TAGONG KULANGOT



Alam kong magtataka siya kung bakit ko binibigyan ng regalo ang kaibigan n’ya. Hindi naman nya birthday. Kaya iyon! napasubo ako at binilan ko din siya ng regalo. Sabi ko na lang “Lahat kayo may regalo sakin” pero ang totoo joke lang lang yun. Dalawa lang talaga silang meron.



Boy: Miss, kulangot ka ba?
Girl: Tsk! Why?
Boy: you lili lili hard to get kasi! (corny :D)

Habang naglalakad ako sa loob ng mall kanina may nakita akong Teady Bear sa salamin ng isang tindahan. Ewan ko ba! pero noong nakita ko iyon may naalala akong tao. Nagkataon lang na may laman wallet ko kaya iyon! nabili ko siya ng de oras.

Ang totoo n’yan wala naman talaga akong balak ipamigay yun, kaso noong araw na yun napag-alaman ko na may libre palang pa-gift wrap sa SM kaya iyon pinabalot ko na may kasama pang card.

Noong gabing iyon pilit na nagsusumiksik sa utak ko yung taong naalala ko nung nakita ko si Teady Bear. Ewan ko ba! hindi ko naman gusto yung tao pero naiisip ko s’ya.

Ilang araw ding nasa bahay yung regalong yun. Sa tuwing nakikita ko yun hindi maiwasang maalala s’ya. Hindi ko na kinaya yung paulit-ulit na senaryo kaya ginawa ko binigay ko na lang sa isang tao.

Pero bago iyon, sampung beses muna ko nagpatambling-tabling kakaisip kung paano ko yun ibibigay sa kanya. Buti na lang may common friend kami kaya iyon pinabigay ko na lang sa kanya. Alam kong magtataka siya kung bakit ko binibigyan ng regalo ang kaibigan n’ya. Hindi naman nya birthday. Kaya iyon! napasubo ako at binilan ko din siya ng regalo. Sabi ko na lang “Lahat kayo may regalo sakin” pero ang totoo joke lang lang yun. Dalawa lang talaga silang meron.

Matapos noon, natahimik na lang ako. Kaso yung mga common friend naman namin ang hindi makatahimik. Na isyu tuloy ako na may gusto talaga sa kanya. Ayoko pa naman sa lahat yung na bu-bully!

Dahil doon di ko na s’ya pinansin.

Ang ewan ko no? tatlong beses na nga s’ya nag thank you sa text pero hindi ko pa rin nare-replayan. Nahihiya talaga kasi ako. Alam ko iniisip niya na gusto ko s’ya.. Pero ang totoo ngayon…? ewan.

Hindi ko pa pinapangarap ang mainlove sa ngayon. Natatakot kasi ako baka umatake na naman ang mga ka-emohan ko.

Okay na yung ganito, pinapasakit man nito ang utak ko sa ngayon,  hindi naman nya magagawang masaktan ang puso ko.

Tadtad yata ako ng shield kaya walang dapat makapasok 😛

“DI KO NAMAN SINABI…”


ImagePakabog-kulog ang ‘di ko mawaring nagaganap noon sa’king dibdib

‘di lubos maisip kung anong mga bagong imbentong salita ang aking sinisilid…

Masabi ko man lang, kung paanong pahiwatig ang nais kong ipabatid.

Di mawari’t minsan’y akin namang nasasambit

Ang mga salitang di mo man nais marinig ngunit iyong pilit-matang ipinipikit…

Mawari’y sanang iyong maisip na ang aking mga banggit ay pilit-suksok pa rin sa iyong isip.

Isipin mo man lang:

“Hindi ko naman sinasabing sundin mo lahat ng sinasabi ko, ang sinasabi ko lang ay pakinggan mo kung ano ang sinasabi ko sayo” 

Nais ko sanang magpakonyat de kalimot sayo,

Ngunit anong magagawa ng kutos sa noo, kung nauna na ang bukol sa puso kaysa sa ulo?

O baka sa ulo na lang  umusbong at tuluyang pagkawala sa puso mo?

Mahirap ipabaon sa bunbunan ang mga sanaysay sa bungong puno na nang laman.

Mga nilalamang puno ng kasakiman at sa pilosopiyang natatanging pansarili mo lang.

Kailan mo iwawaksi ang mga matutuhan sa mga magaganap palang?,

Kung sa kasalukuyan ay kayang-kaya mo namang lunasan?

Di ko naman sinasabing lubos-lubusan akong pakinggan,

Pero sana naman, sa ngalan ng ilang sandaling sinabi mong isa akong kaibigan ay iyong pagbigyan,

Patawarin mo nawa sa minsang pamumutawi ng mga barubal na pananalita’t mga salita.

Tandaan mo na wala akong ginagawa at ginawa para sa iyong ikasisira!

Tanging-puro pagbabanta sa inaakalang pupuksa sa iyong katapangan.

Inaamin ko ang aking kamalian, hindi ko dapat sinubok ang ating pagkakaibigan.

Pero paano tatatag ang puno ng samahan kung sa sanga-sanga nito’y ni-ayaw mo padapuan ng mga insektong inaakala mong pesteng sisira sayo?

Tandaan mo din sana, na kahit ipis na tinututing nating peste ay may pakinabang sa mundo.

Di ko sinasabing utak-ipis ako at may malaking pakinabang ka sa anino ko,

Ang sinasabi ko lang lahat ng tao meron nito.

Alam kong nababakas mo ang itim na kulay nito..

Pero sana makita mo yung puting handang sumaklob sa aminin mo’t hindi’y -kadiliman mo.

Ayoko lang ng ganito,

Mas nalalaman ko ang ikalulumbay kaysa sa ikagagalak ko.

Aaminin ko, Di ko man masabi.. ikaw ang kalungkutan ko…

Malamang sa mga tulad mo din mahahanap ang ikasasaya ko.

Nobenta’y neuve nga sigurong mapapatunayan na sa kalungkutan din natin makukuha ang kaligayahan..

Iniisip ko lang.. sa dinami-raming ikasasaya ko sa mundo,

‘yung nag iisang porsyento pa pala ng ikasasaya ko ay nasa sa iyo.

Ibig sabihin, ikaw din pala ang bubuo sa ciento persyentong ikagagalak ko.