‘AMAZING RACE’


Isang media network sa bansa ang naglunsad ng bagong programang pantelebisyon hango sa isang reality show sa Amerika – ang The Amazing Race. Bagama’t marami itong pagkakatulad sa orihinal na palabas tulad ng paglibot sa iba’t ibang lugar at mga pagsubok, malaki pa rin ang pagkakaiba nito dahil ang mga kalahok dito ay pawang may mga kapansanan. Paano kaya nila malalagpasan ang lahat ng pagsubok at sinu-sino kaya sa magkakaparehang sina Bulag at Duling, Pipi at Ngongo, Pilay at Sakang, at magkaparehang sina Bingi at Kuba ang mangunguna at tatanghaling kauna-unahang mga Amazing Race champion?

Sa unang pag-ere nito sa telebisyon isa-isang pinakilala ang bawat kalahok:

“Si Bulag 22 years old, lalake, mula sa lungsod ng Parañaque, sinilang na may mga mata pero hindi nakakakita” Pakilala ng host na si Derek Parazzi.

Sinunod n’yang pinakilala si Duling isang magandag babae, bente anyos “Kung si Bulag ay pinagkaitan ng paningin, ang susunod naman na kahalok ay sumobra ang panginin – si Duling” Palakpakan ang mga studio audience.

“Sila po ang unang magkapareha sa edisyong ito. Magkakitaan kaya sila? Alamin sa pagbabalik ng Amazing Race, Philippines!” (cut).

Habang patalastas pinaglapit sila ng mga crew sa studio. Kinapa-kapa ni Bulag ang hangin hanggang mahawakan n’ya si Duling sa balikat pababa hanggang maabot nito ang palad at nakipagkamay.

“Ako pala si Bulag, ang ganda mo pala?” pambobolang sabi ni Bulag. “Hmmp. Tigilan ako! Nakakakita ka pala?” tanong ni Duling.
“Hindi. Ibig kong sabihin ang ganda pala ng boses mo. Narinig kasi kita kanina”.

“Derek! Stand by.. 5, 4, 3, 2….” Sigaw ng direktor, hudyat na muling eere ang programa.

Ngumiti sa kamera si Derek at nagsimula na ang mga litanya “Nakilala na po natin ang unang pares na sina Bulag at Duling. Ipakilala na natin ang susunod na magkapareha, panoorin po na’tin ‘to” romolyo ang VTR (Video Tape Recorder) at doon nga ipinakilala si Pipi.

Bukod sa hindi sya nakapagsasalita, hindi rin s’ya nakaririnig. Ganoon pa man sa kanya pa rin binigay ang codename na Pipi. Si Pipi ay isang guro sa Philippine Institute for the Deaf. Mahusay s’ya sa sign language. Matapos ang pagpapakilala bumukas ang likurang bahagi ng stage at doon lumabas si Pipi. Ang daming fans! Mga kapwa n’ya guro at mga estudante. Wala mang mga nagsisigawan dahil mga kapwa hindi din sila nakapagsasalita, umulan naman ng palakpakan at “eehhrr!, eehhrr!” hindi man maliwanag ang mga kanilang isinisigaw alam ng lahat na iyon ay isang pagsuporta.

“Pipi, ready ka na ba sa magiging kapareha mo?” tanong ni Derek. Nakalimutan nito na hindi nga din pala nakakarinig si Pipi kaya kinailangan pa ng isa pang marunong mag sign language. Simple lang ang naisagot ni Pipi sa pamamagitan ng pagtungo na ibig sabihin ay “yes”.

Naging maiksi lang ang pagpapakilala kay Ngongo –ang magiging kapareha ni Pipi. Tulad ng ibang may kapansanan pinanganak s’yang may bingot at dahil sa kahirapan hindi na ito napaayos. Bumukas muli ang likod na bahagi ng stage at lumabas ang makisig na si Ngongo. Madami ding fans si Ngongo. Hindi tulad ni Pipi na puro palakpakan lang ang narinig sa studio mula sa kanyang mga tagasuporta. Puro sigawan naman ang narinig para kay Ngongo na laki sa Tondo.  “Ngongo!, Ngongo!”

“Kamusta ka Ngongo? Masaya ka bang si Pipi ang makakapareha mo?” tanong ng host. “o-ey aman moh, ahit meme moh sahaa hehi aman moh hat maanta “ (Okey naman po, kahit Pipi po sya sexy naman po at maganda). “Paano yun bukod pala sa hindi nakakapagsalita si Pipi, hindi rin pala s’ya nakaririnig?” muling pagtatanong ng host. “o-ey paah ren mow, mee molmen ant mamel haman moh.”  (Okay pa rin po, may bolpen at papel naman po) paliwanag ni Ngongo. “Ayos kayo Ngongo ha! May strategy na agad kayo para magkaintindihan sa game na ‘to” pagkamanghang nasabi ng host.

