HTML
| HTML | |
|---|---|
Opisyal na logo ng HTML5[1] | |
| Ektensyon ng pangalan ng file |
|
| Uri ng midyang pang-Internet |
text/html |
| Type code | TEXT |
| Uniform Type Identifier (UTI) | public.html |
| Ginawa ng/ni |
|
| Unang labas | 1993 |
| Pinakabagong labas | |
| Type of format | Document file format |
| Lalagyan para sa | HTML elements |
| Naglalaman ng | Web browser |
| Pinalawak mula sa | SGML |
| Pinalawak tungo sa | XHTML |
| Bukas na pormat? | Oo |
| Website | html.spec.whatwg.org |
Ang Hypertext Markup Language (HTML) ay ang pamantayang markup language[a] para sa mga dokumentong idinisenyo upang ipakita sa isang web browser. Tinutukoy nito ang nilalaman at estruktura ng nilalaman sa web. Kadalasan, sinusuportahan ito ng mga teknolohiya tulad ng Cascading Style Sheets (CSS) at mga scripting language gaya ng JavaScript.
Ang mga web browser ay tumatanggap ng mga dokumentong HTML mula sa isang web server o mula sa lokal na imbakan at nire-render ang mga ito bilang mga multimedia web page. Inilalarawan ng HTML ang estruktura ng isang web page sa paraang semantiko at, sa simula, ay may kasama ring mga pahiwatig para sa itsura nito.
Ang mga HTML element ang bumubuo sa mga pahina ng HTML. Sa pamamagitan ng mga konstruksyon ng HTML, maaaring isama sa pahina ang mga larawan at iba pang bagay tulad ng mga interaktibong form. Nagbibigay ang HTML ng paraan upang makalikha ng mga organisadong dokumento sa pamamagitan ng pagtukoy ng semantikong estruktura para sa teksto tulad ng mga pamagat, talata, listahan, link, sipi, at iba pang bahagi. Ang mga elementong HTML ay tinutukoy sa pamamagitan ng mga tag, na isinusulat gamit ang mga angle bracket o panaklong na anggulo. Ang mga tag tulad ng <img> at <input> ay direktang naglalagay ng nilalaman sa pahina. Samantala, ang ibang mga tag tulad ng <p> at </p> ay bumabalot at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa teksto ng dokumento at maaaring maglaman ng mga sub-element tag. Hindi ipinapakita ng mga browser ang mga tag ng HTML, ngunit ginagamit ang mga ito upang maunawaan at maipakita nang tama ang nilalaman ng pahina.
Maaaring maglaman ang HTML ng mga programang nakasulat sa isang scripting language tulad ng JavaScript, na nakaaapekto sa asal at nilalaman ng mga web page. Ang pagsasama ng CSS ay nagtatakda ng anyo at ayos ng nilalaman. Ang World Wide Web Consortium (W3C), na dating tagapangalaga ng pamantayan ng HTML at kasalukuyang tagapangalaga ng pamantayan ng CSS, ay naghikayat ng paggamit ng CSS kaysa sa tahasang presentasyonal na HTML mula pa noong 1997.[3] Isang anyo ng HTML na kilala bilang HTML5 ang ginagamit upang magpakita ng bidyo at awdyo, pangunahin sa pamamagitan ng elementong <canvas>, kasama ang JavaScript.
Markup
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang HTML markup ay binubuo ng ilang mahahalagang bahagi, kabilang ang mga tinatawag na tag (at ang kanilang mga attribute), mga character-based data type, character reference, at entity reference. Ang mga HTML tag ay karaniwang nasa pares tulad ng <h1> at </h1>, bagaman ang ilan ay kumakatawan sa mga walang lamang elemento (empty elements) kaya walang kapareha, gaya ng <img>. Ang unang tag sa pares ay tinatawag na start tag o simulang tag, at ang ikalawa ay end tag o katapusang tag (tinatawag din silang opening tag at closing tag).
Isa pang mahalagang bahagi ay ang HTML document type declaration, na nagsisilbing magpatakbo ng standards mode rendering.
Narito ang isang halimbawa ng klasikong programang "Hello, World!" ("Pagbati, Mundo!"):