GOOD BYE MAHAL….

saying goodbye is not that so easy… going abroad was hard to accept…. umalis na kasi si bi ep… sa pg hatid ko sa kanya baon ko ang kakaibang experience papuntang airport… hahahaha!!!!!!!

lubog sa BAHA AT TRAFFIC at late na si boyfriend PAPAUNTANG AIRPORT GALING SUKAT… THERE NO WAY BUT TO GO OUT THE CAR AND “WALK” SALUBUNGIN ANG BAGYO… ANG LUMUSONG SA HANGGANG BEWANG NA BAHA… AT SI BI EP… BASANG BASA NA…

RAmdan ko ang lamig habang nasa airport… at sya ng mamadli ng pumasok sa airport after bihis…

at ako habang pauwi na sa malungkot kong tahanan… NILAGNAT NA AKO HABANG RAMDAM ANG KALUNGKUTAN…

i cant cry infront of him….
i cant show my weakness…

i need to accept that he have to go… even its hard… even the first time of his flight ehh ganun pa ang nag yare…

THEN KINABUKASAN I RECIVE A TXT FROM OUR PROVINCE NADISGRASYA DAW…

NADISGRASYA YUNG KAPATID KO,… AT TAHI ANG ULO…
NAman anung kalaseng buhay naman toh,,,…

hay!!!!!!!!!!!!!!!

long story pa but i will edi if i got time… need a lot of rest…

MAHAL KO I WILL MISSED YOU SO MUCH!!!!!!!!

galit si mau

parang kelan lang nung magkasama kami nag taong mahal mo…
ilang buwan narein pala ang nakalipas at marami pa akong napag daanan sa buhay.
ako’y mamamatay na sa sobrang kalungkutan…
hindi na makakin at makatulog na tila ba wala ng saysay saking ang lahat… para na akong patay na mulat at my diwa…

its hard to move on even if he is cheering me up… to accept the situation that we need to be far apart…
ilang araw akong hindi maka pasok sa opisina dala ng ganitong pakiramdam…

pero parang wala lang sa kanya…

ilang linggo din kaming di nagkita…
at tila ba manhid na ako… at gusto kong ipag sigawan sa buong mundo na kaya kong mabuhay ng wala sya sa piling ko…

masakit kahit sabuhin nyang akoy kanyang mahal… manhid na ang isip ko upang sya ay paniwalaan…

ayun galit lang ako…

at nabuburaot din ako…

sa buhay…

buhay pa poh ako…
kaso di na [po maharap mag blog…
hay salamat poh sa lahat… jejeje!! i’ll catch u all pag may kwento nako… hay e2 lang poh miz ko poh si bi ef…
jujuju… di ko xa kasama la mag aalaga sakin..
miz yu…

is this the end???

tila nadala nanaman ako sa kawalan… hindi ko namalayan ang mga nangyayari sa araw araw sa buhay ko… nagising nalang ako isang araw na april na pala… nadala ako sa pang araw araw na sobrang boring na ng buhay ko… kontento sa lahat… at isang araw nagising nalang ako wala na akong boses… paos at masama ang pakiramdam.. nilalagnat at tila ba heto ang kapalit ng mga pangyayari.. masaya ako lagi… tulog madalas at nawala na ang sa isip ko ang makihalobilo… parang abnormal na ang lahat at hindi ko makontrol ang lahat tila hinihila na ako sa kama ang pinaka masarap na lugar para sakin… para lang akong patay na gumagalaw at pilit na ibalik ang sarili sa normal na buhay… naiiyak nalang ako ngunit wala akong magawa…dahil ang hirap ng buhay at natatakot rin akong sumubok ng iba pang papasukan… heto na ang nakasanayan ko… ang mabuhay sa gabi at matulog sa umaga… kumain ng wala sa oras… ang mamiss ng sobra ang pamilya… at ang masaklap hindi ako maligaya sa pera… nandito nat nakukuha ko ang lahat ng gusto ko pero bakit lahat na ata ng hiniling ko sa diyos ay bingay na nya pero bakit may hinahanap pa ako? ama ba? mga kabigan? oo yun nga ata ngayun ang wala sakin…malayo sila ehh wala ata akong matakbuhan… pero pinaparamdam na sakin ni lord lahat ng saya na dapat kong maramdamn, dahil siguro nun hindi ganito kaganda ang buhay ko… lagi nuon may luha sa mata ko… tama nga sila ang mga madalas magpatawa yun ang mabigat ang problema… kaya ako masayahin nuon pero ngayun? hindi na ako nagpapatawa… dala ng ako pinag papala na.. nababawasan na ang luha sa mata ko… nababawasan narin ang mga peke kong tawa… nabawasan narin ang madalas na ako ay kenkoy pa… pansin na iyun ng aking mga kakilala… na akoy tahimik na raw at laging nagkakasakit suki na ako ng hospital… hindi na ako magtataka kung tuluyan na akong kunin ni bro… palala na raw ng palala ang sakit ko… napapansin ko na rin ang katawan ko…
parang hindi ko na nga kayang isipin hay masaya parin ang buhay noh…
wala akong taning pero i feel it malapit nako…