Muling nagsigawan ang mga fans kasabay ng pagtutok ng camera sa audience. Bahagyang lumabo ang ilaw at humina ang tunog ng mga stereo sa studio na ibig sabihin ay commercial break na.

Halos nangangalahati na ang programa ng ipakilala na ang pangatlong magkapareha. Magkasunod ding lumabas ang mga VTR nina Pilay at Sakang. Kapwa sila lalake at halos magkaedad sa  gulang 28 at 29. Bagama’t iika-ika, nakakapaglakad pa rin naman itong si Sakang buhat noong tamaan s’ya Polio at iba pang sakit sa buto noong kabataan nya. Maganda ang naging entrada nila sa stage, may mga usok effect pa. Tulak tulak ni Sakang si Pilay na nakasakay sa wheelchair habang pinapakita sa TV ang mga pamilya nila. Kapwa sila pamilyadong tao at sa kabila ng kanilang mga kapansahan sila pa rin ang mga bread winner ng kani-kanilang pamilya. Naging malaking bentahe iyon para sila ang mapili sa programa.

“Kamusta kayo? Pilay kwento mo naman sa amin kung paano ka nasagasaan ng 18 wheeler truck” usisa ng Derek. “Galing po ako sa trabaho noon, ay! sa inuman pala” pabirong biglang-bawi sa sinagot n’ya. Nagtawanan ang audience. Pati mga pipi’t bingi nakikitawa, mabuti na lang at may malaking screen na may nagsa-sign language kaya naiintindihan nila. Nagpatuloy si Pilay “Yun nga po, papatawid ako nun sa kahabaan ng Romualdez, malas lang po talaga kasi lasing din pala yung driver” Hindi alam ni Derek kung matatawa o maaawa s’ya kay Pilay noong malamang kapwa pala lasing ang salarin at biktima. “Maswerte ka pa rin Pilay dahil nabuhay ka at ngayo’y binubuhay mo pa rin ang iyong pamilya” sabi ni Derek. Hindi na pinahaba ng host ang talakayan kaya nagwika na lang s’ya ng “Goodluck” para sa dalawa.

“Kilalanin natin sa pagbabalik ang huling magkapareha dito lang sa pinaka malaking paglalakbay, -ang Amazing Race….. Philippines!” (cut).

Matapos ang commercial, pinalabas agad sa programa ang VTR ni Bingi. Ayon dito, naimpeksyon daw ang tenga n’ya dahil sa labis na paglilinis at ngayon ay nasa stage 3 na ng cancer. Naging malaking bentahe ang sitwaston n’ya kaya s’ya natanggap sa programa.., ang pangarap nyang malibot ang Pilipinas bago man s’ya bawian ng buhay.

“Ladies and gentlemen, salubungin na’tin si Bingi!” wika ng host. Tulad ng mga entrada ng mga unang kalahok sinalubong ni Derek ang binging si Bingi sa high-tech na pintuhan ng stage. “Kamusta Bingi?” bati ni Derek. Ngumiti-ngiti lang si Bingi habang unti-unting tinataas ang mikropono at nagsalita. Mangiyak ngiyak ito habang nagpapasalamat “Ang pagsali ko po dito ay isa pong katuparan sa mga pangarap ko. Masyado lang pong maiksi ang buhay para hindi po natin makita ang ganda ng kapaligiran. Kaya po kung may pagkakataon kayo, pilitin nyo pong makita ang likhang bigay sa atin ng Diyos na hinulma naman po ng ating kalikasan. Thank you po”. Inabot ni Bingi ang mic kay Derek habang nagpatuloy ang malalakas na palakpakan.

Ang huling kalahok ay si Kuba, maganda ang istorya nya, pero hindi sya maganda. Tulad sa mga palabas na Kampanerang Kuba at ng blusang itim, sa simbahan din s’ya nakatira. Doon, siya ang nagpapatunog ng kampana. Halos pareho sila ni Bingi na mapangarapin sa buhay. Kung si Bingi ay nais marating ang buong Pilipinas si Kuba naman ay nangangarap na makalembang ang lahat ng mga kampana sa bansa.

