ipinagmamalaki nilang sila’y sila talaga, unique at hindi galing kay Belo o Calayan. Pero ang weird ah sapagkat pare-pareho lang naman tayong kawangis ng Supreme Being, naging guwapo o maganda o panget lang tayo dahil sa environment at sa sarili natin mismo kung paano natin dinadala ang ating anyo.

Ang selfie. Ang salitang makasalanan din dahil inuutusan ang taong magpainggit sa kapuwa kaya may mga bashers na nagpapaulan ng kritisismo sa kanila. Ang salitang nagbibigay sa tao na maging mayabang, na mapataas ang pride sa sarili.

Ang selfie. Ang salitang walang saysay. Ano ba ang isyu ang mayroon dito at nakilala bilang salita ng taon ng KWF? kontrobersyal ba talaga ang selfie? Mas mabuti na yung PDAF bilang salita ng taon. Kaya ang ilan ay napapataas ang kilay, parang jejemon na hindi rin bagay na maging salita ng taon. Kailangan pa siguro ng buong pusong pangungumibinse mula sa KWF o kung sinomang pumili sa mga salitang ito.

Ang selfie. Ang salita rin na kumukuha ng buhay dahil sa mga insidente ng pagkamatay ng mga tao. May namatay na estudyante dahil nahulog sa hagdan gawa ng pagse-selfie. Mayroon ding napabalitaang may grupo ng mga kabataang na-wash-out daw ng alon nang dahil sa selfie. May isang aritkulong kung saan may isang tao ang na-depress dahil din diyan.

Ang selfie. Ang salita ng kahibangan dahil hindi lang tao ang kinukunan. Kahit pati bago at pagkatapos matulog ay nakuha pang kumunan. Kahit may muta ay sine-selfie rin, masyadong nakakadiri. Kahit ang mga damit, gadget at pagkain na walang buhay ay kinukunan na rin. Kay lawak talaga ng kahibangan at kayabangan ng mga tao sa mundo. The technology version of pride and envy.

At ang selfie. Ang salitang ayaw mapasama sa gulo. Dahil kahit ang tsuper na nambugbog sa MMDA constable ay ayaw makunan ng video habang inuupakan niya ang constable. Nakakahiya raw. Kaya may pilosopong nagpanukala ng batas para magkaroon ng pagiging pribado ng tao. Ibig sabihin kahit pangongotong at pagbulsa ng salapi ay ayaw man lang ma-expose? Mas mahalaga pa ba ang pagiging pribado kaysa sa paglalantad ng pag-angkin ng mga politiko sa salapi ng bayan? Heterogenous talaga ang mundo natin. Pero may dalawang taong nagseselfie sa atin kahit mag-isa lang tayo at gumagawa ng mali, ang ating konsensiya at si Lord.

Image

Kailangan Ko Pa Rin Bang Mag- Simbang Gabi?

Itinuturing ko ang Misa de Gallo bilang isang solemn mass dahil sa mga magagandang homiliya lalo na kung ito ay tungkol sa sariling pagkatao. Hindi ko na maalala pero nakakadalawa na akong simbang gabi, hindi pa nga kompleto ang mga araw ng pagdalo eh at paiba-iba rin ng oras. Pero sa taong ito ay may dahilan ako para hindi dumalo sa nasabing pagtitipon.

Aminado akong masyadong tinatamad gumising lalo na kapag madaling araw. Nagsimula ito nang sumabay na ang pamilya ko sa pagwisimba eh ako lang na mag-isa ang nagsiaimba tuwing linggo nang maaga pero naapektuhan ako sa hindi pagsunod sa tamang oras ng misa dahil tinatamad gumising ang kapatid ko, ang mga magulang ko naman ay di sila conscious na ito ang oras ng misang dapat nilang sundin. Nahuhuli tuloy ako kasi sila ay napakatagal kung mag-ayos ng sarili, mahirap pa silang gisingin. Isama ko na rin ang panahon, malamig ang hanging amihan at masarap matulog kaya napapahuli na rin ang tao sa paggising nang maaga. Kung sa gabi naman gaganapin ay paiba-iba rin ang oras ng uwi ng mama at kapatid ko. Ako naman ay hindi rin makakapunta dahil may obligasyon ako bilang taong bahay (house son) tulad ng pagsasaing at pagrereview na rin. Magulo na ang iskedyul ng pagsisimba ko, kung mag-isa lang ako eh di organisado pa kahit papaano pero mukhang hindi na mangyayari.

Noong nagsimbang gabi ako ng dalawang taon, lagi kong ibinubulong kay Lord ang mga hiling ko. Pero 22 years old na ako at hindi pa matupad-tupad ang hiling ko. Bakit? Dahil ba sa hindi kompleto ang 9 consecutive days ko? O kung nakompleto man ay nasa puso ko ba ang paghiling? Malamang sasabihin ng konsensiya ko “ok lang iyan, normal lang iyan kaya maghintay ka lang at magtiwala sa Diyos.” Lagi namang ganiyan eh! Noong high school pa lang ay matagal ko nang gustong matupad ang mga pangarap ko pero wala. Eh, di ko naman masisisi si Lord kasi siya ang may hawak ng buhay ko at siya ang may hawak ng mga plano para sa akin. Ano pa ba ang silbi ng simbang gabi kung ang mga hiling ko naman ay hindi matupad-tupad?

