TULAY NG NAGTAHAN
Posted in Si Istik sa kanyang bayan with tags Ilog Pasig, Ilog Pasig Pasiglahin, MalacaÑang, Nagtahan Bridge, Pasig Park Side on Nobyembre 26, 2011 by batangistik
Tulay sa ibabaw ng Ilog Pasig
Araw-araw sa madaling araw sa paglabas palang ng bahay ni Batang Istik ang masarap na simoy ng hangin mula sa ilog pasig (oo malinis na ang ilog pasig) ang bubungad sa iyo.
Doon matatanaw mo na rin ang magagandang ilaw sa itaas ng Tulay ng Nagatahan.
Ang Sarap pagmasdan, nakadarama ka ng saglit na kapayapaan. At mapapansin na malaki na ang pinagbago ng Ilog Pasig kumpara noon. Sana magtuloy-tuloy na ang pagiging masigla ng Ilog Pasig, kasabay ng masasayang taong nagdadaan sa itaas ng tulay ng Nagtahan 🙂
ANG MAKATI SA SKYWAY
Posted in Picture Picture, Uncategorized with tags Makati, Makati sa Taas ng Skyway, New Skyway, Skyline ng Makati, Skyway Extension, Skyway to Alabang, Skyway to Manila on Nobyembre 24, 2011 by batangistikHalos 12 beses sa loob ng isang linggo ang nilalakbay ni Batang Istik sa kaitaas ng Skyway -balikan.
KEYK
Posted in 'Di Malilimutan, Kuwentong Kaibigan with tags Ang batang istik, black forest Cake, Magandang Gift sa Birthday, Paano kumatay ng Manok?, PhotoBlog, Pinaka Masarap na flavor ng cake, SM Bakeshop on Nobyembre 22, 2011 by batangistikFirst time ko magpost ng ganito, sa totoo lang naiinggit lang ako sa isang kaibigan na laging nakaka update ng blog kaya susubukan ko muna mag photoblog (wag nyo ko susumbong ha). Ayaw ko namang gawin to sa major blog ko kasi hindi bagay.
Kaka bortdey lang ni Istik nitong nakaraan. Kaya maswerteng may nakapagbigay sakin ng keyk. Salamat.
Nagbalik tanaw lang ako nung kabataan ko, never pa kasi ako napaghanda ng pamilya ko. Naaalala ko lang nung minsang nag bortdey ako tapos wala kaming panghanda (ay mali) wala pala kaming pang ulam. Ginawa ng Tatay Istik ko kinatay nya yung manok na lagi kong hinahawakan sa umaga.. ayun mangiyak ngiyak ako kasi yun daw yung handa ko.
Kailangan talagang pumatay para may panghanda? haha
Isa yun sa pinaka sad na bortdey ni Istik.
SAYO NA LANG SANA
Posted in Ka-istikan with tags Katulad din ba ito sa pagkakataong baka mawala ang bagay na pinagkakaingat-ingatan mo?, Nakakatakot bang masanay sa ilang bagay na alam mong magiging masaya ka?, Nakakatakot din ba ang mga sandaling pumasok ka sa isang kahon at alam mong hindi ka na makalalabas dito? on Hunyo 10, 2011 by batangistikWow mga kaistikan! 6 months na pala ang huling post ko dito, at 6 months na ring walang gustong umampon sakin.
Yep! yep! yep! pinamimigay ko na po itong site na ‘to ang kaso walang gustong tumanggap.
Hindi ko alam kung dahil sa luklukan ba ito ng panget at walang kakuwenta-kwenta? o dahil nanghihinyang lang sila na mabago ang istilo ng mga nailalahad dito ni Istik.
Mas nakakahinayang naman dito kung hindi na ito mapakinabangan di ba?
Mula noong matapos ang pasko at pumasok ang taon, pinilit na ni Istik na maging masaya.
Hmm.. masaya naman sya ngayon, medyo natatakot lang sa mga panahong hindi nya naiintindihan ang ilang tanong at pagkakataon.
Andito ka nga, nandirito sya, nandito tayo.. pero marahirap tantyahin ang mga sitwasyon hindi mo maisplika kung ano ba ang tunay na isinasabuhay nito.
Nakakatakot bang masanay sa ilang bagay na alam mong magiging masaya ka?
Nakakatakot din ba ang mga sandaling pumasok ka sa isang kahon at alam mong hindi ka na makalalabas dito?
Katulad din ba ito sa pagkakataong baka mawala ang bagay na pinagkakaingat-ingatan mo?
O sadyang natatakot ka lang maulit ang mga bagay na kinakatakutan mo?
Mahirap maramdaman ang mga bagay na ibinibigay o ipinagkakaloob subalit may pagkakataong hindi mo maturan kung anong ningning meron dito katulad sa isang dyamanteng may kislap.
