COFFEE DREAM


ANG INIT! Sinong nagsasabing panget na magkape kapag mainit na ang panahon? Nitong weekend -wala na naman akong magawa (as usual) kaya nagpunta ako sa Mega Mall para maghanap ng anik anik na mabibili, makapag relax at maglibang na rin. Sakto namang naalala ko yung coffee shop na… na-research ko dati sa internet  tungkol sa mga kapihan dito sa Pilipinas bukod sa Starbucks.

Continue reading COFFEE DREAM

‘MGA ANGEL NA PUTOL ANG PAKPAK’




‘Masaya sa pakiramdam na kahit wala naman akong naiambag sa grupong ito bukod sa pagsama, ay nabigyan ako ng pagkakataong makasalamuha ang mga bata’


Ilang araw bago ang huling araw ko naman sa opisina (yeah nagresign na ako), nakatanggap ako ng invitasyon mula kay Kuya Blue (Bernard Umali). Isang paanyaya para samahan silang magbahagi ng mga laruan. Ito ay sa isang tahanan para sa mga batang sabihin na nating hindi nabigyan ng magandang pagkakataon para makasama ang kani-kanilang totoong pamilya.

Kasama ang first class blogger na si John (kumagcow.com) nagkita-kita kami sa SM Makati patungong Tagaytay  kasama din si Windy, (Kaibigan/kahanap-buhay ni Blue). Sa tulong ni George (George Theodore Rutherford -tunay na pangalan) maswerte naman kaming nakarating ng matiwasay (Ang swabe mag drive ni Kuya Blue!).

Noong nakarating na kami sa Augustinian Sisters, sobrang tahimik. Ni-hindi mo kakikitaan ng tao sa bungad. Anim na madre lang kasi ang nandoon at may 30 batang inaalagaan. Sa ibabang bahagi pa sila nanunuluyan. Sa unang tingin mo palang sa mga bata, halatang napaka-energetic nila at tila walang dinadalang mga kalungkutan sa buhay. Bawat bata nagbebless sa’min. Nagmukha kaming Ninong nila e parang magkaka-age lang naman kami. lol.

Natawa nga ako noong may batang nakipag shakehand sa’kin at niyakap-yakap pa ako para kontratahin akong ibigay ko sa kanya yung Police Car na laruan kapag nagkabigayan na ng regalo. Haha.

Nagsimula din naman ang programa ni Kuya Blue sa pamamagitan ng kwento na may pamagat na “Angel na putol ang pakpak”. Mukhang seryoso naman ang mga bata na medyo may kakulitan. Mga nsa 6-11 yung mga batang totoong nakikinig at nakikipagkulitan. Samantalang yung iba, medyo may katamlayan., pero maya-maya ay may mga magpapakarga at nagpakandong na sayo.

Nagpakilala muna kaming mga panauhin. Ang galing! ang bilis nilang magkabisa ng mga pangalan namin. Tapos sila naman ang kinilala namin. Sa unang banat ni palang ni Kuya Blue sa kwento basag agad! 

Kuya Blue: “Ang kuwento natin ay tungkol sa Angel na putol ang Pakpak” 
Bata 1: “Ay alam na namin yan e!” 
Kuya Blue: “Hindi, ibang kwento naman ‘to” 😀

Hahaha with a twist daw. “wink!”

Sobrang natutuwa ako sa mga bata, halatang binubusog talaga sila ng mga kwento at aral ng mga guro nila kaya ang tatalim ng mga tanong.

Nakakatawa lang yung isang bata na habang nagkukwento si kuya Blue ay hinihila yung balahibo n’ya sa kamay at paa. Hahaha Ouch yun!

Natatawa na lang ako sa mga sumunod na mga pangyayari. Ang kwento kasi ay tungkol nga sa Angel na naputulan ng pakpak kaya mula sa langit nalaglag sa lupa. Tinulungan naman s’ya ng mga hayop sa ibaba: tulad ng Unggoy, Ibon at Lion. Hindi na daw magamit yung lumang pakpak, kaya gumawa na lang nang paraan yung mga hayop kaya dahon na lang at mga patpat yung nilapat. kaso Pakpak yun ng Angel so dapat puti. Hindi brown, hindi rin green. 

Kuya Blue: “Tinulungan sila ni Gagamba para makabit nila yung pakpak nung Anghel kaya naging puti” 

Bata 2: “Kawawa naman yung Gagamba baka maubusan nung sapot” (oo nga naman ang laki kaya ng pakpak) Hahaha 

Kuya Blue: “Hindi, tinulungan pa s’ya ng mga kaibigan nilang gagamba” -Hahahaha TNT ako dito 😀

Matapos noon, nagkaroon ng palaro na stop dance. Hindi talaga nagpapatalo ang bawat isa kaya binaligtad na ang mechanics ng laro:  Tuwing walang tugtog na sila gagalaw. Wala ding effect kaya kahit kurap tanggal na! Sa huli, ang batang naggagalang (hindi ko na matandaan) ang nanalo haha.

