Maraming buwan na ring akong nakikipagtuos laban sa sakit ko sa isipan. Kung tutuusin nga, parang mas gugustuhin ko pang literal na masugatan kaysa tirahin ang pag-iisip mo o ang pagiging emosyonal. Sobrang hirap pong labanan! Nagkukusa ang mga luha, pilitin ko mang huwag pakawalan.
Halos isang buwan na lang, magtatapos na sa kursong Edukasyon ang mga kapwa ko kamag-aral sa TUP. Sayang! Hindi ako mapapabilang dito. Masyado ko kasing ginalingan! Kaya ayun, isang gabi bigla na lang akong bumulagta! At halos kulang-kulang dalawang taon din na ang nakakalipas, bago ako nagkamalay at maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari sa paligid ko.
Tandang-tanda ko pa ang unang pagkamulat ko noon. Pamilyar ang mga nasa paligid ko, pero hindi ko mabanggit kung sino nga ba ang mga ito. Ganoon din sa mga taong umaalalay sa’kin; kilala ko sila sa paningin, pero hindi ko alam ang kanilang mga pangalan. Walang magawa ang emosyon ko kun’di magkusang lumuha. Litung-lito kung bakit nangyayari itong masamang biro ng pagkakataon
Seizures can cause amnesia because they disrupt brain circuits involved in memory formation and retrieval. This can result in retrograde amnesia (losing recent memories), particularly common in Temporal Lobe Epilepsy (TLE). A specific syndrome called Transient Epileptic Amnesia (TEA) involves recurrent episodes of isolated memory loss, sometimes the sole manifestation of a seizure. Seizures can also cause amnesia as a side effect of certain anti-seizure medications or due to underlying brain damage from epilepsy causes like stroke or injury.
Maraming buwan na ring akong nakikipagtuos laban sa sakit ko sa isipan. Kung tutuusin nga, parang mas gugustuhin ko pang literal na masugatan kaysa tirahin ang pag-iisip mo o ang pagiging emosyonal. Sobrang hirap pong labanan! Nagkukusa ang mga luha, pilitin ko mang huwag pakawalan.
Pasalamat ako sa pamilya ko lalung-lalo na sa Mama ko na kinailangan pang umalis sa pinatatrabahuhan n’ya para maalalayan ako. Ganoon din sa mga kapatid at pamangkin ko na nagpapalit ng mga nababasa kong damit at nadudumihang salawal ko. Ang lakas maka-baldado ng sakit ko! Nakakahiya!
Kulang-kulang dalawang taon din akong tulog o walang malay, kaya noong namulat ako ang dami ko nang pamangkin. Nabago na ang bahay namin at putol na ang mga punong inaakyat ko lang noong kabataan ko .
Nabago ang bahay namin. Ang kwarto ko ay kinailangang buwagin para maging bagong tirahan ng isang bagong pamilya. At ang sala namin ay s’ya namang naging tulugan na rin namin. 2-in-1 ika nga.
Hindi naman sa sumikip ang mundo ko, sadyang naging limitado lang ang bawat galaw o kilos ko. Bawal akong umalis mag-isa! Nauunawaan ko naman ang pag-aalala nila, pero sadyang hindi ko maiwasang mainis. Naitatanong ko tuloy sa sarili; kung hindi ako ngayon magkikilos mag-isa… kailan pa!?
Sobrang lungkot kung tutuusin. Ilang taon na rin kasing hindi ko nakikita ang mga pinaka-malalapit at pinagkakatiwalaan kong tao. Sigurado akong ibang-iba na sila ngayon. Tulad noong pagkakataong nakita ko sa unang pagkakataon ang mga pamangkin ko na naglalakihan na. Sadyang mabilis na tumakbo ang oras para sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang bata-bata ko pa.
Ngayong nalalagpasan ko na ang mga pagsubok ng pagkatao ko. Katulad ng panginginig ng mga braso ko, pagiging malungkutin at iba pang aspeto; Naniniwala akong kaunting panahon pa, makakabalik na uli ako sa mga naumpisahan ko.
Ngayong darating na pasukan, susubukan kong balikan ang naudlot na kursong Technical Education na naiwan ko. Maraming buwan pa ang hihintayin, pero sa panahon ngayon, naniniwala akong sandali na lang ang apat buwan at sigurado akong magaling na magaling na ako nun!
Naniniwala akong may dahilan pa kung bakit binuhay pa ko uli ng Diyos, kahit umay-na-umay na ko sa buhay ko ngayon.