easter sunday…

nitong easter sunday… wala akong ginawa kundi matulog… mag kulong sa kwarto at excited sa pasting kong matatapos na… nitong monday habang nakikinig sa mga kwento ng iba kung anu ang aking napakinggan… chismosang tenga…

” ako kuntodo make up… nagising ako ng 12 a.m para sa pagsalubong… hindi ko alam na alas syete pala ng umaga ang tamang oras… at syempre bakla nag hintay ako at hayun na nga nag kakagulo na ang mga tao sa holy water… hay… usyoso naman ako… sabay sabi sa kanila…. ” HAY YAN BA YUNG HOLY WATER NA GINAMIT SA WASHING OF THE FEET?” lahat tumigil sa pagkuha ng holy water… sabay sapak naman ako ni father… lagot ako kay mother… jejeje!!!
at heto pa at pinipilit na akong mag kumpisal… hay naku hindi ako pumayag mapaamin sa mga ksalanan ko noh… at bakiy ako aamin… may phobia na yata ako.. oo baka i chismis nanaman ako ni father sa misa nya… hay
kaka hiya lagi pa man din ako sa harap nakaupo tapos sasabihin pa pangalan mo.. huhuhuh… kaya wag na… ang pag kaka alam ko catholic school pa ako graduate… kaya malaking kahihiyan yun… malapit na ang mayo… hay santacrusan na…

hay yun lanng muna ang kwento kong walang kwenta…

katuloy ng graduation…

magulong post… walang kwenta…

malapit na ang sembreak… malapit narin ang exam… malapit na ang graduation… hindi ko ugali ang magreview… scan lang… at bahala na kung mataas ang makukuha kong marka sa exam,.. mag ha highiest parin kaya ako?… ayun dahil malapit na ang bakasyon… kinikilig ako sa bawat araw na nakakasabay ko si crush… inakala din kasi nya na isa akong taga admin… samantalang pag may gudtaym sa barkada nakakalaro ko pa xah sa bilyaran…

napapangiti ako nang pumasok sa isip ko iyon… palayo na ang ako ng palayo sa lugar na iyon at patungo na ako sa kawalan… dahil sa hindi naman ako tutuloy sa bahay nag pasya ako magpapahinga na muna ako ng mga ilang buwan … at saka mag hahanap ng trabaho… isasantabi ko muna ang pang hihinayang sa mga bagay ba pinalampas ko… mag tra trabaho ako kahit hindi pa sanay kung anu ang haharapin at gagawin…
malamang magtetext sila pag malapit na ang araw ng aking graduation… para sa diploma na hinahangad ng marami… kurso na tinapos ko na ni hindi ko rin naman ginusto… na sa bawat gagawin ko sa pag aaral hindi tumatak sa isip ko na bumuo ng pangarap dahil hindi pumasok sa isip ko na mayroon pang magandang bukas na naghihintay sakin… kursong hindi ko pinangarap at minahal… nakakainis isipin na hindi kami mayaman… kung mayaman kami sana nakuha akong pag aralin ng aking ina… at nakuha ko sana ang diploma na nais ko… sana nagkaroon ako ng malakas na kaisipan na matutupad ko ang pangarap ko… sana nag karoon din ako ng lakas ng loob na tanggapin ang mga offer na binibigay nila… ngunit nakakapagod ring isipin na nasa ilalim ka ng kanilang salita… na magiging sunod sunuran sa kanila… nakakapagod… ayaw ko na umiyak… ayaw ko ng maawa sa sarili ko…

“hindi na ko aattend ng graduation… bahala na sila… tutal tinapos ko naman ang kurso na “inutos” nilang kunin ko…”

my failure is to do the things that i want….i fail to pursue my choosen course, i fail to set a goal in life… even i act happy infront of them… that im
satisfied for whar i have accomplish…sa isip ko sinasabi im not getting younger anymore i want something happen to my life… i want to dream for something that is posible to happen…