Nakakapraning ang mga simpleng mensahe na kakaunti subalit may laman… (e praning nga e!)
Baliw baliwan na ngang maituturing ang mga bagay na paulit-ulit na naglalabas-masok sa aking isipan.
Ang nais ko lang naman, alagaan nawa itong bahagi ng katawang lumilikha ng tunog na sumasambit ng iyong pangalan.
PASKONG ISTIK
Posted in Ka-istikan, Pag-ibig ni Istik with tags Bagong Taon, Chocolate, Karas, Tsokolate, Xmas on Disyembre 26, 2010 by batangistikCHOKOLATE:
Gusto kong umpisahan ang kuwentong ito sa isang tsokolate. Nitong nakaraan umatend ako sa Xmas Party ng mga kaibigan at syempre dahil nandun si Karas kailangan akong makapunta. Buong gabi ko yatang tinitigan yun, kaso hindi man lang ako pinansin. So gumawa ako ng paraan para magpapansin: tamang-tama naman at mayroon akong chocolate sa bulsa siguro apat yun, kaso mahahalata naman ako kung siya lang bibigyan ko so para hindi naman ako obvious binigyan ko din yung katabi nya.
Sobra akong happy kasi napansin nya din ako kahit papaano. hoho
Kaso nung medyo tumagal na tinawag nya ko “Istik, istik! hawakan mo muna (yung chocolate) kuhain ko na lang sayo mamaya. Tuwa naman ako, kasi pinansin nya ako uli.
Kaso hanggang makauwi na kami, nakalimutan niya nang kuhain.
INDI NA NAMAN SI ISTIK
Posted in Ka-istikan, Tungkol Istik with tags Boarding House, Dorm, FEU, Inang Istik, Indipendent, Morayta, Sto. Tomas, University Belt on Disyembre 10, 2010 by batangistikSa loob ng kulang-kulang dalawang buwan, naging senaryo na ni Batang Istik ang gumugol ng dalawa hanggang tatlong oras na biyahe (papunta o pabalik palang yun) sa cavite. Bukod sa aksaya na sa oras, tila nagtatapon din si Istik ng humigit kumulang P 170 sa pamasahe na dapat ay ginagasta na lang sa pagpapataba ng buto nito.
Kaya naman upang matigil na ang kabuangang ito.. mananatili na lang ako muli sa Maynila, pero hindi sa una ko nang tinuluyan kundi sa bago ko nang tahanan.
ALAMAT NG SARANGGOLA: ANG BATANG ISTIK
Posted in Lahok ni Istik with tags Alamat ng Saranggola, Ang Alamat ng Saranggola, Ang batang istik, Bernard Umali, Saranggola, Saranggola blog awards 2 on Oktubre 15, 2010 by batangistikDOWNLOAD WORD FILE: CLICK HERE
Sa dulong bahagi ng Pilipinas may isang bayan kung saan bibihira lang ang pamilyang nagugutom. Bukod kasi sa masisipag ang mga magulang ng mga batang masisiglang naglalaro, samu’t sari din kasi ang mga tumutubong pagkain dito, na s’ya ring pangunahing ikinabubuhay ng mga tao.
Si Pepe (may katabaan), kilala sa pangunguna sa nag-iisang paaralan sa kanilang baryo. Si Jose (matangkad ng kaunti kay Pepe), kilala naman sa pagiging lider ng mga bata. At si Istik isang patpating bata. Hindi sya normal sa paningin ng iba dahil meron syang kapansanan mula sa pagkakaroon nya noon ng Polio.
Mga TAKSI-L sa Lansangan
Posted in 'Di Malilimutan, Galit na Istik with tags mga karanasan sa taxi, mga nagpapadagdag na taxi, Mga Taxi sa lansangan, taksil on Oktubre 6, 2010 by batangistikNamiss muli ni Istik ang pagbablog, kakagaling lang kasi nito sa sakit.
Sa awa naman ng Diyos ay magaling na at kinukumpleto na lang ang paginom ng mga gamot.
Salamat na nga lang at hindi dengue ang sakit ko, dahil pag nagkataon, hindi ko alam kung saan na ako pupulutin.
Gusto ko lang ikuwento yung nangyari sakin yung gabing binabagaan ako ng lagnat.
Sinong namimiss mo doon?
Posted in Ka-istikan with tags Bestfriend ni Istik, kaibigan, Naghahanap ng kaibigan si Istik. on Setyembre 24, 2010 by batangistikLahat tayo ay may maituturing na bestfriend, kahit nga aso puwede nating ituring ng ganito. Pero paano kung ang tinuturing nating pinakamatalik na kaibigan ay matagal ng nawalay sayo?
Syempre meron din ako nito napakarami nga nila. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ni-isa sa kanila ay wala akong makita sa personal ngayon.









