“WALA KANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN KO!” – MAMA



Tulad noong highschool ako, ang hilig nyang magbasa ng mga love letters namin ng girlfriend ko. Kaasar kaya yun! Tapos mas nakakaasar kapag naikukwento pa niya mga nababasa nya. yay! nakakahiya!


Kagabi mga alas-diyes na ata ako nakauwi galing sa pangalawang work ko sa Manila. Naalala ko wala pala sa apartment kinabukasan si Mama. Nagkataong birthday pa nya kinabukasan kaya bumili ako ng cake sa Red Ribbon sa Taft corner Pedro Gil. Buti na lang hanggang 12am sila at buti na lang wala na ‘kong pang taxi kaya nakapag jeep ako ng de oras.

Pagkauwi ko tulog na si Mama. Ayun tengga ang Keyk.

Kinabukasan niyayakap ako ni Mama naglalambing habang natutulog ako.

Mama: “Tip, happy birthday ko ngayon, akin yung cake?”

Otep “Hindi. sa kapitbahay.” 🙂 (tulog uli)

Mama: “Haha. ala-singko na lit ka naman n’yan”

Otep: “5 minute pa zzzzzzzzz”

Mama: “Magtaxi ka di ba?, sabay na tayo uwi ako Cavite”

Otep: “Okey.. zzzzzzz”

ALABANG SOUTH STATION

Pagdating namin sa South Station, feeling ko ang sweet kong anak (wala sa itsura), bago ako umakyat ng overpass para pumasok sa work nahalikan ko si Mama sa Noo.

Otep: “Ma, dito na ko late na ko, ingat ka, Happy Birthday (Muaampt!) “

ang tunog ng kiss ko bahagya lang kasing dumikit.

Habang nag-susulat ako ngayon bigla ko na lang naalala yung mga sandaling nagkakautot ako katatawa dahil kay Mama.

Kailan nga lang, yung tungkol sa Creamer-S® hahaha.. Kung hindi mo pa nababasa ito yun:

Isa sa hindi ko malilimutan e noong kasagsagan ng commercial ng Clear ni Rain. Kamukha ko daw kasi si Rain dati (ngayon si Bentong na.) 😛  Sabi ko. “My name is Rain” tapos bigla na lang sumulpot si mama “May name is Nicole” hahaha laughtrip talaga.

Tapos isa sa hindi ko malilimutan yung mga sandaling nababanggit ni Mama yung tungkol sa naireregalo ko tuwing pasko “Mukha na ba akong ‘selver’ ?” Hahaha sorry naman nagkataon lang talaga na panay silver naireregalo ko. 😀

May mga pagkakataon namang naiinis na ko pero natatawa pa rin ako.

Tulad noong highschool ako, ang hilig nyang magbasa ng mga love letters namin ng girlfriend ko. Kaasar kaya yun! Tapos mas nakakaasar kapag naikukwento pa niya mga nababasa nya. yay! nakakahiya!

Tapos noong college na ako hanggang ngayon binibenta na ako sa mga dalagang anak ng mga kumare nya. Kinikilabutan ako. Basta! Hahaha. Kailan ba daw ako magkaka “jowa” uli? “jowa” talaga term nya.

Ang dali-daling maka adapt ni mama. Minsan nga nagbibiro ako kapag may mga bagay na hinihiling ako na hindi ko nakukuha sa kanya (Pa-biro lang) “Wala kang pakialam sa nararamdaman ko!” ayun hanggang ngayon binabanggit pa din nya kahit sa mga amiga at kaututang dila n’ya.

Alam nyo hindi man kami perpekto, sobrang nagpapasalamat ako dahil naging Mama ko yun!

Sobrang ginapang ako nun sa trabaho dahilan para makapagtapos ang nag-iisang anak sa limang magkakapatid. Nakakalungkot lang kasi hindi ko pa ring masabing nakakatulong na ako sa Mama ko.

Sana dumating agad yung panahong iyon, habang normal pa lahat sa mama ko. Ibig kong sabihin hindi pa ganoon katanda ang mama ko. Malayo pa sa mga sintomas na labis na pagtanda tulad ng paghina ng pandinig at kahirapan sa paglalakad.

Naku Lord! wag pa po sanang dumating yun sobrang dami ko pang pangarap sa Mama ko.

Ayun naniniwala pa rin naman ako na dadating pa ang oras na sobrang mapapasaya ko pa ang Mama.

Mahalin natin ang mga Mama natin! Yey!

HAPPY 61st BirthDay ‘Ma!