Sino Ako?

Pangalan: Abi (maari ring: Abbie, Abie, Aby, Abby, basta’t ang pagbigkas ay “Abi”, tinatanggap ko na rin)

Edad: 25 y/o (At present, I am already 34 y/o; it has been 9 years na pala since I started this blog :o)

Ninais ko noong magenroll sa kursong Journalism, pero hindi natuloy dahil na rin sa desisyon ko. Kaya natapos ko ang kursong Biology. Napakalayo sa pinili kong propesyon, gayun pa man hindi nawala ang hilig ko sa pagsulat.

Lahat ng narito ay produkto ng tahimik kong bibig at maingay kong utak.

Wala akong gustong sagasaan. Ang nais ko lamang ay magsulat.

Bakit?

Dahil dito nabubuhay ang kaluluwa ko, habang pinapatay ng mundo ang katawan ko.

Dahil dito lumalaya ang kaluluwa ko, habang nananatiling bihag ng mundo ang katawan ko.

Dahil dito nabubuo ang puso ko na winasak ng EX ko.

Dahil dito ako ngumingiti (bukod sa mga panahon na kasama ko ang mga kaibigan ko), habang poker face ako sa paligid ko.

Dahil ito ako, at dito, malaya ako.

Salamat sa pagbisita.

Tara, basa!

🙂

15 thoughts on “Sino Ako?

  1. Hey Abby! I’m happily surprised that at 23 years of age, you write this good. Keep it up!

    Just a thought, I have a photographer friend na ang college course nya ay related sa Multimedia and he regrets na kung anong kurso nya, ganun din ang present job nya.

    Siguro it’s meant to be this way that even though you wanted to take Journalism, you ended up taking Biology…so you could enjoy life MORE. 🙂

    As for me, this is why I write >> http://seekersportal.wordpress.com/2011/07/30/this-is-why-i-write/

  2. hello abby…

    napadaan at natuwa sa mga nabasa 🙂

    ang iyong tinta ay minsan masaya, minsan lumuluha… parang tintang nakasaboy sa aking pahina…

    Anong nagagawa ng WP?

    Its…
    ….an AVENUE for expression of thoughts… a SPACE for someone whose always restricted… a SOLACE when the going gets rough and tough…a BOARD to post reasons to be happy about…. A PAGE WHERE I CAN BE “ME”…

    http://chilledhoney.wordpress.com/page/2/?s=para+kay+cupnoodles

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/07/08/why-am-i-writing/

    Happy blogging dear!

Mag-iwan ng puna