Tuesday, December 29

Binaboy Sa Bagong Taon

Kahapon at nung isang araw, magkasunod na nanganak ang mga inahing baboy namin. Syempre masaya kasi sa papasok na taon, may pangkabuhayan na kami.

Si Inahin A nanganak nung una, 14 biik ang pinanganak. Namatay yung panganay (yung huling pinanganak ayon kay Joey de Leon) dahil akala ni Papa panghuli na yung pangtrese kaya hindi naisalba ang huling baboy. Sayang. Isa pang malungkot na balita, kinabukasan binawian ng buhay ang isang kawawang biik dahil nadaganan sa paa ng inahin. I'm sure kebs lang si mother pig dahil hindi naman sya ang magkakapera. Sa kasalukuyan isang dosenang biik na sila.

Si Inahin B naman na nahuli ng isang araw. Tumulong ako ng saglit kay Papa habang syay nanganganak. At least nagamit ang lisensya ko (Tse!). Nang matapos na ang pagputol ng pusod, pagtanggal ng ipin, at pagpaikli ng buntot ng labindalawa ay napagpasyahan na ni Papa na umuwi. Kinabukasan, nagulat kami nang may isa pa palang biik na lumabas--at buhay. Isa syang miracle biik. Tatawagin ko syang Santino. Hehe.

Welcome to the piggery! Ang wish ko lang sa mga baging panganak, more weight and of course, good health!

Pics, soon to be uploaded.


Friday, December 25

The Ming Meows' Christmas Special

Two days ago marked the first anniversary of this PC's arrival. Wohoo! Ang daming nangyari particularly sa computer na ito. Na-virus, na-reformat, nadala sa pinagbilhan na computer shop para sa warranty. At syempre, naging madalas ang aking pagboblog. I do hope na magtagal pa ang buhay ng computer na ito to think na malaki-laki ang nagastos dito. Just so you know, literally dugo at laman ng nga baboy ang binuwis para dito. May babuyan kasi kami.

Yesterday was busy. Ang daming nagkaroling sa aming baryo as in sobra. Ang baranggay kasi namin ang pinaka-kabisera ng bayan. Sa sobrang dami, nakakabwisit na. Kaya naman nagmistulang ghost town ang ibang lugar. Sarado ang pintuan o gate. Wala nang budget. Mataas ang demand ng pera, kulang ang supply. Taghirap talaga ngayon.

Tanging ako lang sa pamilya ang hindi nakasimba sa midnight mass. Pinagpuyatan ko kasi ang paggawa ng last post ko. Everytime kasi na nagpopost ako, maraming oras ang ginugugol. Kaya naman kagabi bumawi ako sa pagtulog. Awa ng Diyos mahimbing naman dahil kaunti lang ang nagpapaputok. Patunay na may krisis talaga.

Kaninang umaga ako nagsimba. Bongga ang aming tangahalian kasi may litson. Personally ayoko sana ng litson nung una kasi nga sa kondisyon ni Papa. Pero parang tradisyon na yata ang litson twing Pasko. Nag-imbita kami ng ilang kamag-anak. Nang kahapunan, inimbita ang kanyang mga kaibigan at dating kaklase. Inimbita din ng sis ko ang kanyang kontrobersyal na boyfriend. Nagdala ang bf nya ng tatlong kasama. As expected, ilang kami sa isa't isa. One-liner lang conversation namin: Nasaan si L(yung isang kaibigan nya na kilala ko)? Sumagot naman sya nang matipid. Hindi sya makatingin ng diretsyo.

Makulay ang Pasko.

Wednesday, December 23

Meet the Relative

May relative na uuwi sa aming bayan. Not surprising diba, magpapasko naman. Pero di ko sya pwedeng i-snob. He is a manager of a big company at itago na lang natin sya sa pangalang El Kuya. Since I'm unemployed pa rin =( , nagka-idea ang magaling kong nanay (he's my 2nd degree cousin yata from mother's side) na magpatulong. So go na kami kahit umaambon at maginaw ang gabi(nagkasore-throat tuloy ako). Kailangan eh.

Bigyan ko kayo ng konting background. Nakapagtapos ng Education course si El Kuya dahil sa pagiging working student. Hindi kasi well-off ang parents nya, I could recall that small wooden house they've inhabited when I was still a kid. Nagsimula sya sa baba (he worked before in Cebu) hanggang sa naabot na nya ang mataas na posisyon (Manila -based) sa isang kompanyang may kinalaman sa books.Take note, sa edad na 30-ish single sya and I've gotta feeling wohooo[---kanta yon che!]that he's PLU (three bars according to my g-dar). But he's not the loud type. Neither is he the trying hard type. I like it. I think LGBT dna is in our blood. I have two lesbian cousins and one gay cousin other than him. Basta I'm so proud of him.