” i am 21 and i still dont know what i want in life…”

yung mga bagay na gusto ko noon ay lumipas na at ayaw ko na rin matupad…hindi ko na tutuparin yun…because now im free to do things that i want, pero sa tingin ko matanda na ako… i will focus on my career that i have right now… god gave me a chance to taste this kind of life that i have right now and i am contended…. but still i have to finish or to do my promise to my mother… that i will help her with her responsibility in our family…

at ang graduation ko dapat noon… 3 years ago… ay mananatili parin sa isip ko… na sana maraming sana..

at present im happy on what i have… with the presence of god in my life … together with bi ep… and still missing my family…

graduation…

the past…(edited…)hehehe…

“FAILURE” yan ang dala dala ko sa isip ng lisanin ko ang lugar na yun…. sakay na ako ng van… bit bit ko lahat ng aking gamit… bulong sa isip ang mga salita…” pag balik moh dito aayusin mo lahat ng di moh nakayanan… haharapin moh ang pag kakadapa mo… halata sa mata ko ang luha… mugtong mata na tinago na lamang sa eye glasses… sa loob ko… galit sa sarili, panghihinayang… konti nalang at abot ko na sana ang bagay na hinangad ng iba…

“inakala ko sa aking sarili na matalino ako akala rin ito ng iba sapagkat hindi ako makakakitaan ng hina ng loob sa mga bagay na dumarating… wala akong inuurungan…… ngunit sa kabila noon ay mayroon din akong kahinaan…. at iyon ay hindi ko kayang alamin… hindi ko malaman sa aking sarili… “

napag pasyahan ko… hindi na muna ako uuwi sa aming bahay…hindi na muna ako doon titira…wala pa akong maipagmamalaki sa aking ina… ililihim ko sa kanila ang lahat… ngunit tutungo din ako doon upang bumisita… sana ganun lang kadali ang lahat gawin…

maiinit ang byahe…naglalakbay parin ang aking diwa…hindi ko parin alam kung ang aking gagawin tutunguhin pagkatapos kong lisanin ang lugar na iyon… hulog muli ang butil ng aking luha… habang malalim ang iniisip… ipinilit kong iwasto ang ang aking pagkakamali… nag aral ako sa paraang alam ko… sa paraang maipakita ko sa kanila na may matatapos rin ako… may mararating… ang matuto sa buhay sa sariling paa…

sa pag lisan ko sa lugar na iyon… dala ko naman ang cheke… halaga na galing sa unibersidad… tyaga ang naging kapalit ng halagang iyon..
ginusto ko at pinili ko…

isang mag aaral… sa kolehiyo…. isa akong napang kakamalang propesyonal… propesor,… natatawa ako…sarap ng pakiramdam ko kapag ikaw ay ginagalang… unti unti ko lang naman naiisip na ito ay sa kabila ng aking ginagawa…dahil sa tambayan ko ang silid aklatan… library… kaya ako napag kakamalang propesor… hindi ako pumapasok na suot ko ang uniporme ng aming unibersidad… minsan lang kung ito ay suotin ko…

at kung sabihin pa man ng iba na isa akong skolar oo… parang ganun na rin iyon… sa kabila rin naman kasi nun ay mag lalakad ako sa init ng araw… tamad mag payong suot ang paldang uniporme at long sleeve (impyerno) ang init na mararamdaman ko…

mayroon akong sariling mundo kadalasan lagi akong nag iisa sa library…hindi ito masaya… kaya naisipan ko narin makipag kilala at mag karoon man lang ng kaibigan… sa kanila natutunan ko kung paano ibuhos ang kalooban na mayroon ako… saya, lungkot, lahat ata ay nababanggit ko…. ngunit hahanapin ko parin ang lungga ako ang library… doon mga libro, magazine at dyaryo ang aking kasama… at kung minsan naman ay computer ang kaharap ko ang friendster… ang nais ko lang naman dun ay ang designing ng page… yung mga activities ko sa website… jejeje!!! i picture myself as a totally
wierd… alam moh ba yun?… at tutal bawal rin naman gumamit ng cell phone… ayun maradyo nalang ako… hahahah!! parang tanod at pulis… pinilit ko naman maging masaya…

ako’y palayo na ng lugar na iyon naiisp ko rin na malayo pa naman ang graduation hindi nalang ako magpapakita… bubuo muli ako ng sarili kong mundo… dahil ayaw kong ipakita ang aking failure…

itutuloy….

I AM TAGGED!!!