“Kuba, nakakainspire ang kwento mo, balak mo din ba mag artista?” pang-iisyu ni Derek. “Ahh e..” kinikilig na nauutal habang sumasagot si Kuba “Opo sana kung mabibigyan ng chance”. “Wow! E sino naman ang gusto mong makapareha Kuba?” muling pagtatanong ni Derek. “Ahehe.. kayo po syempre, Idol ko po kayo e”. Nanlaki ang mata ni Derek kaya tinapos na nito agad ang programa. “Nakilala na natin ang apat na magkakapareha, tunghayan natin sa susunod na linggo ang kanilang tunay paglalakbay dito lang sa Amazing Race… Philippines!”

Unang destinasyon ng programa ang lungsod ng Baguio. Gamit ang mga bus ng Victory liner na syang isa sa mga sponsor ng Amazing Race. Hindi pa man nakakasakay, isang pagsubok na agad ang kanilang naranasan na susubok sa talas ng kanilang isipan. “Ano ang kulay ng Sun Flower?”-tanong ni Derek. Sa sobrang dali ng tanong agad itong nasagot ng lahat at isa-isa nang umarangkada ang mga bus maliban sa magkaparehang si Bulag at Duling. Malas lang talaga dahil isa lang sa magkapareha ang pwede sumagot nito at si Bulag pa ang nabunot na minsan sa buhay n’ya ay hindi pa nakakakita ng bulaklak . Nabanggit naman n’ya ang lahat ng kulay, sinawing palad lang talaga dahil huli nyang nabanggit ang kulay Dilaw.

Sa itaas ng Groto ng Lourdes sa Baguio ang end point. At doon mula sa apat na pares ay magiging tatlo na lang sila. At sa taas na iyon nandoon na si Derek, nauna pa rin s’ya doon kahit huli pa s’yang umalis dahil sumakay s’ya ng chaper. Unang nakarating si Pipi at Ngongo. Hirap man pero halos kasunod na nila si Bingi at Kuba.

Dalawang pares na lang ang hinihintay, sina Pilay at Sakang at magkaparehang Bulag at Duling. Dahil hirap makaakyat si Pilay dahil naka wheelchair ito matagal sila nakapag-isip kung paano maaakyat ang Groto. Naabutan pa tuloy sila ni Bulag at Duling. Doon gumana ang adrenalin rush ni Sakang at sa pagmamadali naisipan nyang ipasan na lang si Pilay. Nagmadali din syempre sina Bulag habang akay –akay s’ya ni duling. Papalapit na sila kay Derek nang madulas sina Duling at Bulag ng magkamali sila sa huling hakbang. Kaya dumausdos sila hanggang sa pinaka baba na baitang na kung bibilangin ay halos nasa mahigit dalawang daan. Halos duguan ang dalawang kalahok habang isinusugod sa Baguio General Hospital.

“Nakakalungkot man, pero dito nagtatapos ang journey nina Bulag at Duling –tanggal na po sila” paliwanag si Derek “Ganoon pa man, ligtas na po sila at nagpapagaling na, kaya naman tuloy pa rin ang karera sa susunod na tanggalan sa isla ng Mindanao ng mga natitira nating kalahok” pagpapatuloy ng host.

Isang milagro ang naganap sa ospital. Unti-unti nang gumagaling ang mga bukol, bali at sugat nila, at sa pagkamulat ng mga mata ni Bulag bigla itong nakakita! Mangiya-ngiyak ito at hinanap niya si Duling. “Sino po sa mga pasyente si Duling?” nanginginig si Bulag habang sinasabi niya iyon nang nakita n’ya si Duling sa pagkakaturo ng Nars. “Duling! Nakakakita na ako, buksan mo na ang mga mata mo”. Pilit na pinamulat ni Bulag ang mga mata ni Duling subalit hindi n’ya ito minulat kasabay ng pag-ahos ng mga namumuong emosyon. “Tuluyan na po syang nabulag sa pagkakabagok nya sa semento Sir Bulag, ay! ano pala..” alangan ang Nars sa pagpapaliwanag habang hindi n’ya mawari kung ano nga ba ang tunay na pangalan ni Bulag ngayong nakakakita na ito.

Hindi iniwanan ni Bulag etse Tisoy (tunay na pangalan ni Bulag) si Duling hanggang gumaling ito.

Sa Mines View kapwa sila umupo habang pinagmamasdan ang mga nagdadaang mga ulap sa bundok.

“Alam mo Duling, nakakatuwa pala ang mga ulap kapag nagbibigay sila ng lilim sa mga bundok no?” sabi ni Tisoy.

“Oo, ilang ulit ko na rin yang nakita mas marami pa dyan dahil nadodoble sila haha” biro ni Duling.