May nasusulat ba sa bibliya na kailangan ang isang mananampalataya ay makabuo ng siyam na gabi nang sunud-sunod upang matupad ang kaniyang hiling? Nasusulat ba sa bibliya ang siyam na araw bago ang pagdating ni Hesus?

At sa pakiramdam ko ay nagiging kaswal na ang pananampalataya ng mga kapwa ko Katoliko. Nagmi-misa de gallo lamang sila kapag may bagong damit, kapag mas masarap kasama ang kanilang syota o barkada kaysa sa pamilya? Kung gusto lang nila? Isang kuwestiyon iyan ng pagiging Katoliko. Ewan ko.

Sa libro ni Rick Warren ay may mga taong ascetic o mga nagdarasal sa Diyos sa paraang pormal, pribado, at pansolitaryo. Patuloy pa rin akong magtitiwala sa Kaniya nang hindi nagsisimbang-gabi. Napatunayan na iyan sa sarili ko dahil minsan ay nabibigyan ng katuparan ang aking hiling kapag mag-isa akong nananalangin. Patuloy pa rin akong magdarasal sa Kaniya kahit sa simpleng pagrorosaryo o wastong pagninilay-nilay. May kani-kaniyang paraan ng pagdarasal ang tao.

May isang linya sa kanta ng misa ang aking nagustuhan. Pagpapahayag ng pagdating ng manunubos ng daigdig sa pamamagitan ng kaniyang Ina. Ang pagdating ni Hesus ay hindi lang sisimbolo sa pag-asa (na paulit-ulit na lang. Lagi naman eh, nakakasawa na kung tutuisin) kundi isang panahon na kailangan nang magbago ang tao kung nais makarating sa buhay na walang hanggan. Mula sa kaniyang ugali hanggang sa nilalaman ng kaniyang puso at isipan. Isang hamon para sa tao na pag-ibayuhin ang nagagawang kabutihan sa mundo:

Sabi ng anghel kay Maria

Tingnan mo’t magliihi ka

Ika’y magiging ina

Ng manunubos sa sala

Ngalanan mong Hesus siya.

Napakagandang linya. Tila nabuhayan ako ng loob na mapalapit sa Manunubos nating si Hesukristo. Isang Diyos Anak na masasandalan ng kahit sinong tao. He never rejects a prayer. Publiko man o pribado ay naririnig Niya ito at nabibigyan ng katuparan. Kaya naman isang general prayer na lang ang aking nabuo kasi kung hihiling ako, ay nakakako sensiya rin. Baka isipin ay sarili  na naman ang iniisip ko kaya uunahin ko na lang muna ang mga tao. Narito ang panalanging mula sa Purpose Driven Life ni Rick Warren na aking pinagsama-sama ang mga mahahalagang linya sa iba’t ibang kabanata:

Lord God in heaven, thank you for the glorious day. Help me realize how brief my time on earth will be. Help me to know that i am here for but a moment more. Everything is possible for you. Please take thia cup of suffering away from me. Yet i want your will, not mine. Help me trust you. You are with me. I receive your grace. I am depending on you. I want to know and belong to you. God, i know you will never leave me. Conform me, i want to make me more like you. I ask this through Christ, my Lord. Amen.

Pero kung saka-sakaling bigyan ako ng pagkakataon, sabihin mismo ni Lord na “Ikaw, wala ka bang maihihiling para sa iyo?”  Apat lang naman po, Lord: maging masagana ang pamilya ko, bigyan ako ng lakas ng loob at positibong pananaw sa buhay, makilala ako ng mga tao sa aking mga talento at malawak na kaisipan, at magkaroon ng girlfriend at sariling pamilya. Yun lang naman ang hinihiling ko.

Ang Terminolohiyang Good Friday at Black Saturday

Napakinggan ko ang isang lecturer sa PNU. Na-inspire ako kay Sir Ben Domingcil sa kaniyang pilosopiya na may halong katatawanan. Gumising sa diwa ko ang kaniyang pahayag tungkol sa terminolohiyang Good Friday. Hindi ko alam ang katawagan ng mga araw para sa banal na linggo ngunit dahil medyo lumalawak ang aking pilosopiya ay maitatanong ko ito sa mga parì ang kasaysayan ng terminolohiyang ito.

Ang katanungan ni Prof. Domingcil ay siyang naging katanungan ko na rin. Bakit tinawag na Good Friday ang Biyernes Santo gayong ito ang araw ng pagpapakasakit ni Kristo? Ano ang maganda sa Biyernes? Ang pagkapako sa krus ay maikokonsiderang maganda? Naguguluhan ako. Hindi ba dapat Solemn Friday o Black Friday na lang ang itawag dito dahil tayo ay nakikiisa sa pagpapakasakit ni Kristo. Wala akong makitang dahilan kung bakit Good Friday ang tawag sa Biyernes Santo.

O siguro kaya tinawag na Good Friday marahil ay ito ang araw na kung saan tayo ay iniligtas ni Kristo sa pamamagitan ng krus. Nilinis ang lahat ng tao mula sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang banal na  dugo at tubig. Yun ba?

