Narito na ang Pamaskong Hamon…

Pamaskong Hamon Badge

Sa napakaraming nangyayari sa ating paligid, madalas nating nakakalimutan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko.

Ngayong taon, maglaan ng oras sa pagmumuni-muni ng pagsilang ni Jesus sa pamamagitan ng higit na paglapit sa Diyos gamit ang Pamaskong Hamon.

Kumpletuhin ang kahit na anong Gabay Para sa Pasko o sa Adbiyento sa Disyembre, at ikaw ay makakakuha ng Pamaskong Hamon Badge!

At narito ang ilan upang matulungan kang magsimula:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

XIbahagi sa X

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Bilyong Dahilan para Magdiwang

1,000,000,000

Umabot na sa isang bilyong pag-install ang mga Bible app ng YouVersion!

Ang isang bilyong pag-install ng Biblia ay hindi lamang isang malaking pangyayari. Ito ay isang kamangha-manghang paalala na ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo sa ating mundo. Nasasabik kaming maging bahagi ng makasaysayang sandaling ito, at lubos kaming nagpapasalamat sa iyo.

Bahagi ka ng pagkilos na ito.

Dahil sa mga taong katulad mo, mas malapit na nating makita na ang lahat ng tao, sa lahat ng lugar, na nakikipag-ugnayan sa Salita ng Diyos araw-araw.

Magdiwang Tayo

FacebookIbahagi sa Facebook

XIbahagi sa X

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Malapit na ang Pandaigdigang Buwan ng Biblia!

Pandaigdigang Buwan ng Biblia

Ngayong Nobyembre, ang mga tao sa buong mundo ay sama-samang magdiriwang ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng araw-araw na pakikipagniig sa Banal na Kasulatan.

Sumali sa pandaigdigang kilusan sa pamamagitan ng pakikilahok sa 30-Araw na Hamon sa Biblia! Sa pamamagitan ng pakikipagniig sa Salita ng Diyos nang 30 sunod-sunod na araw, maitatatag ang iyong kaugalian sa Biblia at makakakuha ka ng eksklusibong Pandaigdigang Buwan ng Biblia Badge.

Pandaigdigang Buwan ng Biblia

Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Buksan ang iyong App ng Biblia para sa mga abiso para sa pagpapalakas ng loob at mga paalala sa buong buwan.

ImageIpaalala sa Akin

FacebookIbahagi sa Facebook

XIbahagi sa X

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

“Paano ko malalampasan ang takot?”

Lalaking nakatingin sa taas

Kung naitanong mo na ang tanong na ito, hindi ka nag-iisa. Ang takot ay isang napakapamilyar na pakiramdam na kinakaharap ng mga tao saanman. Takot man ito sa kabiguan, sa ibang tao, o sa hinaharap—maaari kang makipag-usap sa Diyos tungkol sa anumang dahilan ng iyong takot.

Maglaan ng ilang sandali upang makipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalanging ito:


  • O Diyos,
  • Sinasabi ng Iyong Salita na hindi Mo ako binigyan ng Espiritu ng takot, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig, at mabuting pag-iisip. Tulungan akong tumuon sa katotohanan kung sino Ka. Patahimikin ang bagyo sa loob ng aking isipan, at bigyan Mo ako ng Iyong kapayapaan.
  • Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Nais ng Diyos na palitan ang iyong mga takot ng Kanyang kapayapaan! Pumili ng Gabay mula sa listahan sa ibaba o tingnan ang buong Koleksyon ng mga Gabay tungkol sa Takot para magbulay-bulay tungkol sa paksang ito kasama ang Diyos ngayon.

Icon ng Mga GabayTuklasin Ang Mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

XIbahagi sa X

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang takot ay isang napakapamilyar na pakiramdam para sa mga tao sa buong mundo. Pumili ng Gabay ngayon para matulungan kang dalhin ang iyong mga takot sa Diyos at matanggap ang Kanyang kapayapaan.

“Binabago ng Salita ng Diyos ang mga buhay mula sa isang kuwento patungo sa isa pa…”

Mga taong binago ng Salita ng Diyos

Habang lumalapit tayo sa isang bilyong pag-install sa ating Pamilya ng mga Apps, namamangha kami sa ginagawa ng Diyos sa ating Komunidad!

Nakaririnig kami ng hindi mabilang na mga kuwento—mula sa pagkagumon patungo sa pagpapanumbalik, mula sa kalungkutan patungo sa komunidad, mula sa mga aksidenteng nagpabago sa buhay patungo sa panibagong pag-asa.

Ang bawat kuwento ay nagpapaalala sa atin na ang Salita ng Diyos ay may kapangyarihang magpaaliw, magpagaling, magpanumbalik, at magpabago.

Tumuklas ng mga kamangha-manghang kuwento mula sa ating YouVersion Community at tunghayan kung paano binabago ng Salita ng Diyos ang mga buhay sa iba’t ibang dako ng mundo.

Magsabi ng higit pa

FacebookIbahagi sa Facebook

XIbahagi sa X

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email