boses ng lahat ay dapat mapakinggan.
muli kong binabati ang matagumpay na patakbo ng globe na pinangasiwaan ng finishline.ang paggamit ng timing chip sa unang pagkakataon dito sa pilipinas ay isang kalugod-lugod na pangyayari.ang maraming supply ng tubig at energy drinks at pati na rin ng water sponge at mga markers at marshals ay nagdulot din sa pangkalahatang ginhawa ng mga mananakbo.
andiyan na ako sa mga magagandang punto na ginawa subali’t ito ay nararapat lamang at inaasahan mula sa mga organizer.trabaho nila ang magbigay ng ganitong serbisyo.
subali’t hindi ko puwedeng isara ang aking mga mata at bibig sa mga ilang pagkukulang na di lamang ako ang nakaranas at nakakita.i cannot allow myself to be gagged and most certainly,will not allow myself to be rammed with just about anything down my throat.
nang ako at isang big boss ay nagkita minsan BAGO ang karera,sinasabi niya sa akin ang paggamit ng timing chip at makukuha ang resulta sa loob ng ilang oras lamang.naniwala ako ng walang duda.sa araw ng karera,nagpamigay daw ng flyer na nagsasabing aabutin pa ng 3-4 na araw bago makuha ang resulta.sa anumang dahilan,di ko alam kung bakit nagbago ang kalakaran PAGKATAPOS ng karera.maaring sa pagod ko ay di ko napansin ang mga nagpapamudmod at di naman flyer ang unang hinahanap ko pagdating ng finish line.ganoon pa man,discretion nila ang pagpapalabas.sana ay di na na lang nagpress-release ng same day results.
pangalawa, hindi man nagkulang ang supply sa mga aid tables, ang kakulangan naman ng lalagyan nito ay nagdulot ng pagkukumpol-kumpol ng mga mananakbo sa bawat istasyon kung kaya’t naging sanhi nito ang mabagal ng pagdaan at pagbubungguan ng mga mananakbo.maanong maglagay ng mas mahabang lamesahan para sa mga runner?alam namang 6 na libo ang tatakbo at karamihan ay mangangailangan ng inumin.oo nga at may hydration belt ang iba,nguni’t sa nakakarami ay di nila abot-kaya ang pambili ng isa.sila ay umaasa lamang sa mga aid station.
pagdaan ng isang araw,nabasa ko din ang naiwang basura ng mga plastic cups na malapit sa army gym at isang pulis oyster ang siyang naglinis nito.di ba responsibilidad ng organizer ang maglinis pagkatapos ng karera?isa pa ang delayed awarding of prizes.andiyan na rin ang mga maling pangalan at gender ng mga mananakbo sa paglabas ng resulta.at siyempre pa, ang usapin patungkol sa VIP parking at VIP seating.
lahat ng ito ay ipinararating sa mga kinauukulan upang sa gayon ay sa susunod na patakbo ay sakaling maiayos ito.walang ibang motibo ang aking pagtakbo lalo na ang aking paglagay ng blog.huwag nang tanungin pa ang motibo sapagka’t wala.nais ko lamang iparating ang aking saloobin.kahit pa sabihing ako ay ay nag-iisa sa aking mga puna at sa sariling mundo ko.oo nga’t hindi beauty pageant o kasal ang ating dinadaluhan subali’t hindi ibig sabihin nito ay hindi din natin paghahandaan ng mabuti ang ating mga mananakbong nagbayad ng tama para makatakbo.
kaibigan at kakilala ko ang mga nag-organize.mula sa mga top honchos at mga marshals.sa aking paniniwala ay mas mabuting sinasabi ko ng harapan sa kanila ang mga puna ko kesa kapag sila ay nakatalikod.mukha man akong hudas na may balbas ay mas nanaisin kong harapin sila ng face-to-face wika nga.
in the end,i know how difficult it is to organize a race of such magnitude kung kaya’t di ko ninanais na magpatakbo.for this alone,i am proud of and have the highest respects for finishline for having the balls to take on the job.
hindi sa lahat ng araw ay puro matamis na salita ang aking sasambitin.di naman ako isang romeo na nanliligaw kundi isang pagong na mananakbo lamang.
i cannot and will not cower in fear and won’t hold my punches when need be.shooting from my mouth never had anything to do with my running.born with a motormouth and willing to die with and for it.well, i guess i will just have to put my money where my mouth is.i do not think that i am shooting away with blanks here or shooting blindly for that matter anyway.i was there as a soldier hitting the ground running last sunday.
wika nga,with big rewards,come bigger expectations and responsibilities.besides,all these pogi and pangit points come with the business.
ayaw kong maging bulag at magbingi-bingihan sa katotohanang nakahain sa harapan ko.kung kinakailangang ako ay magbigay-puri ay di ako mag-aatubiling gawin ito subali’t sa mga pagkakataong ako naman ay dapat pumuna,akin din itong gagawin.lahat ng ito ay para sa ikauunlad ng takbuhan at walang anumang iba pang motibo.
even if it means having to stay on the other side of the fence or even if i belong to the dark side and silent , disgruntled minority (heaven forbid a dissatisfied majority), i shall continue to be vigilant as a participant.
yes, i can’t expect every race to be perfect but at least there should be some sense of order where it is needed the most.i wish that i won’t live to see the day when we would swallow everything hook,line and sinker without so much as a by your leave and without even raising a whimper.
whining you say? since when did whining become a running sin?is it too much to ask for what is rightly due you as a participant? for heaven’s sake,we might be new to running.yes,but let’s just say we have higher standards around here now.yes, this maybe short of being too demanding but one being a “veteran” in the game doesn’t give one the monopoly of righteousness all the time.we can always hark back to the days when running was “virginal” and pure.well, might as well go back to the days when those in-charge would run the show for the plain love and passion of running itself.
not everything popular is always right.as such, i would rather be heard than mute myself and forever regret it and kick myself in the butt for not having even lifted a finger knowing i could have done otherwise-para sa ikauunlad ng takbuhan.at wala ng ibang motibo man.
tough love.