Ang isa pa ay ang terminolohiyang Black Saturday na dapat ding palitan ng Glory Saturday kasi una, ang salin niyan mismo sa tagalog (Sabado de Gloria) at pangalawa, ano ang kahulugan ng itim sa Black Saturday?

Mga Dapat Tanggalin at Irepaso sa Kultura at Sistema ng Mga Paaralan sa Pilipinas.

Panahon pa ni dating Pangulong Marcos ay naging makabago ang sistema ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan. Ang lahat ng mga pagbabago ay nagsimula sa kaniyang administrasyon. Isinabatas ang K-12 program upang matugunan ang pangangailangan ng bansa hinggil sa maraming Pilipino ang walng trabaho at kakulangan sa kasanayan ang mga bata. Ngunit kahit ang mga guro ay kailangan ding matugunan ng pamahalaan upang maging inspirado sila sa dedikasyon sa pagtuturo.

Sa personal kong pananaw ay hindi ako sang-ayon sa RA 10533 sapagkat napakarami pa ring mga silid-aralan, teksbuk, at kagamitan ang kulang. Bukod pa riyan, wala ring kasiguraduhan kung magtatagumpay nga ito dahil sa mga nasabing kakulangan. Kailangan pang hintayin ang 4 na taon bago pa natin masabing epektibo nga ang nasabing batas.

Hanggang ngayon ay naroon din ang kultura sa loob ng isang pampublikong paaralan ang mga sitwasyong dapat nang tanggalin habambuhay na aking imumungkahi kung saka-sakali man. Katulad ng pagtitinda sa loob ng paaralan. Parehong sa loob ng kampus at klasrum isinasagawa ito. Kung minsan pa nga ay sapilitan. Mga guro mismo ang nag-uutos sa mga mag-aaral na magtinda ng pagkain. Naranasan ko na ring magtinda sa loob ng klasrum. Magkaroon sana ng boses ang mga kabataan na isuplong sa kinauukulan ang mga gurong nagtitinda o nag-uutos sa mga bata na magtinda. Simple lang ang dahilan School is an institution of learning and not selling. Hindi palengke ang paaralan. May mga pagkain naman sa kantina o may sarling baon ang mga bata kaya’t walang dahilan upang maglabas pa ng karagdagang salapi para sa kung anomang itinitinda ng guro. Sa panig naman ng ma guro, oo, nakasaad sa Code of Ethics article 10 na maari namang magkaroon ng income generating activities, provided na hindi ito gagamitin sa kaniyang oras ng pagtatrabaho. Weekends for example. Ngunit mas nakabubuti siguro kung huwag na lang dahil ang isang guro ay hindi napakalaking sahod ang habol kundi paglilingkod sa tao. Naiintindihan naman natin sila dahil sa hirap din ng buhay nila bilang guro. Kaya naman kinakailangang magkaroon ng panayam para sa mga guro tungkol sa pag-iimpok ng pera at tamang pagbabadyet. Kapag sinanay ito ng isang guro nang maayos at matalino, hindi na siya magtitinda pa sa loob ng klasrum, hindi na rin siya pupunta ng Mendiola para magpetisyon ng taas-suweldo. Malaki naman ang sahod na Php 15,000 pataas kung tutuusin, kulang lang tayo sa kaalaman sa financial literacy.

Ang mga teksbuk na hindi naman ginagamit ng mga guro at mag-aaral. Sa panig ng mga guro, mas naka-angkla sila sa mga modyul na inilalabas ng DepEd. Maganda ang mga modyul pero ang hindi katanggap-tanggap dito ay hindi porket updated ay etsapuwera na ang mga naunang sanayang aklat na magagamit sana nila bilang iba pang sanggunian (kung sa bagay ay mali mali ang ibang impormasyon sa isang teksbuk kaya hindi pa rin siya reliable source). Kung anong gawain ang nakalagay sa modyul ay siyang gagayahin ng mga guro which is QUITE WRONG. Dahil may umiiral na RA 10533 ay magbagong-bihis na ang mga authoritarian teachers (Idealist, Perennialist, at Essentialist). Maging orihinal dapat ang pagtatayang ibibigay sa mga mag-aaral, at least 80% o 85%. Sa panig naman ng DepEd, konakailangang magbigay sila ng mga libro para sa mga mag-aaral, yung KINAKAILANGAN talaga at nakapaloob sa kurikulum ng K-12 na mga sanggunian, yung tipong laging gagamitin ng mga mag-aaral at hindi nakatambak lamang sa bahay tapos ay wawalain lang nila. Parang katulad sana ng mga pribadong paaralan na mga recommended textbooks.

Magbibigay-puna lamang ako sa pahayag noon ng kalihim Armin Luistro na palitan ng teknolohiya ang mga yearbook dahil masyado na itong makaluma. Isa itong kababawan ang kaniyang mungkahi dahil kung gagawing ebooks ang mga yearbook ay malaki ang tsansa ma ma-corrupt o ma-virus ito. Wala ring tiyak na storage. At di mararamdaman ng mga magsisipagtapos ang pagiging sentimental value nito kaya’t manatili sanang nasa print bilang sentimental souvenir.