Biniyayaan tayo ng bagong buhay, edi bigyan natin ng bagong kulay! Malungkot man ang kalagayan ko ngayon, naniniwala akong gagantihan din ako ng kaligayahan ng pagkakataon. Labanan natin lahat ng kalungkutan at kabiguan sa pamamagitan ng mga plano at mga bagong pangarap.
Kaya sa mga kapwa ko nakakaranasan ng mga ganitong bagay, hindi kayo nag-iisa. Patunay na kaya pa nating magplano at mangarap. Gasgas man ang kasabihan, pero totoong ‘Habang may buhay, may pag-asa”
Walang paglagyan ang kaligayahan ko noong mga oras na iyon. Napatanong ako sa sarili “May ibang bundok pa kaya akong aakyatin, ganoong naakyat ko na ang pinakamataas?”Para akong nanalo sa isang kompetisyon na naging reward sa sarili ang naging karanasan ko dito. May halong lungkot na parang natapos na angjourneyko sa pag-akyat ng mga bundok. Parang… finish line.
Elevation: 2,954 masl (official) Coordinates: 6°59′15″N 125°16′15″E [1] | Trail: Sta Cruz | Mountain type: Stratovolcano | Listing: Country’s high point Ultra prominent peaks
Sa taas na 10,311 talampakan, itinuturing na pinakamataas na bundok ang Apo. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Davao del Sur, isla ng Mindanao.
Dahil sa taas na katangian nito, kinakailangang mong maging physically at mentally fit bago umakyat dito. Isa sa mga iminumungkahing paghahanda ay ang pagka-cardio o pagja-jogging araw-araw dalawang linggo bago ang pagsuong dito. Syempre mas mainam kung may ibang mga bundok ka munang naakyat bago ang Apo.
Bukod sa paghahandang pisikalan, kinakailangan mo din syempreng paghandaan ang budget o gastusin para sa paglalakbay na ‘to. Sa halagang P5,500 na all-in package (maliban sa airfare-balikan mula sa Maynila) puwede ka nang makarating dito. Mahal man s’ya kung tutuusin, wala namang katumbas na halaga ang pakiramdam na makatungtong sa tuktok nito. Sa kabuuang budget, hindi bababa sa P10,000 ang nagastos ko. Kaya mas mabuting makakuha ka muna ng murang airfare promo para maka menus.
DAY 0
Sa Davao International Airport na kami nagkita-kita ng mga kasama ko. Labing isa kami sa grupo. Tatlo sa kanila ay nakasama ko na sa Mt Pulag (pangatlo sa pinaka-mataas). Dahil nga sa 11 kami, siguradong hindi bababa sa apat na taxi ang kakailanganin papunta sa tutuluyan namin. Mabuti na lang may mga van sa airport na nag o-offer ng service sa halagang P500.00. Nakatipid kami kung tutuusin, nagkasabay-sabay pa kami.
Sa unang gabi namin sa Davao, tumuloy kami sa Green Windows Dormitel. Sa totoo lang, wala akong ideya sa tutuluyan namin. Akala ko transient house lang sya kaya sobrang natuwa ako nang sa isang mataas na gusali pala kami sa Davao magpapalipas ng gabi. May 8 double deckers ang isang kuwarto na kakasya ang 16 na katao. Nakuha namin iyon sa humigit kumulang P3,000 lang.
DAY 1
Ala-5:00 ng umaga ang call time namin. Sa Dormitel na kami sinundo ng aming mga guide.
Mula sa tinuluyan namin, dalawang oras pa ang byahe sakay ng dalawang van papunta sa Lungsod Digos, Barangay Kapatagan. Doon na kami nag-agahan, bumili ng baon para sa tanghalian, nag-ayos pa ng ilang gamit at nag-orientation.
Kapatagan Public Market
Nagawa pa naming magpabawas at magpaiwan ng mga gamit. Katulad ng mga damit at iba pa na gagamitin sa sidetrip sa Samal Islands.
Alas-9:30 na nang magsimula ang 30-minute travel time papuntang jumpoff ng Sta Cruz trail sakay ng 4×4 truck.
Noong una, hindi ako makapaniwalang doon kami sasakay. Akala ko sa mga gamit lang. Labing lima kaming nagsiksikan doon kasama pa ang aming mga dala. Sumabit na nga lang ang mga guide.
Sardinas mode.