“Hindi ka ba nalulungkot ngayon? Dati kasi limitado ka na sa panginin mo ngayon tuluyan pang nawala?”. “Hindi naman, sa totoo nyan nagpapasalamat pa nga ako dahil kahit papaano nasilayan ko pa ang mundo” paliwanag ni Duling “Saka hindi naman talaga limitado, somobra nga di ba? As in sobra-sobra na yung nakita ko sa loob ng dalawang dekada kong pamumuhay sa mundo, kaya okay na akong ganito ngayon. ‘Kaw ba? ngayong nasisilayan mo na ang lahat, sakaling may magtanong sayo na isang bulag paano mo ilalarawan ang mundo?” patuloy at pagtatanong ni Duling.

“Alam mo, maraming bagay ang hindi nakikita ng ordinaryong mga mata sa mga matang hindi nakakakita, iyon yung pwede kong isagot sa kanya. Mapanlinlang ang mga mata kaya madalas nasisilaw ang tao. Ang paningin dapat ay hindi lang pisikal kundi kung paano ito ikalulugdan ng isa sa limang senses mo. Kung mawalan ka man ng isa, meron ka pang apat. Ang liwanag ng araw at malamig na hangin ay kayang makita ng pandama mo, ang ganda ng ulan at tilamsik ng mga patak nito kasama ang hampas ng alon sa dagat ay kayang ilarawan ng mga pandinig mo. Ang mga makukulay paru-paro at bulaklak ay kayang masilayan ng pang-amoy mo, pati ang mga katakam-takam na putahi sa unang tingin mo, hindi mo man makita kayang ipaliwanag ng panlasa mo” mahabang paliwanag ni Tisoy.

“Grabe Tisoy na speechless ako ha! pero sa tingin mo, posible kayang magkagusto ang mga normal na mata sa tulad kong may mga mata nga pero wala ng silbi dahil hindi na nakakakita?” tanong ni Bebang (Tunay na pangalan ni duling).

“Sa tingin mo? Este sa palagay mo? Hahahaha! Syempre oo naman!” ang matamis na sagot ni Tisoy. Unti-unti na noong dumidilim dahil takipsilim na, natapos ang araw na iyon sa kanilang matamis na halik at sa kasabihang binitawan ni Tisoy “Totoo nga!… Love is blind”.

Sa Diosdado Macapagal International Airport (Clark) magaganap ang susunod na pagsubok ng mga natitirang kalahok matapos ang mga pagsubok sa Baguio at bago sila lumipad papuntang Davao sakay ng AirAsia (isa rin sa mga sponsor ng programa). Gaya ng unang pagsubok sa bus station, talas pa rin ng isipan ang sumunod nilang laban –Pinoy Henyo. Ang pinakamabilis na makakahula o makakasagot ang siyang unang pares na sasakay sa unang flight papuntang Davao at sa susunod na flight na ang pangalawang makakasagot. Nasagot naman agad nila Pilay at Sakang at magkaparehang Bingi at Kuba ang easy word, samantalang sina Ngongo at Pipi ay medyo nahirapan dahil kailangan pang isulat sa papel ni Ngongo ang kanyang mga sinasabi dahil hindi nga pala nakakarinig si Pipi.

Ngongo : tao ma to?
Pipi : (iling)

Ngongo : ayup?
Pipi : (iling)

Ngongo : lungar?
Pipi : (iling)

Ngongo : mangaen?
Pipi : (tungo) na sagad ang ngiti 😀

Ngongo : mrutas ma?
Pipi : (iling)

Ngongo : ngulay?
Pipi : (iling)

Ngongo : nyank moods?
Pipi : (iling) medyo naiinis na.

Ngongo : unam?
Pipi : (tungo)

Ngongo : may samaw ma?
Pipi : (iling)

Ngongo : mrito ma?
Pipi : (tungo)

Ngongo : mrayd nyiken?
Pipi : (iling)

Ngongo : isna ma to?
Pipi : (iling)

Ngongo : mork nyap?
Pipi: (iling)

Ngongo: tohino?
Pipi : (iling)

Ngongo : hotnog?
Pipi : (iling)

Ngongo : itnog?
Pipi : eeerrhh!! Errrhh!! (madaming tungo)

Sa wakas!

“Itlog” ang easy word.

