I wrote something after quite some time. Its entitled ‘i’ve committed a taboo’… but great! Just great! I lost it!.. Kakabad trip… waaah!!! Bakit kasi di muna naggawa ng draft eh. FCUK!!!
it’s been a while
May 25, 2009 at 3:20 pm (dramatik, Personal)
it’s been a while since i last visited this blog. it’s been a while that i let myself be occupied with my surroundings. trying to be very busy that i almost drop to bed as i got home. yet still, regardless of tiredness from work and other activities my mind keep on wondering back home.
“ano ba? tiis ka lang, ilang buwan na lang eh. kaya mo yan!”
“uuyyy, ano ka ba, buti nga wala kang alagang bata.”
“tiis lang ba.”
but then, i am on the end of the rope. (feels like) seems like no more patience was left into me. or maybe, this is just one of those days…
January 12, 2009 at 5:08 pm (dramatik, once in a caregiver's life)
When it rain, it pours… and I’m drowning…
But hey! It’s snowing… so it’s a snowstorm,
And I’m covered all over, urgh!
Ka-bad trip… kaka-upset, eto na naman ang mood kong magulo. Tila bang lahat na lang big deal ngayong panahong ito.
Sobrang miss na miss ko na naman ang Pinas, ang magulang ko at ang buhay na iniwan ko. Ang buhay na kinasanayan. Unti-unti na naman akong nakararamdam ng pagkapagal sa aking ginagawa. Sinasawaan ko na naman ang pang araw-araw kong aktibidad. Nais ko nang sumuko!!!
Kundangan kasi at ayaw pumatak ng suwail kong luha, upang kahit papaano ay lumuwag ang aking dibdib. Upang kahit konti ay maibsan ang bigat na dinadala ng aking dibdib. Bakit nga ba kay dali kong tawanan ang lahat, na wari bang ito’y simple lang. Subalit sa kabila ng malutong na halakhak o ng mabining ngiti, sa kaibuturan ng aking dibdib ay nakasiksik ang pait, ang dusa. Isang uri ng pait na lumalamon sa aking katinuan, na nagpapagupo sa aking katawan, na humihila sa aking karimlan.
Paumanhin, subalit kailangan ko lamang ilabas ang mga ito. Sa bawat salitang nalilimbag sa lathalaing ito ay tila ba mumunting aspileng napapalis sa aking dibdib.
Ang hirap mag isa. Ang hirap ng walang kasama. Ang hirap ng walang nakaiintindi at nakakaunawa. Ang hirap maging matatag. Subalit ano pa nga bang magagawa, sa kabila ng hinagpis at dusa ay kinakailangang magtiis. Huwag hayaang magwagi ang kaisipang may pait.
Argh!!! Ewan ko ba!
Happy New Year!
January 4, 2009 at 1:50 pm (dramatik, Kwento-kwento lang)
New Year, new challenges we have to face. Seems similar at times but we have to work hard in each day to survive.
We have different struggles to face as we venture on our everyday journey. There could be times that we jump with glee or feel like floating but there could also be times that we succumb to darkness and obscurity. As we fall in the pit of blackness or leap with joy and ecstasy. Always remember we have friends and loved ones who are always with us supporting and guiding us in this journey. And most of all we have God who knows and see our true worth above anyone else.
To all of you who had been a good friend of mine in this world known as blogosphere. Thank you for the past year we shared. And looking forward for a more exciting year for all of us. La Bonne Anne!!!
Caregiver
December 20, 2008 at 9:38 pm (dramatik, Kwento-kwento lang, once in a caregiver's life, Pelikulang napanood)
Napanood ko ang Caregiver movie ni Ms. Sharon Cuneta a couple of months ago… and no, hindi sa big screen kundi sa uploaded movie sa internet. Actually, si kuya ang nakahanap ng movie na un… medyo malabo ang kopya pero ok na din… so far, naintindihan naman ang kabuuan ng kuwento.
Reaksyon?! Hindi ko alam… magkaibang magkatugma ang opinyon namin ni utol. Nakaramdam ako ng sama ng loob dahil sa katapusan nasira ang pamilya ng pangunahing tauhan dahil pinili ng kanyang asawa na bumalik ng bansa. Wari ba ay nakaramdam ako ng galit sa aking dibdib dahil sa pangyayaring ito. Na dahil lang nakaalis ng bansa at nakatikim ng buhay sa bansang banyaga ay di na ninais pang bumalik sa bansang pinagmulan at ipinagpalit ang pamilya. Subalit kapag iniisip ko naman ang katayuan ng pangunahing tauhan bilang babae, ang kanyang personalidad na tuluyang maglalaho kung susunod siya sa kanyang asawang may maling prinsipyo. Na inayawan ang trabaho dahil di makuha ang gusto. Sabi ko naman sa aking sarili ay buti nga sa iyo, marapat nga lang na iwan ka ng iyong asawa.