Wala pa man sa totoong adventure, pero maituturing mo na talaga itong isang makalaglag-pusong adventure. Masakit sa balat ang init ng araw. Nakakatakot ang matatarik na paakyat-babang mga daan. Marami namang sementado pero marami pa ring lupang lubak-lubak at mababato. Masakit sa puwet ang maupo sa sahig ng truck. Nakaka manhid pa ng mga paa ang maipit nang mga kapwa mo nakasampa. Kung tutuusin mas gugustuhin mo na lang maglakad sana. Pero sabi ko nga, “Ginusto ko to e!” Hahaha Astig yun! 😛
Saganang akin, hindi naman ganun kaganda ang Mt. Apo sa unang tanaw. Para lang syang ordinaryong bundok na kakikitaan mo ng kalbo at mabatong bahagi sa itaas nito. Kung titignan nga, para lang syang abot-kamay sa lapit, na parang…. wala lang! Gugustuhin mo lang s’yang akyatin kasi s’ya ang pinaka mataas dito. Parang pang day-hike nga lang. lol 😛 Pero tatlong araw at dalawang gabi pala kayo mananalagi dito hanggang makumpleto n’yo ang paglalakbay. Pero lahat ng pananaw kong iyon nabago nang maranasan ko ito:
JUMPOFF
Jumpoff
Sa nag-iisa at natatanging tubig na nadaanan namin sa jumpoff, nakakatawang hirap na hirap na agad akong tawirin ito. Mahirap ng ma out of balance at mabasa ang sapatos ko! nagsisimula palang kaya kami!
Medyo paahon agad ang jumpoff. Para s’yang isang mataas na burol na pinahaba ang trail para hindi s’ya ganoon kahirap akyatin. Sa taas noon ay mayroong munting pamayanan.
Sa mga sitwasyong halos tabunan ka ng alikabok, mas okay maging #TeamDulo.
Maalikabok ang trail. Literal na kumain kami ng alikabok! Marahil bibihirang makatikim ang ulan ng Mindanao sa mga panahong ito.
Matapos ang 45 minuto. Narating namin ang Sitio Cunan. Ito yung tinutukoy kong pamayanan sa tuktok matapos ang jumpoff. Dito kami unang nagpahinga. Halos 30 minuto din siguro kaming nanalagi dito.
Munting Paaralan ng Culan.
Magtatanghali na nang marating namin ang Sitio Tumpis. Mula dito ayon sa signage ay 10.07 kilometro pa ang layo namin sa summit. Dito naman namin kinain ang nabili naming tanghalian sa Kapatagan. Dito na rin ang unang water source, ang susunod na water source ay sa Campsite 1 pa. At dito na rin pala nawala ang cellphone ng kasama naming sir Ronnel.#PicturePaMore! Lol. 😛
Tinuloy-tuloy na rin namin ang paglalakad matapos mag tanghalian papuntang (pinaka) paanan ng bundok. Mga bukid ang dinaanan namin na pawang mga Carrots ang nakatanim. Isang malupit na ahon ang ginawa namin matapos nun.
Dito ko nauunawaan kung bakit itinatanim o itinatali ang mga orchids sa mga sanga ng puno, sa mga bakuran natin. Ganoon pala ang natural habitat ng mga orchids sa bundok. kewl.
Matapos makalabas sa gubat, tila isang kapatagan ang bumulaga sa amin. Dito ang best view ng Apo para sakin. Pagkatapos ng maalikabok na jumpoff at paahon na bundok, matataas na damo naman ang sinuong namin. Napapabulong na nga lang ako. “Buti pa tong mga damo matatangkad” lol. 😛
Ferns everywhere! Best part of the trail.
Literal na hawi ang gagawin mo sa mga damo para makita mo ang trail. Natatangi ito sa mga nasuong ko nang bundok.
Hawi pa more!!
Sakaling malagpasan mo na ang matataas na damo, Isang gubat muli ang papasukan nyo. Dito na ang tipikal na trail sa loob ng bundok. Hindi mo alam kung magpapasalamat ka dahil nakatakas ka na sa init ng araw at alikabok, o isusumpa mo na ito dahil sa mga paahong parte.
Halos isang oras din ata ang puro paahon.
THIS WAY.
Hindi naman nakakaligaw ang trail dahil tadtad ito ng dilaw na ribbon bilang marking o palatandaan, susundan mo na lang. Mababakas pa rin dito ang arrowmarking na gawa sa yero/lata na niluma na rin ng panahon.
ohhhh Woaaaahh!! Tarzan mode.