SALAMAT JOYCEE SA TAG NA ITO… Dahil nag iisip pa talaga ako ng ipopost ko sa blog site ko… at ayun blessing in diguise ka talga jejejejeje!!! at dahil sa pinag isipan kong mabuti ito… this post is for you din hahahaha!!! dedicated sau… dahil magkatunog name natin sis…

“BHABY” –
tawag sakin ng mga ka office mate ko sa call center…
actually bigay yan ng isa kong co trainee nung nag tra training plang ako sa english training nung nag uumpisa ako
pagiging agent… ewan ko sa lalaking yun kung bakit tinatawag akong bhaby eh di ko naman sya bi ep… simula nun “BHABY” na ang tawag sakin sa office……

“CHANG” –
tawag sakin ng aking best friend na kapatid ni bi ep… AT ng mga bordmates ko…

“MAU” –
tawag sakin ng mga friends ko… tropa ko jejeje!!! ang pinaka common sa lahat ng name ko….

“MAUIEE” – , “Ms. Mauiee”
ayt!!! eto tawag sakin ng mga kabarkadz ko nung college…sa mga tinituruan ko sa skul,.. at sa pag blo blog jejejeje!!!!

“MAUREEN” –
name ko yan sa skul ko nung hays skul..

“JOY”-
ligaya… jejeje tawag sakin sa bahay namen…

“JO” –
SI lola ko ang tumatawag sakin nyan…

“BUJOY”-
tawag sakin ng mga pinsan at mga tita ko….

“MAUREEN JOY” –
tawag kadalasan ng mga bago kong kakilala at mga nging boss ko sa university at sa mga opisina trabaho na pina sukan ko…

“TAJOY” – ayan lang naman ang taguri sakin ng mga dalaga ko ng mga pamangkin…

” Ms. Manarang” – ayan ang kinaiinisan ko sa lahat ng tawag sakin sa university… lalo na sa mga prof ko… sa mga skul mate ko…

“Ms. SUNGET”- ayan ang pangalan na tawag sakin ng mga chismosang kapitbahay namin… iwas ako sa tao… hindi ako lumalabas lalabas lang ako pag inutusan lang ako bumili sa tintahan ng nanay ko… ayan ang tawag sakin…

“Ms. wierdo”- tawag sakin ng mga kakilala kong engineering student hanngang ngayun… dahil sa ako kadalasan walang kausap… kadalasan nakikita nila ako sa cyber library… nagbabasa…nag susulat… nag iisa… weeee hindi pa ko open nun… walang friends kumbaga…

at ipapasa ko ang mga tag na ito kina… tantantanrararantan…!!! charan!!! parang tanga lang ako pero ok lang lang hehehe!!! lahat sila nasa list ko… pwera kay joycee…

* charlie
* epfi
* heleyna
* painumin moko
* revsiopao
* SUPER GULAMAN
* yhen
* neto
* karlo

pasensya na poh sila lang yung nasa link list ko dahil sa ako’y nag uumpisa palang  ako sa pag blo blog ko…

at ayan hope so na gawin din nila…

BALETE DRIVE

nkKAkatakot…

ang kwentong ito ay kinopya lamang… natuwa kasi ako kasi andun na ako sa part na takot na ako…

BALETE DRIVE

Si Elaine ay isang maganda, matalino, at matagumpay na Account Executive sa isang malaking advertising company sa Ortigas. Bandang alas-nuwebe ng gabi, lulan ng kanyang magarang sasakyan, nagmamaneho si Elaine sa kahabaan ng Gilmore Avenue. Katatapos pa lang niyang maisara ang isang mahalaga at malaking business deal.

Patungo si Elaine sa kanilang tanggapan sa may Ortigas Avenue. Gabi na, subali’t kinakailangan niyang bumalik sa opisina. Sa kalayuan, namataan niya ang mabigat na traffic sa intersection. Umiwas ang dalaga at kinabig ang manibela patungong Balete Drive. Madilim ang kalsada at ang tanging liwanag ay nagmumula lamang sa kanyang sasakyan. Ipinasya ni Elaine na magmadali.

Tinawagan niya sa cellphone ang kanyang boss, “Sir, I’ll be a bit late… Yeah, heavy traffic e… Yup, I got the contract… I’ll be there in…”

Huli na nang mapansin ni Elaine ang pagtawid ng isang batang babae’ng may dalang bilao sa harap ng kanyang sasakyan. Nabundol niya ito at tumilapon.

Huminto si Elaine at lumabas ng sasakyan upang siyasatin ang bata. Hindi na kumikilos ang kawawang paslit. Nalito si Elaine, lalo pa nang makita niyang duguan ang ulo ng batang ngayo’y nakahandusay sa gilid ng daan.