Halos oras lang ang pagitan ng makababa sa Davao International Airport ang unang dalawang pares na nakasagot sa easy word ng Pinoy Henyo. At dumeretso agad sa Eden Nature Park and Resort. Ang task nila ay makatawid sa zipline. Unang nakatawid pa rin sila Bingi at Kuba kahit mabigat ang dinadala nito sa likod. Halos inabot naman ng siyam-siyam sa pag-akyat  sina Pilay at Sakang sa taas ng zipline na may halos apat na palapag na gusali.  Ginamit nila muli ang pasan strategy pero hindi to naging sapat kaya kamuntikan pa silang maabutan nila Ngongo at Pipi. Sa huli, na elimated sa Mindanao ang magkaparehang sina Ngongo at Pipi.

Kinausap ni Derek si Pipi sa naging dahilan kung bakit sila nahuli, pero walang nasabi si Pipi 😀

Mula sa Luzon at Mindanao susunod na tatahakin ng dalawang natitirang pares ang Visayas sa lalawigan ng Iloilo.

Kapwa sila sakay ng pribadong eroplano mula Davao papuntang Iloilo. Gabi na ng makalapag sa Aiport ang sinakyan nila at mula doon dalawang malaking puzzle ang sumalubong sa kanila na bubuuin nila na s’ya namang pag-uunahan nilang puntahan. Isa lang sa magkapareha ang pwedeng gumalaw sa puzzle. Si Pilay sa isa at Bingi naman sa isa pa habang nanonood lang ang kanilang mga kapareha. Unang nakabuo si Pilay -isang napakagandang simbahan ang kanyang nabuo –Miag-ao (isa sa mga pinagmamalaking world heritage ng bansa). Kaya agad nakaalis sina Pilay at Sakang sakay ng Dyip na may kakaibang disenyo na kilala at matatagpuan lang halos sa lalawigan ng Iloilo.

Halos magkarerahan ang dalawang Dyip. Naunang nakababa sina Pilay at Sakang pero kahit sila ang nauna nalagpasan pa rin sila nila Kuba at Bingi pagbaba papunta sa entrada ng simbahan. Mula doon, matatagpuan nila ang susunod at huling pagsubok.

Matapos kapwa mabasa ng dalawang pares ang clue tungkol sa pagkalembang ng kampana agad na silang nag-unahan sa pag-akyat ng kampanaryo. Pero dahil si Pilay at Bingi ang unang gumawa ng pagsubok sa Airport si Kuba naman at Sakang ang sususok ngayon at dito na rin malalaman kung sino ang mananalo ng dalawang milyong piso at isang milyon naman sa pares na magra-runner up.

Match na match ang dalawang may kapansanan sa pag-akyat sa makipot na hagdanan papunta sa kampana. Si kuba bigat na bigat sa kanyang pasan samantalang si Sakang naman hirap na hirap sa pag hakbang. Pero dahil sa nanaig ang pangarap ni Kuba na magkalembang ng isang kilalang kampana ng simbahan s’ya ang unang nakakuha ng makapal na lubid at nakapagpatunog ng Kampana! Kasabay noon ang magagarbong fireworks sa likod ng simbahan na nagpamangha sa lahat ng tao na nanood ng live.

Malakas na Ting! Ting! Ang pumailang-lang sa buong nasasakupan ng simbahan kasabay noon ang malakas na…

“Ay p*T@#$% !n@!” napasigaw si Bingi. “Ay sorry nagulat lang”

Napatigil ang lahat hindi lang dahil sa pagmumura ni Bingi kundi sa katotohanang nakakarinig pala sya.

Namulta si Bingi at hindi niya malaman ang gagawin kaya gumawa siya ng eksena.

“Yes! Praise the Lord! Nakakarinig na ako! Salamat sa milagrong hatid ng simbahan ng Miag-ao!” –sigaw ni Bingi.

“Ulol! Sinong maniniwala sayo!? Sipain kita dyan e!” sabi ni pilay.

Agad ding bumaba si Kuba at Sakang.

“Ang kapal ng mukha mo Bingi! hindi ka na nahiya sa aming may mga tunay na kapansanan” –sabi ni Sakang.

Hindi nakapagsalita si Bingi, parang napipi.

“Oo nga hindi ka na nahiya, kumpleto ka naman pero nagagawa mo pa rin manlamang. Hindi mo ba alam kung bakit ginawa itong special edition ng Amazing Race? para sa mga tulad naming walang gaanong kakanayan para makita ang mundo pero nabibigyan ng chance!?-sabi ni Kuba.

“Alam mo sa inasal mo, daig mo pa ang mga taong hindi nakakakita dahil sobrang nagbubulag-bulagan ka! Ganoon din sa mga hindi nakakarinig at nakakapagsalita dahil itinatago mo ang katotohanan!” sabi naman ni Pilay.