Sa puntong iyon di kami nagkasundo ni utol. Dahil para sa kanya, dapat pa ding sumunod ang babae sa lalaki, dahil mag-asawa sila. Paumanhin sa masasagasaan ng aking opinyon… sapagkat old school para sa akin ang susunod na lang palagi ang babae sa kagustuhan ng kanyang asawa. Dahil kung magkakagayon, mawawalan na ng sariling identidad ang isang babae. Ano ba yun? Matapos niyang i-give-up ang kanyang career bilang guro para lamang sumunod sa kanyang asawa at maging caregiver… muli siyang pababalikin ng bansa, kung kailan natutuhan na niyang lunukin ang hirap ng pagiging isang caregiver? Tama lang naman sigurong minsan na niyang sinunod ang kagustuhan ng kanyang asawa di ba?
Haaayyyy… opinion are clashing in my mind… ewan ko ba?
You see, I thought this movie will have a great impact in my life. For those who don’t know, I am a caregiver myself. But unlike the lead character in the movie, I am not working in a nursing home but on one particular house. I had the desire to watch the movie to see how real it could be and when I finally saw it, I can’t accept the reality that it shows.
I am a caregiver. Being which, I have a caregiver friends as well. Us are the real story of what happen into a caregivers life, of what’s going on in our head, in our heart and in our mind… Maybe from time to time, when theres a chance… as when the exhausted body seeks a restful day and a weary heart aspire for someone to listen, to understand, maybe by then I’ll share bits and pieces of memories of our experiences. Of the desires of our hearts. Of our ups and down.
Or maybe, of my own…
Jologs!!!
November 26, 2008 at 11:45 pm (Personal)
Oo! Jologs na kung jologs! Pero walang pakialaman… “I LOVE BETTY LA FEA” hahahah!!!
Naku, super naloloka na ako kay Armando, haaaay. Kaya naman after work, diretso na ng uwi ng bahay, mag dinner, mag shower, sandaling makipaglaro sa aking pamangkin/makipag usap sa aking hipag at kapatid. At go na sa harap ng laptop para mapanood si Betty. Ayyy… ang sarap ma-inlab.
Siyempre pa, never ding kinakalimutan ang panonood ng Bleach. Ang superhero ng buhay ko, si Ichigo!!! Matapos pagtiyagaang panoorin ang orihinal na bersyon nito tuwing araw ng Martes, panonoorin namang muli ang may English subtitle tuwing Miyerkules.
Wala lang, ganyan lang ang buhay… piliing maging masaya sa mga mumunting bagay. Malungkot na nga ang maging malayo, gagawin pa bang kumplikado, di bah?!
Tapos ngayon, naloloko na naman ako sa Spider Solitaire at balik Sudoku na naman. At diario sa Metro, tuwina’y kinokolekta ko sa umaga. Target ko ng matapos ang unang sudoku bago bumaba ng tren sa Cote Ste. Catherine at ang ikalawa ay bago makarating sa bahay ng aking employer. Alinman sa dalawa ang di ko matapos ay akin namang babalikan sa pagbiyahe ko pauwi. Then pag uwi ng bahay, habang nanood kay Betty… or nakikipag chat, nagsasagot pa din ng Sudoku… haaay naku.. adiktus na naman si ako!
Yan ang dahilan kung bakit di ako makapaglathala ng matinong blog. Kahit pa habang nagtatrabaho ako… may naiisip akong paksa… pagkaharap ko na ang computer… wala na… busy na ang aking mga daliri at mata sa iba pang bagay bagay. At ngayon nga ay antok na…
Good night! 😀
Does misfortune comes in three?
November 19, 2008 at 10:49 pm (Personal)
Now, I am wondering if misfortunes in fact comes in three. I hope and pray that it’s not!
Well, let me share what I have been going through this week that I felt like I am unfortunate. Though I also believed that it is not a misfortune where I don’t have any control at all. For I am to be blame.
I. Last Saturday, I checked my phone bill. And WTFOMG!!! I am really disappointed with what I see. If disappoinment is the right word to use. I was in great shock and feel so miserable. Why? The bill was just less than a few hundred and I could buy a second laptop with the same specs as what I have now or probably a really good desktop. What could I say?! I am just stupid for not verifying the F**k**g plan my brother got. And still use the phone despite my wariness.
II. Just recently… as in more than an hour ago lang. I lost my beloved wristwatch! I don’t care about the monetary value of the said watch because for sure, it is fully depreciated. Pero ang totoo kasing halaga ng relong panggalang na iyon ay nasa nagbigay, dahilan ng pagkakabigay at taong inilagi sa aking piling. The said wristwatch was given by my brother after my college graduation. He bought it from Singapore, the first country where he used to work.
Before today, I had few instances that I almost lost my watch. At laking pasasalamat ko na sa tuwina’y napapabalik pa siya sa akin. Pero ngayon, I doubt it. Most probably, I lost it for good.
I already had two misfortunes… four days apart. What will be the third? I do hope there will be none. Because for sure, what happened today, just like last Saturday wont let me sleep. I haven’t resolved the first one yet and now I have this. Haaay naku… I do pray something good will come out after all of this… ^_^
