An Overwhelming Statement Of…

“….bored lang kasi kaya pagbigyan.”

Hindi porke’t madalang lang nagtetext, sasabihin bored lang ang tao. Masyado namang mapanghusga ang statement na ito. Bakit hindi muna baka pinahinto muna ni Lord na manligaw dahil hindi pa clear ang  intensyon, hinuhubog pa. Na-bother lang ako sa ganoong pahayag — Iyon kasi ang itinuturo ng mundo ngunit hindi muna tinitingnan yung Christian side na ako, siya, kaming dalawa ay pinahihinto muna ni Lord upang hubugin ang sarili, ituon ang sarili sa paglilingkod sa Kaniya, at matutong maging bukas sa anumang mensaheng bibigay ni Lord.

Isa pa, hindi iyon dahil bored ako. Nais ko lang na kumustahin ka kasi ang ganda ng komunikasyon natin sa umpisa. Bagamat paulit-ulit kitang isinusuko sa Panginoon ay may mga araw minsan na iniisip pa rin kita at natutuksong tingnan ang mga larawan mo. Hindi na talaga maiiwasan iyon lalo kapag nakaramdam ng maginhawang komunikasyon sa isang babae. I met lots of girls in my life that at the beginning they are so energetic but at the last, they become cold! Sinabi ko kay Lord na “Lord, kung makakakilala na naman ako ng babae, pakiusap huwag naman sa inconsistent. Huwag sa nanlalamig.”

Mabuti pa si Lord, nagkakainteres pa rin siya sa akin kahit makasalanan ako at kahit sa mata ng mga babaeng nakikita ko ay hindi jowable. Ang aking pamilya, kahit papaano ay palagi nilang kinukumusta ang estado ng puso ko. Ayaw ko na sanang pag usapan ang buhay pag-ibig sa artikulong ito ngunit eto na naman kasi — overwhelming mode na naman ang bossteddy niyo.

Oo, alam kong marami pang mga bagay na matututuhan upang maging man of God. Alam kong kulang na kulang ako sa consistent communication ngunit hayaan niyo akong matuto nang sa gayon ay magkaroon ng improvement. Sawang-sawa na ako sa mga babaeng sa una ay pabibo ang komunikasyon nila sa akin ngunit (siguro ay napagsabihan ng kaibigan, pamilya, o kahit si Lord) sa bandang huli ay manlalamig na lang bigla at ang mas nakakainis pa ay wala pang dahilan! Inisip ko na rin na sumuko na sa panliligaw… ah basta ito lang ang masasabi ko sa mga babaeng ganito: Kahit i-seen zone mo ako, kahit kaunti na reply mo, at kahit hindi ka na tumutugon… interesado pa rin ako sa iyo dahil may intensiyon akong ligawan ka at makilala nang lubusan.” 

 

Yayaman din ako — hindi lang sa mundong ito kundi sa pagmamahal ng Panginoon.