PHOTO-WALK : BAWAL MAG-SHOOT DITO!?


Image

Ilang araw na ding nakararaan noong magyaya si Taympers (Mar Castillo) na mag photo-walk sa Intramuros. Sakto namang pareho silang dayoff ni Hamster (Jason De Guzman) tuwing wednesday. Hindi ko dayoff ang miyerkules pero dahil sa tabi-tabi lang ako ng Intramuros lumiban na lang ako sa part-time job ko sa isang pahayagan.

2:00pm ang out ko sa trabaho sa Alabang pero alas-4:00 na halos ng hapon kami nagkita-kita. Orihinal na magtatagpo sana kami sa SM Manila pero dahil heksayted silang dalawa sa “dati” na lang kami nagkita-kita. hoho

Image
DATI: Dalawang Taon na ang nakakaraan noong huli kong napagmasdan 'tong Puno. Nakakapraning lang parang hindi kasi siya lumalaki. Parang ako lang. lels.

BAWAL MAGPHOTO-SHOOT DITO? WEH?

Nitong mga nakaraang araw din, napabalita ang mga nagproprotestang Litratista sa Luneta. Hinaing daw ito sa di umano’y pagbabawal ng tagapamahala ng nasabing parke sa pagpalilimita o pagkuha ng mga larawan sa pasyalan kasama na daw ang Intramuros. (Baka daw kasi biglang mag japan-japan si Rizal lels).

Ayon sa nababasa ko pati na rin sa napapanood, hindi naman daw ito tahasang pagbabawal o utos kundi paglilimita lang daw lalo na doon sa tinatawag nilang commercial photographers.

Anila, baka daw kasi maulit yung mga nauna ng mga pangyayari partikular na sa Libingan ng mga Bayani kung saan ginawang pre-nuptial photo background ng ilan nating kababayan, na sa totoo naman ay nakabastos naman talaga lalo na dun sa mga nahihimlay na. (siguro parang gusto lang nilang gawing literal yung mga banat na)

Lalake: Alam mo mahal, kapag kinasal tayo gusto ko sa Simenteryo.

Babae: huh!? bakit naman.

Lalake: Kasi patay na patay ako sayo! lels.

Naging isyu din sa mga lokal na litratista ang di umanoy “double standard” dahil, bakit daw ang mga porenger exempted ganung nagbabayad din naman ng buwis ang mga photographers.

Natatawa na naiinis lang ako. Bakit imblis na pagbabawal ng pagkuha ng mga picture/video ang ipagbawal nila, bakit hindi na lang batas o guidelines sa mga dapat at hindi dapat gawin kasama na ang kaukulang parusa ang ilatag nila, sakaling nakabastos man o nakasira ng imahe ang isang litratista sa pagkuha.

Ewan ko hindi ko makuha kung bakit bawal. Ako, personal na rin akong nasita sa Luneta. Akala kasi ng guard kinukuhaan ko ng video si Rizal e picture lang naman yun (tatlong taon na ang nakakalipas). Ano naman ang pagkakaiba ng picture sa video? Malamang magkaiba yun sa literal pero paano sa pagkuha kay Rizal? (Ahhh baka daw kasi biglang mag JumpShot.) lels.

Saganang akin, di ba mas okay nga kung mas maraming kukuha ng video at larawan sa mga pasyalan at tourist sites natin? Mas kakalat ‘to lalo na ngayon dahil computer age na. Ibig sabihin magkakaroon tayo lalo ng impact sa mundo para dayuhin tayo ng mga turista.

Ikaw ba kapag may pupuntahan kang lugar bumabase ka lang ba sa mga nariring? syempre hahanap at hahapan ka ng mga larawan para bubusog sa kukuryusidad ng isipan mo.

Ako, sa personal pa ring  perspectiv, sobrang dami kong pangarap mapuntahan dahil sa mga nakikita ko lang sa mga larawan at video. Sa tingin nyo papangarapin ko bang mapuntahan yun kung wala akong ideya kung ano ang mga matatagpuan ko dun?

Gusto ko din naman mag jumpshot at magjapan-japan sa Pyramid, Great Wall, Taj Mahal, Sao Paolo at sa buong mundo DAHIL SA MGA IMAHENG NAKIKITA.

Tapos para sa rebulto lang ni Rizal pagkakait nyo pa! dapat nga ay pinagmamaki natin yun sa buong mundo. Kung gumagalaw lang siguro rebulto ni Rizal bumaba na yun doon tapos bubulong satin.

Rizal: “Doon tayo banda sa Ocean Park -bawal dito”. hahaha 😀

PICTURE-PICTURE

Natapos naman ang photo-walk naming tatlo na hindi naman nasita sa loob ng Intramuros (buti naman) Nag enjoy kami at naranasang masaya talagang maging malaya saan mang aspeto o sa anu mang pamamaraan.

