How can I make the best use of what God has given me?
Kung magkakaroon ako ng isang seryoso at tahimik na konsentrasyon, magagawa kong maging mabisa ang talentong ibinigay sa akin ng Diyos. Aminado ako na gusto kong matupad ang mga hiling ko katulad ni Manny Pacquiao yun nga lang, kritisismo ng mga tao ang mortal kong kalaban. Napanghihinaan ako ng loob kapag may mga taong kumukuwestiyon sa aking ginagawa. Napanghihinaan na rin ako ng loob kapag nakikita ko sa aking sarili na parang wala nang ibang paraan, kung mayroon man ay baka mabigo na naman. Pero ayokong isipin ang ganitong konsepto. Nakabubuti sa akin ang hindi pagpansin sa kritisismo dahil sila ang mga taong hindi nila naiintindihan ang pagkatao ko. Sila ang mga taong kulang na kulang sa pagtanggap sa reyalidad na ang tao ay may kani-kaniyang kakayahan. Walang ginaw ang Diyos na official. Naniniwala ako sa eksperimento. Kung saan ako magaling, ito ang bibigyan ko ng tuon. Kung saan ako nahuhumaling ay kailangan pa munang magsanay, sa pagsusulat halimbawa. Bago muna ako makagawa ng matinong akda ay kailangan ko munang magbasa ng mga libro at mag-internet para sa pananaliksik.
Alam mo rin ang pakiramdam na gusto mong makatulong sa iba, gusto mong ibahagi ang nalalaman mo pero walang kumakagat? medyo nagtatampo ako roon. Alam mo rin ang pakiramdam na gusto mong palawakin pa ang ibinigay na talento pero may humahadlang talaga? nakakapanghina ito para sa akin. Kaya upang matupad ito ay patuloy akong magdarasal upang humingi ng payo kung paano ako makakatulong sa tao, paano ako uusad, paano ko pa palalawakin ang mga talento ko.
Matagal kong pinangarap na magkaroon ng isang napakatahimik na lugar. Mag-isang palalaguin ang kung anong mayroon ako, kailangang magseryoso nang hindi dinadapuan ng tukso nang kahit katiting lang o kung mangyari man ay hihingi ako ng tulong sa Maykapal.