Ang tungkol sa mga photocopy. Di na dapat binabayaran ang photocopy na ibinibigay sa mga bata. Piso o singkwenta senimos lang naman ang mawawala sa guro eh, maliit na lamang na halaga ito sa paggastos. Ngayon bakit kailangan pang magbayad ang mga mag-aaral para lamang sa photocopied assessment? ano iyon, sell the commodity and return the money? Hindi ko alam basta’t sa aking palagay, marami sa kanila ang nasa mahirap na pamilya kaya’t siguro ay piso o 50 cents lang ay mukhang mamumrublema sila.

Yung sa pakitang-turo ng mga student-teacher sa mga pampublikong paaralan. Requirement ba talaga ang pagpapakilala sa magde-demo? Aksaya lamang ito sa oras! Ang paggamit ng videoclip bilang motibasyon sa mga mag-aaral ay GASGAS na dahil lagi na siyang ginagamit. Tila hindi rin maganda ang pagsasanay ng mga mag-aaral para sa pakitang-turo dahil alam mo naman ang mga nangingilates ngayon, nuknukan na ng talas ang kanilang kakayahan sa obserbasyon. Noong nag-demo kasi ako, ang akala ng mga co-practicumers ay hindi mahahalata na scripted ang demo pero natumbok nila, that makes me frustrated before both sa mga kasamahan ko at sa paaralang kung saan nag-OJT ako. Kaya sana ay maialis na rin ang scripted na demo teaching kasi parang hindi patas. Para mapatunayang magalinh talagang magturo ang isang guro, ang ide-demo ay bagong aralin at walang kasamang practice para sa CLG ang mga mag-aaral. At ang isa pa ay tungkol sa pagbibigay ng pagkain sa mga observers. Bagamat paraan ito bilang pasasalamat ay hindi pa rin ito tama. Kung nasa puso talaga ng isang student-teacher ang magbigay ay gagawin niya talaga ito o di kaya kung mandatory sa kanilang paaralan. Lagi sanang itatanim sa mga guro na ang pagtulong ay WALANG HINIHINGING KAPALIT, walang hinihinging expectation. Kung gusto ng mga observers ng pagkain habang may demo, pwes magbaon sila. Hindi pwedeng ipilit sa student-teacher na dapat magbigay ka kahit hindi requirement, walang ganon! Ako po kasi ay nagbigay ng souvenir sa mga naging supervising teacher ko dahil mandatory sa amin at isa pa ay kung mula sa puso ko talaga ang hangaring magbigay ng regalo.

Para mapataas ang posisyon sa pagtuturo ay kaliangang magkaroon ng Masteral and Doctoral degree. May study leave na tinatawag alinsunod sa RA 4670. Pero siguro ay kailangang imungkahi na gawing tatlong taon ang tenure ng pagtuturo bago kumuha ng higher degree. Masyadong matagal kasi ang pitong taon at mayroong mga gurong efficient talaga ay deserving na kumuha ng mataas na digri nang maaga.

Mahilig Tayo sa Pagitan

Kaibigan, dito lang sa Pilipinas kumakapit ang mga tao sa neutrality nang sobra. Minsan mapapaisip ka rin kung kapani-paniwala ba ang sinasabi o ginagawa ng kapwa o ang tao mismo ay magulo ang isip, tinatakpan lang sa paraang pagpapalusot.

Dito lang sa Pilipinas palasak gamitin ng mga Pilipino ang salitang “naman.” Sa pagkakaunawa ko, ginagamit lamang ito kapag may pangyayaring naulit o ekspresyon ng pagkadismaya (hal: Ano ba iyan! Ako na naman). Ginagamit bilang paghanga (Hal: Ang galing mo naman), o di kaya, ginagamit siya kapag siguradong-sigurado sa sinasabi o gagawin (hal: Siyempre naman).

Alam mo, nung pinatawag kaming mga Filipino major ng dekano ng school ko, nagtanong siya sa isa sa aming kamag-aral. Tinanong niya kung kumusta ang pagtuturo ng mga dalubguro. Ang tugon niya ay “ok naman.” Ipinagtaka ito ng dekano kasi sabi niya sa amin, “naman” means something that is satisfied but it seems not. Bakit ganito raw kami sumagot na kung saan nakasingit ang salitang “naman.” Mabuti pa raw ang mga Amerikano na kung tumugon sila ay deretsahan at wala nang paliguy-ligoy pa.

Dito lang sa Pilipinas tumutugon ang mga tao na may paningit na “naman.” May ilang mga katagang tulad ng ” Ok lang naman.” Ibig sabihin ay maayos ang lagay mo — sa panlabas lang at hindi sa loob, may kinikimkim na negatibong elementong ayaw ilabas dahil sa takot na mapahiya. Yung katagang “Kakayanin ko naman eh” o “Ginagawa ko naman ang trabaho ko.” Ibig sabihin, kakayanin mo pero di kapa rin sigurado. May bahagdang magtatagumpay, may bahagdan namang hindi. At ang katagang “Ok naman” na ibig sabihin ay nagandahan ka sa output pero sa loob-looban mo ay nakukulangan, di ka kumbinsido. Bakit hindi na lang deretsahin ng isang tao ang kaniyang sinasabi para di na magdulot ng pagtataka sa kinakausap. Bakit hindi na lang natin sabihing “Pwede na rin” o “Mabuti ako/nasa mabuting kalagayan/hindi maganda ang araw ko.” sa halip na “ok naman.” “Kakayanin ko ito/ginagawa ko kasi…” sa halip na “kakayanin/ginagawa ko naman…” at “Maganda, magaling, mahusay/pangit” sa halip na ok naman. Very annoying lang kasi. Matuto sana ang tao na maging prangka.