Naguilty bigla si Bingi (-bingihan) “Nagawa ko lang naman yun kasi fan na fan talaga ako ng Amazing Race, mag-o-audition dapat talaga ako dito, kaso hindi ko lang alam kung bakit naging special edition ‘to. Patawarin n’yo ko”

Dahil doon napagpasyahan na lang ng programa na bigyan na lang ng tig-iisang milyong piso ang nanalong si Kuba at ang mga runner up na sina Pilay at Sakang.

At sa huli natupad ang pangarap ng lahat na makapaglakbay sa kabila ng kanilang kapansanan lalo na si Kuba na bukod sa paglalakbay ay natupad din ang pangarap na pag-aartista.

ooooooOoooooo

Ang Maikling Kwentong  ito ay lahok sa ika-apat na paglipad ng Saranggola Blog Awards 2012. sa temang “LAKBAY”

Image

Image

Image

Image

ANG ALAMAT NG TSINELAS



“Ang pag-aaruga ng magulang sa anak ay tulad din dapat ng pag-aaruga anak sa kanyang Inang Kalikasan”


Sa isang malayong lalawigan na napapaligiran ng mga bundok at iba’t ibang anyong tubig tulad ng talon, sapa at mababatong ilog, isinilang si Tsi. Marahil mayroon siyang mga singkit na mata tulad ng mga Tsino kaya ito na ang ipinangalan sa kanya ng kanyang ama’t ina.

“Anak, bukang liwayway na, bumangon ka na’t maghanda na sa pagpasok” -gising ng kanyang Ina.

Lumaking masipag na bata si Tsi, –ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Mang Tarding at Aling Elsa. Kaya naman bilang solong anak, alam nya na agad ang mga responsibilidad sa pagsisimula palang ng umaga. Bitbit ang maliliit na lalagyanan ng tubig, agad na syang pumupunta sa Sapa upang punuin ang mga bangang wala ng laman dahil ginagamit ito ng kanyang Ina sa paghuhugas ng pinggan sa gabi.”

“Ina, puno na po ang banga, nakaligo na rin po ako sa Sapa” sabi ni Tsi.

“Mabuti anak, magbihis ka na’t kainin mo na ang ‘yong almusal” sagot naman ng kanyang Ina.

Agad namang nagbihis si Tsi ngunit parang may kulang. Wala pa kasi s’yang sapin sa paa. Madalas na napupuna ng kanyang Ina ang mga sugat nito sa paa. Malungkot man para sa isang Ina na makitang walang sapin sa paa ang kanyang anak, wala naman itong ibang magawa kundi mangako.

“Anak pasensya na ha, hayaan mo kapag nakaani ng higit sa regular na dami ang tatay mo, at naibenta sa mga negosyante at mamimili sa bayan, makabibili na tayo sa sapin mo sa paa” pangako ni Aling Elsa.

“Talaga po Ina? Mainam po iyon dahil hindi na po masusugatan ang mga paa ko” masayang naisagot ni Tsi.

“Oo anak, kaya pagbutihin mo pag-aaral mo ha, para mas lalong ganahan ang Tatay sa pagtatrabaho” wika ni Aling Elsa.

“Sige po Ina, aalis na po ‘ko. Pwede ko po bang kainin na lang sa daan ‘tong almusal ko?” tanong ni Tsi.

“Ikaw talaga ang bagal mo kasi kumilos, hindi mo na tuloy nakakain almusal mo. O sige mag ingat ka” pabirong sinabi ng kanyang ina.

Masayang lumabas sa bahay si Tsi dala ang mga nilagang saging na Saba kasama ang pangakong binitawan ng Ina.

Sa paglalakad, halos inaabot ng dalawang oras si Tsi sa pagpasok sa paaralan. Nakakainip iyon. Mabuti na lang at mayroon s’yang nakakasabay sa paglalakad –si Nel. Kapwa sila nasa ika-apat na baitang ng mababang paaralan ng Bomod-Ok.

“O nilagang saging, kain ka” pang-aalok ni Tsi sa kanyang kaibigan.

“Sige sayo na lang katatapos ko lang din kumain e, salamat” tugon naman ni Nel.

Sa isang malayong lalawigan na napapaligiran ng mga bundok at iba’t ibang anyong tubig tulad ng talon, sapa at mababatong ilog, isinilang si Tsi. Marahil mayroon siyang mga singkit na mata tulad ng mga Tsino kaya ito na ang ipinangalan sa kanya ng kanyang ama’t ina.

“Anak, bukang liwayway na, bumangon ka na’t maghanda na sa pagpasok” -gising ng kanyang Ina.

