Sa lahat ng mga bagay na ginagawa naten, dapat handa tayong harapin ung mga consequences na idudulot ng mga ito. Kung nagkaroon tayo ng tapang na gumawa ng isang bagay kahit na alam naten na mali iyon sa simula pa lang, dapat ay magkaroon din tayo ng lakas ng loob na harapin ang magiging epekto nito sa hinaharap. Lahat tayo nakakagawa ng pagkakamali, tao lang tayo. Nung bata pa ako, narinig ko sa nanay ko ung kasabihang "To err is human. To forgive, divine." Pero hindi dahilan ang pagiging "tao lang" para gumawa ng mali. Hindi naten pwedeng idahilan na kaya tayo gumawa o nakagawa ng pagkakamali ay dahil tao lang tayo. Sad to say, pero may mga pagkakataon na alam na nga nateng mali, ginagawa pa nten. Masarap daw kasi ang bawal. Nakakatawa pero totoo naman talaga. Ang hindi lang kasi iniintindi ng iba eh mas magiging masarap ang mabuhay kapag umiwas tayo sa mga bawal.
Kung nakagawa man tayo ng bawal, sinasadya man o hindi, ang mahalaga ay ang aminin ang kasalanan at huwag na ito muling gawin. Mukhang simple sa unang tingin pero mahirap gawin. Mahirap alisin sa sistema ng pagkatao naten ang mga bagay na nakasanayan na nating gawin. pero, magsisimula lang ang totohanang pagbabago at pagsisisi kapag inumpisahan na nating lumayo sa mga bagay na mali na lagi nating ginagawa noon. Kung seryoso ang isang tao na magbago, gagawin niya ang lahat para totoong magbago.
Lagi nating isipin na masayang mabuhay nang malinis ang konsensya. Yung matutulog ka sa gabi nang payapa at gigising nang magaan ang pakiramdam. Recently, may nangyari sa buhay ko na nagsilbing daan para itigil ko na ang mga kalokohang nakasanayan kong gawin sa loob ilang taon. Honestly, ito lang naman talaga ang hinihintay ko. Yung dumating ung point na wala na akong ibang magagawa kung tigilan na ito at magbago na.
Tapos na ang mga araw na kinokonsinte ko ang sarili ko sa paggawa ng hindi tama. Na sinasabi kong gagawin ko lang naman to hanggang hindi pa ako kinakasal. Alam ko na noon una pa na mali pero ginagawa ko pa rin. Maling mali talaga. Sabi ko nga, mahirap itigil ung nakasanayan nang gawin. Pero sa pagdaan ng mga araw, makakaya ko rin ito. Ang kailangan lang ng gustong magbago ay disiplina sa sarili.
Hanggang sa muli, sa kaibigan. Mag-iingat kayong lagi at laging magpray bago kayo matulog. Pasensya na binura ko lahat ng mga entries ko noon. Bahagi yun ng paglilinis ko sa sarili. pero itong post na ito, hindi ko buburahin. Magiging tanda ito ng araw na sisimulan ko ang pagbabago.
This is quarter chinese, signing off....