Jungle na jungle kung ilalarawan ko ang gubat, ito na siguro yung sinasabi nilang pwede ka na maglambitin sa mga baging mala-Tarzan. Pero hindi ko ginawa mahirap na. 😀
Hindi nawawalan ng bulaklak sa paligid ang Apo.
Ito pa.
Ito pa.
Inabot kami ng halos 6 na oras bago kami makarating sa Tinikaran Campsite 1. Apat na oras dito ang sa loob ng kagubatan. Laking panghihinayang ko nga dahil hindi ko dinala ang hammock ko. Ayos na ayos pa naman sana itong paglagyan dahil mapuno dito. Sobrang lamig nga lang.
Tinikaran Campsite 1: Sobrang okay mag Hammock sana dito.
Kasama sa package namin ang tent at mga sleeping bags. Pero hindi ko naisip na kasama din pala sa package ang pagtatayo nila dito. Kewl. Kumbaga sa hotel, matutulog ka na lang sir!
Pangdalawahan at Pangtatluhang tao ang provided na tent sa amin.
Sa Campsite 1 ang huling water source hanggang makarating ng summit (kaya tipid-tipid din). Hindi ganun kaaya-aya ang water source. Isa lang syang bukal sa ilalim ng malaking bato, na may mga gumagalaw pang insekto sa ilalim. Sakaling kawkawin mo nga, lalabo agad ito. Wala namang sumakit na tiyan sa amin. Sa katunayan, yun din ang ginamit sa pang saing.
Nag-iisang water source sa Campsite 1.
Sa mga maselan ang tiyan, mabuting magdala ng sapat na tubig-inumin.
Nakakalungkot nga lang, sobrang kalat ng lugar. Mga lata, bote, plastik pati dumi ng tao na hindi man ibinaon sa lupa. Kung hindi ko nga nalamang may clean-up drive naman twice a year ikalulungkot mo talaga ng husto yun.
Kinagabihan, masarap na Sinigang na Baboy ang kinain namin. Pop na Pop sakin yun!
Sa kaunting social habang kumakain at paglalaro ng baraha, natapos ang unang araw at gabi namin sa puso ng Bundok Apo.
DAY 2
Mag-aalas-singko na nang magising ako. May mga liwanag na mula sa headlight ang uma-anino sa loob ng tent namin.
Gising na ang ilan para maghanda ng agahan at paghandaan na rin para ang assault papunta sa summit. Hindi maganda ang panahon pero umaasa ang lahat sa sunrise.
Napakalamig na umaga. Tila mga namumuong yelo ang mga hamog sa halaman, kumikinang ito kapag natatamaan ng liwanag tulad ng mga dyamante. Nakakangatog pa rin talaga ang lamig.
Alas-singko-y-medya na nang magsimula kaming umakyat papuntang summit. Nakaka-panabik!
Sunrise Baby!
Hindi tulad sa mga trail na dinaanan namin kahapon, tipikan na trail na ang sinusuong namin ngayon. Medyo patarik s’ya pero mas ‘di hamak na madali na ito ngayon. Maulap pa rin ang kapaligiran pero parang wala na sa akin kung ano ang madadatnan ko doon. Ang importe maakyat ko ang pinakamataas ng bundok sa bansa. Marating ko ang pangarap ko. Maging proud sa sarili ko.., na nakaya ko!
Sa tuktok ng Pilipinas
Isang minuto bago ang ganap na ala sais, ika-2 na February, 2016, Narating ko ang bubong ng Pilipinas. Mabuti na lang sandaling nagpakita ang araw, pero napaka lakas talaga ng hangin na aabot daw ng 45 knots. Makikita mo ang hangin na umaalon sa mga halaman dito.
Walang paglagyan ang kaligayahan ko. Napatanong ako sa sarili “May ibang bundok pa kaya akong aakyatin, ganoong naakyat ko na ang pinakamataas?”Para akong nanalo sa isang kompetisyon na naging reward sa sarili ang naging karanasan ko dito. May halong lungkot na parang natapos na ang journey ko sa pag-akyat ng mga bundok. Parang… finish line.
Hindi ko maintindihan pero minsan nakakalungkot din pala kapag may natutupad kang pangarap sa sarili. Para kang nag-unlocked lang ng pinto tapos pagpasok mo lumabas ka din agad.
Doon ko nasabi na dapat pala marami kang dalang susi sa mga pintong gusto mo pang pasukin. Yung mga bagay na magpapa-excite pa sayo lalo para mas lalo kang kaganahan sa buhay.