Luminga-linga siya sa paligid. Napuna niyang walang tao. Samakatuwid, walang nakakita sa mga pangyayari.

Nagmadaling bumalik sa kanyang sasakyan si Elaine at mabilis siyang tumakas.

Sa kanyang pag-uwi ay balisang-balisa si Elaine. Kaya minabuti niyang balikan ang Balete Drive.

Maghahatinggabi na nang siya’y huminto sa pinangyarihan ng sakuna. Lumabas siya ng sasakyan at nilapitan ang lugar na alam niyang kinalalagyan ng batang nabundol niya kanina. Nagtaka siya. Dahil malinis ang kalsada na parang walang naganap na aksidente.

Sa pagtalikod ni Elaine upang bumalik sa kanyang sasakyan ay biglang bumulaga sa kanyang harapan ang isang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok nito at tila maputla ang kutis ng mukha. Napasigaw si Elaine at halos natabig ang bilaong dala-dala ng kaharap.

Nagsalita ang babeng nakaputi. Mababa at malamig ang boses nito at marahan ang pananalita.

“Ale, puto po. Pakyawin niyo na,” wika ng kaharap, “Kanina pa pong umaga kami naglalako ng anak ko.”

Kahit nagtataka si Elaine sa biglaang paglitaw ng babae ay minabuti niyang kumilos nang di-kahina-hinala.

“A, e… sige. Papakyawin ko na,” nalilito niyang sagot.

Nakangiting tumitig kay Elaine ang babaeng nakaputi, “Maraming salamat po, ale.”

“S-S-S-Sabi mo… kasama mo ang anak mo? N-N-N-Nasaan siya?” kabadong tanong ni Elaine.

“Bigla na lang pong nawala. Dito po siya nagawi kaninang alas-nuwebe.” malungkot na ungol ng babae.

Kinilabutan ang dalaga at pinagpawisan nang malapot! Kailangang makaalis na siya.

“Ah… ano… sige! Ibalot mo nang lahat yung tinda mo,” balisang sinabi ni Elaine habang nagmamadaling dumukot ng pera sa kanyang bag. “Etong 500 pesos,” abot niya sa kaharap, “Keep the change.” Nang maibulsa ng babaeng nakaputi ang salapi ay dahan-dahan nitong binuksan ang takip ng dalang bilao.

Sa liwanag ng kanyang sasakyan sa gitna ng Balete Drive ay lumantad kay Elaine ang kahindik-hindik na katotohanan! At ang nakabibinging karimlan ay binasag ng isang malagim na pagtili ng dalaga!

Hindi puto…

Hindi puto ang laman ng bilao kundi…

BIBINGKA!

walang pamagat!!! (kwentong day-off)

kwentong day off… walang pamagat!!! joke..

sabado excited ako sa day off… eh kasi naman hindi na talaga maganda pakiramdam ko…

at dat day off… ayun ksama ko si bi ep… hahaha!!! ang saya nakaka touch kasi feeling ko at dat time super dupper inlove ako kay bi ep… hay ewan ko ba naman kasi dat time si bi ep yung nag laba ng damit ko… jeje at ako syempre jejeje!!!…………………..

natulog!!!

ahhh sarap buhay tapos nun tapos na sya maglaba hehehe… nagluto na si bi ep… saka nya ako ginising nung kakain na… hahahaha!!! sarap life… tapos kung hindi naman kami tulog ayun moments muna kami usapan about naka raan… hahahah… ang korniks… and i dont know kasi habang tumatgal lalo akong napapalapit kay bi ep… niremenise namin ni bi ep kung panu kami nag kakilala nun seven years ago… nung hayskul kami… sabi ko dat nyt

“MAHAL… FEB 21 NUNG NAG BREAK TAYO… SEVEN YEARS AGO… AT… FEB.21 DIN NGAYUN… “(magkasama tayo… mag kayakap…) kisses…

hindi ko inakala na dat same date ng pinaka masakit na araw para sakin ehhh…. mapapalitan ng isa sa pinakamasayang gabi para sakin… yung makasama si bi ep sa gabi na kung saan wala kaming ginawa kundi magkwentuhan tungkol sa nakaraan… naming dalawa… hindi din siguro inakala ni bi ep na napaka daldal kong talaga pag tungkol sa usapang buhay na gaya ng past ko… ng mga ex ko… as buhay kolehiyala ko nun… sa past job ko… sa lahat na ata nakukwento ko na sa kanya… at im starting to fall in love na talaga as in much deeper on the second time around sa buong love life ko…

ayun lang naman ang kwentong day off ko…

pics…

« Older entries
Design a site like this with WordPress.com
Get started