Sumunod na laro ang “Pahabaan”. Nagkaroon ng dalawang grupo. Grupo ko at grupo ni Windy. At sino ang nanalo? Syempre ako. Haha pinagtulungan ba naman nilang tanggalin yung sintas ng sapatos ko. At noong nanalo na, ako na lang mag-isa tumulong sa sarili kong magkabit. 😀

Masayang kumain ng Spaghetti with Chickenjoy galing sa Ultimate favorite na Jollibee ang mga bata, kasabay ng pamimigay na dala naming laruan. Medyo naguilty ako ng kaunti dito, kasi hindi ako nakapagdala ng gift noong Saranggola Blog Awards na s’ya namang pinamigay dito.

Image

So There! Si KumagCow Habang pinagmamasdan ang mga Bata

Naging Instant Daddy naman si Kuya Blue noong halos ayaw ng bumitaw sa pagkakarga ang isang bata na rosy cheeks.Bago ko pala makalimutan tuwang-tuwa ako sa mga ngipin ng mga bata dito -ang puputi at kumpleto. Inalagaan talaga. 🙂

Image
Ang Puppet at ang mga batang masayang naglalaro

Kahit pa sobra ang nadala naming mga laruan para sa mga bata, hindi talaga maiwasang may magkainggitan at magkaiyakan na natural naman sa mga bata. 🙂

Image
Mga Kaibigan ni Blue (dalawang babae sa kaliwa), John (KumagCow), Windy, Otep at Kuya Blue

Ang sarap ng pakiramdam ko nang mga oras na iyon. Wala mang naiambag sa grupong ito bukod sa pagsama, ay nabigyan ako ng pagkakataong makibahagi ng kaunting kasiyahan sa mga bata. Ang dami palang batang nangangailangan ng kalinga at tulong. Kinurot nga ako ni Sister sa sinabi nya, na kahit hindi magsalita ang mga batang iyon masaya silang may bumibisita sa kanila at may nagpapakitang may nagmamahal at nagpapahalaga sa kanilang iba.

Image
Salamat kay George: Sakay na! 😀

Bago kami umalis, taos-puso namang nagpasalamat sa amin si Sister. Kahit kami-kami lang, naging matagumpay naman ang outreach namin sa tulong pa din syempre ng marami nating Bloggers:).

Nakatutuwa din nung sinabi ni sister na natutuwa sya kasi isa kami sa mga talagang nagbigay ng maraming oras kumpara sa iba ng ilang sandali lang. Marami pang naikwento si Sister tungkol sa mga bata at kung paano sila napunta dito. Medyo mahirap pakinggan, mahirap unawain na meron pala talagang ganito sa totoong buhay.

Nalulungkot ako sa mga sanggol, ganoon din sa mga batang nasa 12-13 taong gulang na sa ayaw at gusto nila, ililipat din sila sa iba na namang tuluyan pagdating ng panahon. (Hindi ako sigurado pero wala talagang permanente sa lugar na iyon sa buong pagkabata mo).

Syempre, yung iisipin dadating yung panahon na ikalungkot nila ang pag-iwan sa kani-kanilang kalaro at kaibigan na nakasama nila sa mahabang panahon.

Minsan nang naputulan ng pakpak ang mga Angel na iyan dahil sa iba’t ibang kwento kung paano sila napadpad dito. Sana tulad din sa kwento, sa pagtulong ng isang hayop sa anghel sa pagkakabagsak nito, sana may tumulong din sa kanila para makalipad at makatayo.

Maraming dahilan at paraan para tumulong.

Image
Augustinian Sisters-Tagaytay City

ADDRESS. Augustinian Sisters Servants of Jesus and Mary. Mo. Teresa Spinelli Novitiate House, Kabangaan Road, Iruhin West, 4120, Tagaytay City. Philippines.
Tel:- 046-413-39-45
Fax:- 046-860-00-16
Celphone:- 09192658058
Email address:- srcarmenborg@yahoo.com
website: Augustinian Sisters Servants of Jesus and Mary

Bago kami umalis nagkantahan pa ang mga bata “♪♪Thank you.. thank you.. ang babait ninyo thank you! ♪♪” Parang pasko lang. haha Akala ko nga aampunin na ako nila Kuya Blue at iaalis na kina Sister kaya nag-iiyak ako.

“Sister! huwag nyo po akong ibibigay sa kanila!” hahaha (natuwa naman si sister)

Ang araw na iyon ay natapos sa pagkain namin ng Bulalo sa Leslie’s-Tagaytay at matiwasay muling nakauwi. Salamat kay George ay! Kay kuya blue pala sa paghatid 😀

If you drop it, Pick it up
If you sleep in it, Make it.
If you open it, Close it.
If you empty it, Fill it up.
If it rings. Answer it.
If it barks, Feed it.
If it cries, Love it.