Kaya huwag kang lang matatapos sa iisang finish line dapat lagpasan mo pa yun. Kung may nais ka pang akyatin sa buhay mo, huwag mong kalimutang isama sa mga dalahin mo ang maraming plano — mga kagustuhan mo, ang emosyon mo at ang pagkatao mo. Huwag mong hayaang mamatay diwa mo sa isang pagkakataon lang. Sabi nga nila, kung kaya mong umakyat mas kaya mong bumaba. Kaya kung may iiwanan ka man, wag ang sarili mo. Siguradahin mong bakas lang ng iyong talampakan!
Nitong Mahal na araw, nagulantang ang lahat (lalo na ang mga kilala kong mountaineers na naghahanda sa pag-akyat) sa balitang nasusunog ang Mt. Apo. Nagsimula daw ito sa Campsite 3 kung saan, minsan ko nang nasabi na iyon na ang pinakamagandang campsite na narating ko. Hindi tiyak ang pinagmulan ng sunog kung ito ba ay dahil sa kapapabayaan o sa nararanasang labis na init bunga El Niño.
Marami tuloy ang hindi na muna makakaakyat dahil kailangan muna itong isara. Sinasabing baka abutin pa ng tatlo hanggang limang taon ang rehabilitasyon dito.
Nakakahinayang talaga ang mga nangyari. Hindi ko maipinta sa isip ko kung ano na ang kinahinatnan ng mga noo’y nagpabusog sa mga mata ko.
Ang pangarap talaga minsan may kasamang swerte. Napaka-palad ko at isa ako sa mga huling naka-akyat dito bago nangyari ang bangungot sa Mt Apo.
Dito ko nasabi na kung may pagkakataon ka naman para maabot ang mga pangarap mo, bakit mo pa ipagpapabukas. Kailan…? kung wala na?
Kung totoo man na bunga iyon ng kapabayan lalo na’t peak season noong nangyari iyon. Maging aral sana sa lahat ang naging epekto ng sunog na iyon. Bukod sa nasira ang sagradong lugar ng Apo, sigurado akong maraming nawalan ang kabuhayan partikular na sa mga guide at sa nakapalibot na pamayanan dito.
Sana matutununan ng lahat kahit ang basic rules man lang lalung-lalo na ang hindi pagkakalat at ang pag-iwas sa paninigarilyo o ang tapon ng upos nito.
Sana maunawan ng bawat isa na hindi lang ikaw ang mabubuhay sa mundo. Marami pang susunod sa yapak mo na deserve din namang makita ang mga orihinal na nakita mo.
Kung pangarap mong maranasan ang narasan din ng iba tulad ng pag-akyat dito. Pangarapin mo din na makita ito ng iba.
Isang minuto bago ang ganap na ala sais, ika-2 na February, 2016, Narating ko ang bubong ng Pilipinas. Mabuti na lang sandaling nagpakita ang araw, pero napaka lakas talaga ng hangin na aabot daw ng 45 knots. Makikita mo ang hangin na umaalon sa mga halaman dito.
Kung pangarap mong maranasan ang narasan din ng iba tulad ng pag-akyat dito. Pangarapin mo din na makita ito ng iba. Matuto tayong rumespeto. Galangin ang inang kalikasan tulad din ng paggalang mo sa mga magulang mo.
ANG INIT! Sinong nagsasabing panget na magkape kapag mainit na ang panahon? Nitong weekend -wala na naman akong magawa (as usual) kaya nagpunta ako sa Mega Mall para maghanap ng anik anik na mabibili, makapag relax at maglibang na rin. Sakto namang naalala ko yung coffee shop na… na-research ko dati sa internet tungkol sa mga kapihan dito sa Pilipinas bukod sa Starbucks.
Ipinanganak akong katoliko at bininyagan sa simbahang katolika. Naging palasimba din ako noong ako’y nasa elementarya at mas nakakatuwang malaman na ilang taon din akong naging isa sa mang-aawit sa misa.
Mga nakayapak na tao. Pawang mga nakasuot na kulay maroon at dilaw na damit. May mga nakaimprintang di umano’y mukha ni Hesu-Kristo. Piyesta pala ng araw ng Itim na Nazareno sa Quiapo.
Taun-taon na lang dinudumog ng libu-libong deboto ang nasabing kapistahan. Taun-taon ding nababalita na may nasasaktan o minsa’y may namamatay pa sa ating mga kababayan.
Nakakamangha kung ating pagmamasdan dahil sa kabila ng maaring piligro, magagawa pa rin nilang makipagsapalaran. Marahil ito na ang tinatawag na -matibay na pananampalataya.