Lumaking masipag na bata si Tsi, –ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Mang Tarding at Aling Elsa. Kaya naman bilang solong anak, alam nya na agad ang mga responsibilidad sa pagsisimula palang ng umaga. Bitbit ang maliliit na lalagyanan ng tubig, agad na syang pumupunta sa Sapa upang punuin ang mga bangang wala ng laman dahil ginagamit ito ng kanyang Ina sa paghuhugas ng pinggan sa gabi.

“Ina, puno na po ang banga, nakaligo na rin po ako sa Sapa” sabi ni Tsi.

“Mabuti anak, magbihis ka na’t kainin mo na ang ‘yong almusal” sagot naman ng kanyang Ina.

Agad namang nagbihis si Tsi ngunit parang may kulang. Wala pa kasi s’yang sapin sa paa. Madalas na napupuna ng kanyang Ina ang mga sugat nito sa paa. Malungkot man para sa isang Ina na makitang walang sapin sa paa ang kanyang anak, wala naman itong ibang magawa kundi mangako.

“Ano namang kinain mo? tanong naman ni Tsi.

“Saging din. Pero minatamis na saging” Sagot ni Nel.

“Wow! Saan naman kayo nakakuha ng asukal?. Bigtime na talaga kayo ha!” pabirong tanong ni Tsi.

“Haha! May asukal lang bigtime na agad? Di ba pwedeng nakadiskarte lang ang tatay? Pabiro din itong sinagot ni Nel.

Masayang nag-uusap at nagbibiruan ang dalawang magkaibigan habang naglalakad nang mapansin ni Tsi ang sapin sa paa ni Nel.

“Wow Nel! May sapin ka na pala sa paa, napaka-swerte mo!” wika ni Tsi.

“Akala ko di mo mapapansin e. Binili ‘yan ni Nanay at Tatay kahapon sa bayan, nakakapanibago nga e”. sagot naman ni Nel.

Nakakainggit naman. Pwede ko din bang subukan ‘yan?” pagtatanong ni Tsi.

“Naku, pasensya na ha, bilin kasi ni Ina na ‘wag ko daw papasuot ito sa iba, bukod kasi sa baka masira agad, baka madumihan pa sa loob… Isa pa, hindi naman tayo magkasukat ng paa di ba? Paliwanag ni Nel.

Malungkot pero nauunawaan naman ni Tsi ang paliwanag ng kaibigan. Sa kanilang paglalakad kapansin-pansin ang pagbabago ng kapaligiran.

“Nel, kakaiba na ang tubig ng ilog ng Bumod-Ok ngayon no?” nagtatakang tanong Tsi.

“Oo, sabi kasi ni Tatay gawa daw yan ng pagmimina nila sa taas ng bundok” paliwanag ni Nel.

“Pagmimina? Ano namang minimina nila sa bundok?” muling pagtatanong ni Tsi.

“Edi ginto. Hindi ko sinasadyang marinig si nanay habang kausap ang tatay kanina, ‘yan daw yung dahilan kung bakit mas maayos na ang buhay namin ngayon.” Paliwanag ni Nel.

“Talaga? Ang galing naman. O tara na tawid na tayo sa ilog” tugon ni Tsi at agad na ring nag-aya sa pagtawid ng ilog. “Teka, huhubarin ko muna sapin ko sa paa baka agusin e” pag-aalala ni Nel kaya hinubad n’ya muna ito.

Kinahapunan, sa muling pagbabalik ni Tsi sa kanilang tahanan, agad n’yang naikwento sa kanyang mga magulang ang bagong sapin sa paa ng kaibigan n’yang si Nel.

“Ina, alam nyo po ba? Si Nel may bagong sapin na sa paa!” pagbabalita nito sa Ina.

“Talaga anak? Huwag kang maiinggit sa kanya ha” paalala naman ni Aling Elsa.

“Nakakainggit nga po e, pero sabi ko naman po sa kanya na bibilhan nyo din ako kapag nakabenta ng madaming gulay si Itay. Totoo ba yun Tay?” patuloy Tsi at pagtatanong nito sa kanyang Tatay.

“Ahh e.. sige pagbubutihan ng tatay” sagot naman ni Mang Tarding na may kasamang pagkabigla sa tanong ng anak.

“Ayan ang saya! da best po talaga kayo ‘tay! Sige po mag-iigib na po ako pero po sa kabilang sapa na, medyo malabo na kasi yung sa likod, isa pa ginagahan kasi ako mag-igib e!” masayang may kahalong pabida ng anak.

“Malabo na ba? Baka dahil yan sa madalas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Sige mag-iingat ka” paalalang sabi ni Mang Tarding.