Dito sa Pilipinas nauso ang salitang “maliit na bagay” sa mula sa isang variety show. Kung titingnan natin ang pinakamalalim o pangalawang kahulugan nito ay isa itong negatibong kataga. “Hindi naman” o “Maliit na Bagay” ay  maaring kataga ng pagpapakababa or being ang underdog. Ngunit hindi na dapat ito sinasabi ng tao sapagkat maaari din itong magpakita na di kuntento o parang ikinakahiya ang kalagayan. Sa halip ay dapat ipagmalaki ito dahil bigay ng Diyos. Sabihin na lang nating “salamat” sa halip na “maliit na bagay” o “hindi naman.”

Ito pa ang isa, dito lang sa Pilipinas mahilig maglagay ng 3 sa mga rating sheets sa 5 point rating scale lalo na sa larangan ng edukasyon. Iminumungkahi ko na gawing 4 point rating scale para deretsahan. Yung mga nag-oobserbang mga guro halimbawa sa demo, mahilig silang magbigay ng 3. Kahit ang mga tao na which is evidently poor performer ay 3 pa rin ang ilalagay. Siguraduhin naman na kapag maglalagay ng 3 ay dapat may paliwanag kung bakit. Ganito kasi ang ginagawa ko kapag nag-e-evaluate, kahit may rating na 2 at 1 ay ipinapaliwanag ko rin sa performer sa paraang pasulat o pasalita. Yung 4 o 5 ay evidently na mahusay maliban na lang kung kailangan ng detalyadong dahilan, nilalagay ko na rin ang paliwanag kung bakit mataas pero actually ay hindi na kailangan.

Dito lang sa Pilipinas mahilig ang mga Pilipino sa “Play Safe.” Yung di masyadong mabait o mahigpit. Kasi ingat na ingat tayo mula sa pananakit ng damdamin sa ating kapwa. Baka kasukalaman sila ng evaluee, magdadala ng depresyon, at sama ng loob, at kahit bashing. Maari tayong magpaka-Play Safe kung kinakailangan talaga ngunit parang yin at yang lang iyn sa Chinese, positibo at negatibo lang, walang intervening element. Kung maganda, eh di maganda. Kung pangit eh di pangit. Hindi excuse ang awa.

Nicene Creed — Malayang Salin sa Tagalog

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa at ang lahat ng mga bagay na nakikita’t di nakikita.

Sumasampalataya ako sa Panginoong Hesukristo, nag-iisang Anak ng Diyos, isinilang mula sa Diyos bago ang simula, Diyos sa Diyos, liwanag sa liwanag, totoong Diyos sa totoong Diyos, nilalang na kawangis ng Diyos Ama. Sa pamamagitan niya’y nilikha ang lahat ng mga bagay sa mundo. Para sa sangkatauhan at sa ating kaligtasa’y bumababa siya mula sa langit. At sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, at naging tao. Para sa ating kaligtasa’y pinagpakasakit ni Poncio Pilato, namatay, inilibing, at sa ikatlong araw ay nabuhay siyang mag-uli ayon sa nasusulat. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Dito mula’t pariritong lumuwalhati’t huhukom sa mga nabubuhay at nangamatay na tao at sa walang hanggan Niyang kaharian.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Panginoong nagbibigay ng buhay na humalili sa Diyos Ama at Diyos Anak, na kasama Nila ay sinasamba’t niluluwalhatian, na nagpapahayag sa pamamagitan ng mga propeta. Sa nag-iisa, banal, katoliko, at apostolikong Simbahang Katolika. inihahayag ang pagbibinyag para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan at tumutungo ako sa muling pagkabuhay ng mga nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

If Reborn Was Made…

  1. Maging atleta ako ng basketbol. O di kaya kahit ibang sports o kung hindi man ay lalaking isang magaling na coach.
  2. Maging relihiyoso ang mga magulang ko na ituturo sa amin ang four cardinal virtues. Matiyagang ipakilala sa amin ang Diyos.
  3. Maging solong anak ako.
  4. May magulang akong marunong mangumbinsi at marunong manaway nang maayos.
  5. May magulang akong positive minded.
  6. Maging mayaman kami.
  7. Hindi ako nag-college at lumaki sa sipag at diskarte na mabilis umunlad.
  8. Hindi ako sakitin.
  9. Maging tulad ako ng mga taong marunong mapagpakumbaba at marunong magtimpi.
  10. Maging genius ako.
  11. Maging musically giftred ako. Lahat ng instrumento ay kaya ko kahit ang instrumentong pinakamahirap gamitin.
  12. May magandang trabaho ang mga magulang ko.
  13. Di ako lalaki sa sigaw at palo.
  14. Maging mahusay akong manunulat/makata.
  15. Maging Born-Again na lang ako.
  16. Maging indibidwal na malapit sa mga tao.

Kailangan Pa Ba ng Helping Hand?

Isa sa mga dahilan kung bakit gumagaling ang isang tao ay ang suporta ng kaniyang mga tagahanga o mahal sa buhay o kapwa magagaling. Lalong nabubuhayan ng loob ang isang tao na siyang gagamitin upang paghusayan pa ang larangang kung saan siya magaling. Ngunit minsan napapasobra na sa suporta o hindi na nga eh.