Sana malaman ng tagapamahala ng mga parke ganoon na rin sa mga namamahala ng tourist at historical site sa bansa, lalung lalo na sa tulad nating mamamayan na hindi lahat ng kalayaan ay dapat nating abusuhin. Ang kalayaan ay hindi lang pribilehiyo kundi RESPONSIBILIDAD.

BAGONG HAIRSTYLE



Hindi ko naman perstaym magpa-hot oil, nagagawa ko na rin ito sa mga maliliit na salon sa kanto. Ang sarap kasi sa feeling (manamis-namis lol) kapag hinihilot-hilot yung anit mo na may kasamang sabunot. Nakakatawa lang, tinatagurian kasi itong “hot” pero ang lamig-lamig naman sa ulo.


Payday na naman! Bakit ganoon pag bagong sahod, hindi ka mapakali at gusto mo na agad lustayin lahat ng pera mo? Parrrañg .. (kurog‘s tongue) “one day millionaire ka?” Sayang tuloy yung turo sakin ni CJ na “Mag impok bago gumastos”. Eh ganun talaga e.

HOT OIL

Kinagabihan, nagkita kami ni Hamster sa SM Manila. Pakay namin ang magpa hairstyle. Wala naman sa isip ko ang magpagupit talaga. Balak ko lang s’ya samahan. Pero dahil namimiss ko na ang salon (sarap kasi mag relax manamis-namis lol) nagpa Hot oil na lang ako.

Hindi ko naman perstaym magpa-hot oil, nagagawa ko na rin ito sa mga maliliit na salon sa kanto. Ang sarap kasi sa feeling (manamis-namis lol) kapag hinihilot-hilot yung anit mo na may kasamang sabunot. Nakakatawa lang, tinatagurian kasi itong “hot” pero ang lamig-lamig naman sa ulo.

Pero nagbago ang pananaw ko sa David’s Salon pagkatapos ka palang sabunut-sabunutan e may isusuksok pa sa ulo mong isang malaking helmet. Uusok yun syempre at doon na siguro masasabing hot oil kasi literal na syang mainit.

HERSTAYL NI HAMSTER

Matapos paliguan ang daga naupo na sya sa harap ng salamin. Astig nga ng entrance parang si sister Estella sa puting tuwalyang nakalugay sa ulo nya. (sayang hindi ko nakuhaan ng pic.) haha

kitang kita ko, kung paano sya nilamas-lamas ng bading habang hinihintay si Ms. Eva (ang personal hairstylist ko since 2010, pero hindi pa rin n’ya ako kilala haha lol). Siya ang pinaka indemand sa salon kaya siya ang pinaka may malaking SF (service fee) sa halang 250.00. Kaya iyon na rin ang nirekumenda ko kay Hamster.

S’ya nga pala ang maganda kasi sa David’s Salon -ang serbisyo nila. Sha-shampuhin ka talaga ng maka-ilang ulit with head massage. At pagkatapos may body massage pa pero bandang leeg at balikat lang.

Nang dumating na si Ms. Eva para  hasain na si Hamster nag usap sila syempre. (hindi na ako nakinig) pero malamang pinag uusapan nila kung anong gustong niyang hairstyle.


Narito ang ilan sa pinaka indemand na haircut at hairstyle ng mga kalalakihan. Ano favorite mo dito?

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Mukhang nagkaintindihan naman sila. Pero ang totoong pakay ni Hamster doon, ay para naman maiba ang hairstyle n’ya kahit may kamahalan ang pagpapagupit. Saka sabi ko kasi sa kanya mas okay sa ganoong salon kasi sabihin mo lang na “sila na bahala”. Hindi tulad sa ibang salon na kaya ka nga nagpapa hairstle para maiba at makuha ang bagay sayo kaso tatanungin ka din.

Kaya dapat doon na kayo sa masasatisfied ang pagpapasalon nyo.

Pagkatapos nyang magpaguit… “May nabago ba?” haha.. sa isip-isip ko “parang wala”. Ganoon pa man bagay pa rin naman sa kanya ang gupit. Medyo saglit lang sya nagupitan kasi ang dami pang gugupitan ni Ms. Eva.

Kaya mas maganda pa rin magpagupit sa umaga kasi konti palang ang costumer at huwag magpapagupit pag payday madaming customer.

Matapos akong i-blower ng pagkatagal tagal dahil sa kapal ng bao ko, ayun at natapos naman kami. Nagpunta kami sa counter at nagbayad na. Medyo nagulat lang ako kasi naging P450.00 ang pagpapahotoil ko e ordinary lang naman yun. Naayos naman at P350 na lang ang binayaran ko. Si hamster naman ay P 250.00.

Dahil nag enjoy ako sa serbisyo ni Ate (hindi ko kilala) nagbigay ako ng 50. Sa pagpapagupit lang ako nagtitip pero dahil nag enjoy nga ako at ang dami ko talagang relax (mga walo) okay na yun.

Hindi nag tip si hamster kasi mahal na daw yung pagpapagupit nya.

Pag labas namin sa isip-isip ko. “sana pala nag Rejoice na lang ako” Lels.