Dahil sa nagulat si Mang Tarding sa nabanggit ng anak tungkol sa sapin sa paa, agad nagkausap ang mag-asawa.

“Mahal, hindi mo dapat pinapangakuan ang anak natin ng ganyan, sa kadahilanang baka hindi na’tin ito matupad, baka sumama pa ang loob di ba?” wika ni Mang Tarding.

“Alam mo namang binibigyan ko lang ng pag-asa ang anak na’tin Tarding, sa ganoon mas lalo syang magsipag kahit pa ilang kilometro ang nilalakbay n’ya makapag-aral lang” paliwanag ni Aling Elsa.

“Haaay.. Alam mo Elsa parang gusto ko na ngang tanggapin yung alok ni Mang Isko sa itaas ng bundok para magmina, nang guminhawa naman ang buhay natin” salaysay ni Mang Tarding.

“Naku Tarding, kakayanin mo ba iyon?” Pag-aalalang tanong ng asawa.

“Susubukan ko nang matupad naman natin yung kahilingan ng bata kahit yung sapin man lang sa paa” sagot ni Mang Tarding.

At ‘di nga nagtagal tinanggap na rin ni Mang Tarding ang trabaho sa minahan. Kaya laking tuwa ni Tsi isang umaga nang nakita n’yang mayroong bagay nakabalot sa tabi ng kanyang unan. Nagulat na lang siya sa kanyang pagbubukas nang nakita nya ang isang asul na sapin sa paa. Agad nyang pinasalamatan ang kanyang mga magulang at agad ding isinuot pangpasok sa eskwela.

Sa pagpasok sa eskwela, muli na naman silang nagkasabay ni Nel.

“Aba Tsi! Asensado na rin kayo ha! May sapin ka na rin sa paa” masayang sinabi ni Nel.

“Tama nga sabi mo, malaki nga ang kita sa minahan. Salamat sa Tatay mo ha” sagot ni Tsi.

“Sabi ko sayo e!” Masayang tugon ni Nel.

Bilang Bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay noon ang mabilis na pagtaas ng tubig –isang mabilisang pagbaha.

“Naku Nel! Kailangan na nating magmadali tumataas na ang tubig sa ilog” pangambang sambit ni Tsi. Sa bilis ng agos ng tubig sa Ilog, naging mabilis din ang pangyayari sa dalawang batang magkaibigan. Sa pagmamadali nilang makatawid, biglang nadulas si Nel sa bato sa gilid ng Ilog.

“Tsi, tulungan mo ko!” nagmamakaawang sigaw ni Nel. Hindi naman nagdalawang isip si Tsi para tulungan ang kaibigan nito.

“Hawakan mo kamay ko, kumapit ka lang, huwag kang bibitaw!” wika ni Tsi.

Isa pang rumaragasang tubig ang sumaklob sa magkaibigan upang kapwa sila lamunin ng tubig.

Hindi na sila muling nasilayan matapos ang masamang pangyayaring iyon, maliban sa magkabilang pares na sapin sa paa nila Tsi at Nel.

Ikinalungkot iyon ng buong baryo Bumod-Ok. Lalung-lalo na ang pamilya ni Tsi at Nel. Wala silang ibang masisi kundi ang minahan na naging bunsod ng sakuna. Nawala na kasi ang mga punong sumisipsip ng tubig tuwing umuulan. Nadaragdagan pa ang lupa sa ilalim ng tubig mula sa pagmimina sa taas ng bundok kaya mas lalong bumababaw ang tubig na nagiging sanhi upang maging mabilis ang pagtaas ng tubig sa ilog.

Naging aral iyon sa buong baryo kaya gumawa sila ng paraan upang matigil at maipasara na ang minahan. Nagkaroon naman ng ibang pagkakakitaan ang baryo bukod sa pagtatanim, -ito ang turismo. Bumalik sa dating ganda ang ilog lalung-lalo na ang talon ng Bumod-Ok at dumami ang turista. Naging dahilan ito upang magkaroon ng pondo ang baryo para mabigyan ng mga sapin sa paa ang mga masisipag na batang tulad nila Tsi at Nel –ang mga batang kinuha ng kalikasan nang madulas sa minsang pag-ulan sa baryo.

At ang mga sapin sa paang iyon ay tinawag na Tsinelas (Tsi+Nel+Dulas) bilang pag-alala sa mga batang naging daan para lubos na maunawaan ng mga tao ang delubyong pwedeng maging sanhi ng ‘di responsableng pagmimina.


Ang sulating ito ay mula sa orihinal na katha
/ maikling kuwento ni Otep Zablan