Isang tanda ng pagiging matapang at may pusong ipaglaban ang bayan sa pamamagitan ng palakasan ang Gilas Pilipinas. Tagahanga ako ng nasabing koponan at parati akong nagpapaabot ng suporta sa kanila. Yun nga lang dahil hindi sila nakakuha ng slot sa FIBA at naging masalimuot ang pagkagapi nila sa Incheon Games, napapaisip ako na tila nasobrahan ang mga Pilipino sa suporta ng koponan dahil sa masyado itong pinapansin. Si Gabriel Moreno nga halimbawa ay hindi batid ng mga tao ang kaniyang galing sa archery pero nanalo ng ginto sa Nanjing. Si Daniel Caluag naman ay hindi pinapansin masyado ng mga Pilipino pero nanalo ng ginto sa Incheon. Naniniwala ako sa sinabi ng aking kapatid na huwag mong pansinin ang mga manlalaro at mananalo iyan dahil kapag labis kasi ang pagbibigay ng suporta o emphasis sa mga sikat, kadalasan ay sila pa ang natatalo. Bakit? isang salita lang — Distraction. Mga 50 hanggang 75 bahagdan lamang nakapokus ang tao sa kaniyang laban samantalang ang natitira pa ay galing sa hiyawan ng mga tao at may tsansang madagdagan pa ito.

Ako nga, way back 2013 nang sumali ako sa Gen.Ed quiz bee, ay wala ang lahat ng mga schoolmate ko sa Education dahil may panayam sila tungkol sa paggawa ng banghay-aralin. Wala silang lahat sa aula minor para manood. Nakaramdam ako ng panghihinayang pero nakayanan ko ito. Nasungkit ko ang ikalawang puwesto nang hindi na kinakailangan ng suporta nila, nang hindi na kinakailangan pang pumunta sa bulwagan para mag-cheer. Dahil sa pangyayari, ang tao ay kayang makasungkit ng mataas na puwesto nang hindi konakailangan ng suporta ng tao dahil nasa kaniya na mismo ang kahihinatnan ng pagharap ng mga pagsubok sa buhay. Kung seryoso siyang gawin ito ay kailangan niyang ituon ang sarili para sa larangang kung saan siya magaling. May mga taong katulad ko na kayang manalo o magtagumpay na hindi kailangan ng suporta ng tao, o kung mayroon man ay ang Diyos. Bakit hindi tao? Kasi may ugali ang tao na sa una ay susuportahan ang idolo ngunit kapag nagapi ay magsasabi siya ng mga masasakit na salita. Kung mayroon mang taong nakakaunawa sa pagkapanalo at pagkatalo niya ay napakakaunti lamang.

Kaya ang mga sinasabi ng ilan ang kulang sa suporta ng gobyerno halimbawa dahil walang gamit para sa paghahanda sa Olympics, kung palaging natatalo sa intrams ay dahil walang tagapalakpak at tagasigaw, kulang sa venue, sa gamit, at kung anu-ano pa ay indikasyon lamang na ang tao ay may takot pang harapin ang hamon. Oo, hindi niya magagawa nang mag-isa lang, naiintindihan natin iyon ngunit kung alam niya sa sarili na kakayanin niya ito gawa ng matinding ensayo, na hindi na kinakailangan pa ng mga gamit, sanay na sa hirap, at tiwalang-tiwala siya sa kaniyang kakayahan ay magagawa niya ito nang walang banners, walang torotot, at walang sigawan ng mga tagahanga. Isang compulsory requirement para sa tao ang focus.

Bakit kailangan pa ng suporta kung may mga taong nananalo sa laban nang wala ito? Katulad ko na ni isang tao ay wala sa bulwagan upang i-cheer ako at kasama sa isang gawain ngunit nasungkit naman ang panalo o mataas na puwesto?

Image

Am I Love Addict? 3

First things first. Take this brief quiz to see if you are likely a love addict.

  1. Did you once think that if only someone loved you in that “special way” you would be happy for the rest of your life? Hindi ito ang mindset ko na magiging masaya ang buhay ko kapag nagkaroon na ako ng true relationship dahil may mga taong alam kong higit na mas mahal ako — ang pamilya at Diyos.
  1. Were you/Are you pre-occupied with the notions of love as expressed in music, movies and fiction? Inilalabas ko ang pantasiya sa pag-ibig sa pamamagitan ng pagsulat ng mga sanaysay at kanta. Ito ang nagsisilbing pangalawang boses ko.
  1. Have you ever tried to talk yourself into loving someone you weren’t particularly fond of because you needed the love NOW? Opo. Never kasi akong nakaranas ng pagkakaroon ng true relationship kaya kahit ang mga babaeng di naman ako gusto, in order to relieve pain ay pinagtitiyagaan ko na.