Siguro masasabi rin na’ting pangarap ng bawat deboto na makahawak sa lubid na humihila sa karosa ng Itim na Nazareno. Mas lalo na siguro ang makaakyat sa mismong karosa nito.
Ipinanganak akong katoliko at bininyagan sa simbahang katolika. Naging palasimba din ako noong ako’y nasa elementarya at mas nakakatuwang malaman na ilang taon din akong naging isa sa mang-aawit sa misa.
Pero sabi nga nila, hindi na’tin alam ang hinaharap. Marami pa ang mga maaaring mangyari sa mga paniniwala, sa mga desisyon at sa bawat pananaw.
Hayagan kong sinasabi dito na sa ngayon ay wala na akong tinitingalang relihiyon. Bagaman ang pagiging romano katoliko ay ginagamit ko sa aking pagkakakilanlan sa tuwing tatanungin ako kung ano ang aking relihiyon.
Simple lang naman ang aking paliwanag dito, kinakapa ko pa ang tunay na papaniwalaan ko. Ang mahalaga, may pinaniniwalaan ako at may takot sa Diyos.
Isa ‘di umano sa walang kamatayang debate ng mga tao ay ang debate ukol sa relihiyon. At isa marahil sa pinaka-hindi ko malilimutang debate ay ang naganap noong nasa ikatlong- taon ako sa ma’tas na paaralang Cayetano Arellano.
Dahil umiiral noon ang haircut policy sa aming butihing paaralan, nakakainis talagang isipin na bakit kailangan pang paiksiin ng husto ang mga buhok naming kalalakihan. Hindi naman buhok ang tinuturuan! Kaya naman may mga salitang kahit hindi dapat sabihin ay nabibigkas ng iilan.
Student 1:Ano ba ‘yan kung si Jesus nga mahaba ang buhok, at n’ung mga panahong iyo hindi sila nagpapagupit bakit ngayon bawal?.
Student 2:Bakit si Jesus ka ba? BAKLA!
Classroom:Nyahahahahaha!
Sa classroom naman hindi talaga maiwasan ang daldalan kaya ang simpleng katuwaan humahantong sa malaking bangayan.
Student 3:Bakit kayong mga IGLESIA lagi kayong nakikipag bangayan sa mga Dating Daan?
Student 4:Paano laging nagmumura..
Ako : (umepal) Sabi naman daw kasi nila hindi naman daw maituturing na mura ang salitang “GAGO” maituturing lang daw iyon na isang salita na naghahatid ng matinding pagkainis sa tao… (hindi ‘yan yung actual na sinabi ko,pero parang ganyan) lols. …ang tunay na mura yung P.I.
Student 5:kahit na mura pa rin yun
Ako: (wala akong masabi kaya parang sinasabi ko nalang sasarili na WATEBER) haha
Student 3: Tapos sinasabi pang si Manalo daw ang SUGO!
Student 6: (umepal din) Oo nga, sige nga kung si Manalo ang SUGO bakit hindi n’ya nailigtas ang puno ng MULAWIN? (Noong mga panahon kasing yun, namamayagpag pa sa telebisyon ang telepantasya ni Richard Gutierrez at Angel Locsin)
Classroom:Ha! ha! Ha! Ha!
Napapansin na rin pala ng Mama ko na hindi na talaga ako nagsisimba at napapag usapan na rin namin ang ukol sa Relihiyon.
Mama:Alam mo kung ano ang pinagmulatan mo doon ka.
Ako:E kasi bakit ba kailangan nilang sambahin yung mga Santo-santuhan (mga rebulto)
Mama:Hindi naman yun sinasamba, simbolo lang ‘yun para mag karoon ng ideya ang mga tao kung ano ang itsura n’ya.
Ako:E bakit kailan pang luhuran at punasan. (sa isip ko adik!?) mamaya magkasakit ka sa kakapunas ng mga bimpo at panyong galing sabunganga ng iba.
Sa huli, hindi n’ya na rin ako inaaya pang magsimba (Nagsawa na sa debate na’min).
Totoo namang ang usapang relihiyon ay ang usaping walang katapusan, at gaya ng nasasabi nila at ng aking pananaw ‘Kanya-kanyang paniniwala lang yan’ wala na lang sanang pilitan. Naniniwala akong ang paniniwala ng isang tao ay dapat na lubusang iginagalang sa ganoon umiral ang kapayapan. Amen.