Sa aandap-andap na liwanag
Ikaw ay sumubok na pumisan
Pusong hukot; nanlalamig
Dito ay umaamot ng konting init
Isipan ay tuwinang naglalakbay
Pilit tinatawid lawak ng karagatan
Tanging hangarin ay mapadpad
Sa dako pa roong siyang sinilangan
Tagumpay na minimithi at di pa abot
Sa pagkakabitin tali ay di pa gapok
Taong lumipas di nakapawi ng kirot
Tadhana nga bang maging malungkot