 

  1. Have you felt the need to prop up or do a total makeover on your partner early on in your relationship rather than admit that he/she wasn’t right for you and end it? Hindi. Kung masama ang ugali o pihikan siya sa una pa lamang ay agad na akong umiiwas. Nadala na ako noong 4th year college eh.
  1. Have you stayed in a bad relationship or repeatedly returned to an ex-partner because you couldn’t stand to be alone? Bad relationship with friends pero hindi ko pinagsisisihan iyon kasi kaya kong maging independent kung madali lang.
  1. When you are in a committed relationship do you wonder if you chose the RIGHT one or fantasizeabout a lover from your past, thinking you should have kept him or her and then you would be happier? Tinitingnan ko muna ang personalidad niya bago ko siya ligawan. This is so disappointing sa mga babae na kung kailan nagtatapat na ang mga lalake ay saka pa nila sasabihing pihikan sila (for instance) na hindi naman nila sinabi at the very first place. Kaya siguro, magre-rely ako sa God’s choice. Ok lang?
  1. Have you used the words “soul mate” in reference to how love should be? Opo.
  1. Since age 18 what is the longest period of time you were totally unattached and not fretting about some love interest? Parang wala akong natatandaan. Basta ang alam ko ay madaling mahulog ang loob ko sa mga babae kahit hindi pa naman kilala.
  1. Are you able to take the time necessary to heal and do a thorough post mortem on a failed relationship before running out to find a new “friend” which quickly becomes a rebound lover? Opo. Sumasagi man sa isipan ko ang mga nakaraan ng rejections ay pinipilit kong gumawa ng iba pang mga bagay kasama ng mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
  1. Do you expect your lover to make you feel loved and lovable?
    Wala pa along gf. Pero pwede ring sabihin sa akin kasi may pagka-masungit at short-tempered ako.
Image

Am I Love Addict? 2

If you can answer yes to more than a few of the following questions, you are probably a love addict. Remember that love addiction comes in many forms, so even if you don’t answer yes to all of the questions you may still be a love addict.

