Resting in Pieces

For now.

3 Comments

Filed under Uncategorized

Ang Random

Ano ba ang random? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang na masaya ako ngayun. Dahil ang cute ng bagong avatar ko ahihi. Isang avatar ng bakeneko na natagpuan ko sa internet. Nakakatuwa hihi.

Bago ko makalimutan, bumili na ko ng gatas na nasa sachet baka sakaling makatulog ng maayos. Merong matador dito, pero di naman ako umiinom wehehe. Ayoko maglasing para lang makatulog. Damn you insomia! >_>

Isa pang random, ako ay naliligaw ng landas. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Merong ganun? Well, meron. Work related. Tinatamad na kasi ako sa current work ko ngayun. Feeling ko hindi na ko effective dahil nga sa tinatamad na ko. Hindi na ko masaya sa ginagawa ko, dahil sa hindi na ko masaya parang napipilitan na lang akong bumangon at pumasok araw-araw. Parang robot lang na tinatapos ang bawat task. Hindi na katulad ng dati.

Music playing in the background: I want to break free. I want to break free. God knows I want to break free.

Ang options ko ay, maghanap ng ibang work or mag work from home na lang. Medyo hassle ang option number one. Hassle mag-apply apply at gumawa ng resume. Natry ko na rin ito, masyadong magastos at mahirap maghanap ng starting na sahod ko ngayun. Option number two medyo hindi stable. Depende kasi kung marami kang matatanggap na projects or kung matino ang employer. But still marami ang nabuhay sa freelance, and infairness mas mataas ang monthly ko dito kung tutuusin. Based on luck, at syempre ng tyaga.

Magreresign din naman ako sooner or later. Siguro need ko na mamili sa mga options ko. And as usual, try not to regret every decision. Kaya masinsinang usapan ng aking heart and mind kung ano ba talaga. Advice would be very much appreciated ^__^

7 Comments

Filed under Personal

Capital i

With an N, with an S-O-M-I-A. Hindi ko  alam kung kilan nagsimulang nagkaroon nito pero nakakairita. Sobrang mahalaga sakin ang pagtulog, ngunit pinagkakait na ito sakin. Why oh why? Ayokong araw-araw puyat, ayokong mukhang zombie, ayoko ng kulang sa tulog, ayoko ng eye bags! Paano na mag-regenerate ang cells ko? Pano na sila mag-repair kung kulang sila sa oras? LOL ayokong tumanda ng maaga.

Gabi-gabi na lang kinakausap ko ang sarili ko, Matulog ka na pls, sleep na. Parang engot lang. Body temperature decreases, good good. Brain stop thinking. Eyelids dropping, check. Losing conciousness yey! In 20 counts makakatulog na ko! Ganyan ako magcheck gabi-gabi? Parang engot lang talaga.

Siguro kasalanan ko rin. Poor diet, lack of exercise and overwork. Namimiss ko ang makatulog ng 10pm, lagi na lang kasing past 1am. Hayyz Lord. Namiss ko ang feeling na energized ako pagising ko sa umaga. Namiss ko rin magluto ng agahan, namiss ko ang feeling na “i-will-start-d-day-right“.

Dahil sa late na naman akong nakatulog kagabi, inaantok na ko ngayun. Nagiging nocturnal na yata ako. Hello Batman XD.  Ang bigat na ng talukap ng mata ko. Sleep muna.

Publish post.

11 Comments

Filed under Personal