Oo! Jologs na kung jologs! Pero walang pakialaman… “I LOVE BETTY LA FEA” hahahah!!!
Naku, super naloloka na ako kay Armando, haaaay. Kaya naman after work, diretso na ng uwi ng bahay, mag dinner, mag shower, sandaling makipaglaro sa aking pamangkin/makipag usap sa aking hipag at kapatid. At go na sa harap ng laptop para mapanood si Betty. Ayyy… ang sarap ma-inlab.
Siyempre pa, never ding kinakalimutan ang panonood ng Bleach. Ang superhero ng buhay ko, si Ichigo!!! Matapos pagtiyagaang panoorin ang orihinal na bersyon nito tuwing araw ng Martes, panonoorin namang muli ang may English subtitle tuwing Miyerkules.
Wala lang, ganyan lang ang buhay… piliing maging masaya sa mga mumunting bagay. Malungkot na nga ang maging malayo, gagawin pa bang kumplikado, di bah?!
Tapos ngayon, naloloko na naman ako sa Spider Solitaire at balik Sudoku na naman. At diario sa Metro, tuwina’y kinokolekta ko sa umaga. Target ko ng matapos ang unang sudoku bago bumaba ng tren sa Cote Ste. Catherine at ang ikalawa ay bago makarating sa bahay ng aking employer. Alinman sa dalawa ang di ko matapos ay akin namang babalikan sa pagbiyahe ko pauwi. Then pag uwi ng bahay, habang nanood kay Betty… or nakikipag chat, nagsasagot pa din ng Sudoku… haaay naku.. adiktus na naman si ako!
Yan ang dahilan kung bakit di ako makapaglathala ng matinong blog. Kahit pa habang nagtatrabaho ako… may naiisip akong paksa… pagkaharap ko na ang computer… wala na… busy na ang aking mga daliri at mata sa iba pang bagay bagay. At ngayon nga ay antok na…
Good night! 😀
