Tag Archives: Monkey Style

ANG SAKIT SA BANGS!



Nagpunta ako sa SM para magpagupit ang David’s Salon kaso sarado. Mabuti na lang at bukas ang katabi nitong Straight Salon, kaya doon na lang ako nagpagupit.


Anong buhok ang sumasabog!? -BANGS!” -korni! Thanks bye. haha

Maagang nagsimula ang araw ko kanina. Medyo sumakit lang ang bangs ko kagabi. Hindi ko kasi alam kung paanong compute ang gagagwin ko sa budget ko ngayong cutoff.

Medyo nag-expect kasi ako sa sasahurin ko! Dahil unexpected nga, medyo maliit ang kinalabasan. Kaltasan nga pala ng SSS, Pag-Ibig at Philhealth. Isama pa yung Gift Certificate ng Mang Inasal na kinuha ko sa opisina ngayon cutoff.

Sumatutal P4,900.00 lang ang sinahod ko malayo sa P5,600.00 na budget ko at sa expectation ko. (yeah mababa pa sa entry level ngayon)

Pagkatapos ko mag jogging sa Roxas Boulevard kanina, dumerecho na agad ako sa SM Manila. Dahil wala pang 10:00 ng umaga sarado pa ito, kaya hinintay ko pa magbukas.

Sabi ko sa sarili ko, ‘para wala ng bangs na sumasakit… ipapaputol ko na lang!’

Nagpunta ako sa SM para magpagupit sa David’s Salon kaso sarado pa. Mabuti na lang at bukas ang katabi nitong Straight Salon, kaya doon na lang ako nagpagupit.

Tinanong ako syempre ng manggugupit kung ano gusto ko. Hindi tulad sa David’s na hindi ka na tatanungin, kasi nga kilala ka na ng hairstylist mo. Ibig sabihin, alam n’ya agad ang gusto mo.

Sabi ko sa bading: “Teh,  hairstylist po ba kayo?” (joke lang walang “teh”) haha

Sabi nya: “Ano bang gusto mo?”

“Gusto ko…. yung maiba lang sa dati kong buhok, yung parang bahala na kayo para maiba” sabi ko.

sumagot siya: (medyo moody) “marami kasing style”

Binigyan n’ya ako ng clear folder na may mga picture model ng gupit.

Bukas-bukas ako ng folder. Sabi ko sa isip ko. ‘kaya nga sa mga kilalang salon ako nagpapagupit para matulungan ako dahil sa hindi ko nga alam ang gagawin ko sa buhok ko’, .. -wala din! parang ako din nag-isip sa sarili ko.

Sinara ko ang clear folder “sige po, bawasan n’yo na lang”

Ayun, wala na ang korean hairstyle ko, ang bawas sa kanila ay clean haircut daw! Sobrang na-dissapointed ako. Pero kahit ganoon, nagagawa ko pa rin talaga magbigay ng tip. -naghirap din naman kasi ang tao sa kapal ng buhok ko.

Kung meron man akong kinatuwa ay nabawasan ng Php 120.00 ang Php 300.00 budget ko sa haircut.

Pumunta agad ako sa SM Supermarket para namili ng mga kailangan ko. At dahil nakatipid nga ako sa pagpapagupit ko, ang 300 budget sa grocery ay naging 400 na. ayos!

Nakapagbayad na rin ako sa Globe Postpaid ko. Pagkauwi ko naman nagpalaba na rin ako. Tinabi ko na rin ang pambayad ng renta sa Boarding House. Nakapag hulog na rin ako sa paluwagan na s’ya namang ‘savings’ ko. At para mapagkasya ko ang kinapos kong budget ngayong cut off, kailangan kong tipirin ang 150 per day allowance ko. Siguro kailangan kong gawing 120 na lang. Haha. May turu-turo naman para sa lunch at Jollibee 39ers sa gabi.

Ang hirap mag budget sobra! Kailangan kong maka-raket sa mga susunod na araw para buhay mayaman na naman ako.

Kailan ko kaya mabibili ang pinapangarap kong sapatos at iba pa?

Haaays… marami pang bangs na sasakit kaya magsipag at mangarap muna tayo!