  1. You are very needy when it comes to relationships. Atat na atat na talaga akong magkaroon ng gf dahil sa takot na maging single habambuhay. Thirst of real love experience.
  1. You fall in love very easily and too quickly. At sila ang nagiging fantasy ko.
  1. When you fall in love, you can’t stop fantasizing—even to do important things. You can’t help yourself. Di ko makontrol ang sarili ko. Dalawa ang function ng fantasizing the ideal girl for me — motivation and distraction.
  1. Sometimes, when you are lonely and looking for companionship, you lower your standards and settle for less than you want or deserve. Lagi naman akong underdog sa anomang bagay.
  1. When you are in a relationship, you tend to smother your partner. (no answer. Question misunderstood)
  1. More than once, you have gotten involved with someone who is unable to commit—hoping he or she will change. Ang inakala ko kasi noon kapag may napipisil akong partner ay siya na talaga pero sinadya talagang pabilisin ni God na i-reveal ang tunay na ugali ng babae. Senyales na hindi siya bagay para sa akin, mainly dahil sa personality.
  1. Once you have bonded with someone, you can’t let go. Iyon ang naging pakiramdam ko. Parang possessive kapag mayroon na ako at nababahala rin, ngunit kailangan ko itong alisin sa akin dahil hindi ito maganda.
  1. When you are attracted to someone, you will ignore all the warning signs that this person is not good for you.  Aminadong hindi ako nakikinig sa mga negative side ng isang taong napipisil kong maging partner. Maliban na lang kung matagal nang kilala ang tao.
  1. Initial attraction is more important to you than anything else when it comes to falling in love and choosing a partner. Falling in love over time does not appeal to you and is not an option. Hindi na. Kasi nadala na ako sa mga karanasan ko sa mingling. Falling in love is easy but hard to manage. Waiting by time is worse than falling in love. Kinakailangan ko pa ring makisalamuha sa tao in spite of my personality.
  1. When you are in love, you trust people who are not trustworthy. The rest of the time you have a hard time trusting people. Nangyari na sa akin iyan noong college ako na ang akala ko ay tutulungan nila ako para makursunadahan ng babae pero hindi, sa halip ay nilait pa ako online. Isang aral ang natutuhan ko na hindi sa lahat ng mga tao ay mapagkakatiwalaan lagi.
  1. When a relationship ends, you feel your life is over and more than once you have thought about suicide because of a failed relationship. Hinding-hindi ko gagawin ang pagpapatiwakal. Ang dami ko pang gustong gawin. Life is full of hope and i know it. Maari akong ma-depress ngunit hindi ko gagawin ang pagpapatiwakal.
  1. You take on more than your share of responsibility for the survival of a relationship. Hindi ko rin gagawin iyon. Kakayanin kong balansehin ang committment at relationship. Prayoridad ko ang mga pangarap kong maglingkod, magturo, at magtugtog.
  1. Love and relationships are the only things that interest you. Gusto kong makaranas ng true and meaningful love and relationship. Lagi akong bukas sa aspektong ito.
  1. In some of your relationships you were the only one in love. Everyone is in love, hindi lang ako.
  1. You are overwhelmed with loneliness when you are not in love or in a relationship. Napapaisip din ako na sa likod ng mga achievements ko, suporta ng pamilya ko, pagtitiwala sa Diyos, pakiramdam ko ay may kulang. Having a gf is so expensive.
  1. You cannot stand being alone. You do not enjoy your own company. Medyo nakakaramdam ako ng isolation kasi wala man lang akong inspirasyon. Nawawala lang ito kapag kasama ko na ang mga kaibigan ko.
  1. More than once, you have gotten involved with the wrong person to avoid being lonely. Maraming beses na.
  1. You are terrified of never finding someone to love. Takot akong maging single habambuhay. Pakiramdam ko ay hindi ako gusto ng mga babae sa mundo.
  1. You feel inadequate if you are not in a relationship. Exaggerated na iyon kapag ganoon. I still have God, family, true friends, talent.
  1. You cannot say no when you are in love or if your partner threatens to leave you. Opo, masakit kasi eh lalo na kapag biglaan. Pero sa ayaw man o gusto ko ay kailangan kong tanggapin dahil hindi ko iyon problema kundi problema ito ng aking partner.
  1. You try very hard to be who your partner wants you to be. You will do anything to please him or her—even abandon yourself (sacrifice what you want, need and value). Hindi ko gagawin iyan. Nakagisnan ko na ang pagiging konserbatibo ngunit musically-gifted na tao kaya walang dahilan upang isakripisyo ko ang lahat ng mga ito para sa aking partner. Ginagawa ko lang ito kapag kaharap ko ang Diyos.
  1. When you are in love, you only see what you want to see. You distort reality to quell anxiety and feed your fantasies. Iyon ang nagiging ideal girl ko sa akin — mestisa, maganda ang buhok, mata, at ngiti. But my friend of mine says na tanggalin ko na ang lahat ng mga ito dahil tatanda lang akong binata. Kaya, stop raising standards.
  2. You have a high tolerance for suffering in relationships. You are willing to suffer neglect, depression, loneliness, dishonesty—even abuse—to avoid the pain of separation anxiety (what you feel when you are not with someone you have bonded with). Dahil ang buhay sa mundo ay punumg-puno rin ng mga pagdurusa at pasakit.
  1. More than once, you have carried a torch for someone and it was agonizing. (no answer. Question misunderstood)
  1. You love romance. You have had more than one romantic interest at a time even when it involved dishonesty. More than 5 na pero ang lahat ng iyon ay LDR. Natuto na ako sa nangyari. Ayoko na ng instant na hindi naman magtatagal.
  1. You have stayed with an abusive person. I will not tolerate that kind of person maliban na lang kung may puso akong maawain na kayang pagpasensiyahan at baguhin ang ugali niya. Tinutulungan ko ang aking sarili na maging mapagpasensiya anoman ang mangyaro ngunit kung sukdulan na at kinakailangan ay hihiwalayan ko na agad, masakit man sa kalooban.
  1. Fantasies about someone you love, even if he or she is unavailable, are more important to you than meeting someone who is available. Kasi hindi mga ako nakaranas ng tunay na pag-ibig kaya naman nagkakasiya na lamang ako sa pantasiya, sa kung ano ang maisip kong ideal girl.
  1. You are terrified of being abandoned. Even the slightest rejection feels like abandonment and it makes you feel horrible. Sobrang sakit talaga ang mabasted o ma-friend zoned. Pakiramdam ko ay isusumpa ko na ang babae. Napanghihinaan ako ng loob kapag nababasted ako.
  1. You chase after people who have rejected you and try desperately to change their minds. Napakahirap na desisyon ito para sa akin. Nagsasabi ang aking id na kailangang mapatunayang nagbago na talaga siya at nagsisisi sa kaniyang ginawa.
  1. When you are in love, you are overly possessive and jealous. Dahil sa takot na may masamang mangyari sa aming relasyon. Kaya’t kailangan namin ng pagkakaunawaan at tiwala sa isa’t isa.
  1. More than once, you have neglected family or friends because of your relationship. Never ko iyan ginawa sa buhay ko. Neglecting friends, depende sa sitwasyon pero neglecting family, Never.
  1. You have no impulse control when you are in love. Hindi ako mapakali, sobrang excitement ang nadarama kapag in-love ako. Procrastinating dahil in-love ako.
  1. You feel an overwhelming need to check up on someone you are in love with. Sakit ko na yata ang obsession. Aminado akong nag-i-istalk ako sa nagugustuhan kong babae.
  1. More than once, you have spied on someone you are in love with. Both online and personal. Elementary pa lang.
  1. You pursue someone you are in love with even if he or she is with another person. Bakit gusto ko ang isang babae kahit may bf na siya? Bakit ganon?
  1. If you are part of a love triangle (three people), you believe all is fair in love and war. You do not walk away. Kapag alam kong mayroon akong kakompitensiya, feeling ko ay wala nang laban sa kaniya. Upang mapaniwala ako sa paniniwalang ito ay kailangan ko ng convincing power.
  1. Love is the most important thing in the world to you. Every sin is a cry for love (Sanchez)
  1. Even if you are not in a relationship, you still fantasize about love all the time— either someone you once loved or the perfect person who is going to come into your life someday. Lagi ko kasing pinapangarap na magkaroon ng gf. Wala akong magagawa kundi magpantasiya upang kahit papaano ay mapawi naman ang lungkot ko.
  1. As far back as you can remember, you have been preoccupied with love and romantic fantasies.  Every year nan ito nangyayari eh. Want to sawa kumbaga.
  1. You feel powerless when you fall in love—as if you are in some kind of trance or under a spell. You lose your ability to make wise choices. Parang gusto kong ilabas ang sarili kong demand para lamang sa babae pero di ko mailabas dahil sa fear of rejection.