At nang dumating na kami sa isang bahay na nasa lugar ng aking ina, namangha ako. Ang ganda, parang hindi mo ini-expect na may ganito sa isang medyo liblib na barrio. May brownish brickstones ang foundation pillars. May capiz lights ang puno bg tambis sa labas. At nang pinapasok kami, mas lalo akong namangha. Modern
and spacious yet simple ang mga muwebles.

Back to business. So nag-usap (or pinakiusapan) kami of course with my mama kasi siya naman talaga ang may connection. Hindi maiwasang maungkat ang pagiging lisensyado ko at ang hindi ko paggamit sa aking natapos. Nakakahiya per
o at least Kuya El offered me a helping hand and advised me to use it as a last option. He gave us ideas kung paano maging employee sa kumpanya nya. He even asked about my height--patay. Sayang nga lang kasi hindi nya ako pwedeng dalhin sa Manila kasi nepotism is a no-no and obviously masisira sya. Later on, he gave me a calling card(see below)---malaki ang respeto ko sa mga nag-iissue ng calling card which means they are bigtime professionals. How time flew and after a share of laughs and rich conversations, umuwi na kami.


Image Intentionally distorted to protect his identity.


A few minutes before we left, nagkatitigan kami. No, ako yata ang nagsimula. I'm such a flirt, hehe. I flashed an economic (tipid) smile. Nagpapacute oh! I admit, nakilig ako. In fairness, kahit hindi sya looker, pasado naman. Naks, feeling ako ha, baka taken na sya. Sorry, hindi naman masamang mangarap diba. Im looking forward to see him again, perhaps in his office.

O sya sya, I'll stop daydreamin ang proceed to nightdreamin. Tulog na ako.


Sunday, December 20

D.R.A.I.N.E.D.

Sa sobrang busy ko sa tindahan, halos wala na akong pahinga. Grabe talaga. Ubos ang energy ko. Wala na akong time makapag-isip kung anong ibo-blog ko.

I'll just leave you with pics from crush in Starstruck. Rocco.ImageImage

Kaya pala nagagwapuhan ako kay Rocco, kamukha nya pala ang dating crush ko sa Endless Love si Won Bin.Image

Wednesday, December 16

Muling Pagbisita sa Syudad

Kahapon, pumunta ako sa Tagbilaran City. Pinabili kasi ako ng gamot ni Papa. Ang mahal; umabot ng P1,200 plus. Pero hindi lang naman yan ang pakay ko. Hinulog ko din ang mga christmas cards for abroad. Madalang na kasing bumista ang delivery truck sa aming bayan. Alam nyo naman, di na uso ang sulat.

Dito sa mall na ito may post office kaya dito ko hinulog ang mga cards. Ang ganda ng decors. Christmas is in the air na talaga.

Image
Namimiss ko ang Tagbilaran. Dito kasi ako nag-highschool at college. Basta marami akong "experience" dito. Dito ako na devirginize sa iba't ibang positions, threesome, rimming (pasintabi po sa mga kumakain.. hehe). Sa halos isang dekada kong pananatili, saksi ako sa mga pagbabago ng siyudad. Tulad na lang ng Agora market, ang sentro ng komersyo sa Tagbilaran. Nasunog ito noon pa. Nang maghighschool ako, may mga sari-saring tiange dyan. Ito ang itsura dati ng Agora. Eyesore.


Image
Ngayon, eto na. Susyal. Tagbilaran City Square na ang pangalan. Marahil sa dagsa ng mga turista, in demand na ang mga malls.

Image
Dahil mabait ako (charot), ipasisilip ko sa inyo ang loob. Exclusive.

Image
As you can see, hindi pa tapos ang second floor. This year pa lang kasi eto naging operational. Ang atrium part ng square ay ginawa nilang art exhibit.

ImageKung napapansin nyo may poster ni Cathy na isa sa mga housemates ng PBB. Taga Bohol kasi sya, in fact schoolmates kami.

Pagdating naman sa boys (may ganun talaga hehe), dumadami na ang mga cute. Sinabayan siguro nila ang make-over ng city. Pero ikaklaro ko lang ha, walang gay spots dito. Conservative parin ang mga tao in general. Pag pumunta kayo dito magbehave. Pero kung hindi nyo na matiis, I'm just a text away. Joke!!!


Tuesday, December 15

Pasko Na Nga

Image


Ito ang christmas tree...




Image

Ito ang belen...




Image
Ito ang parol...










































...ng aking kapitbahay. Maganda kasi. Natutuwa lang ako. Excited na ako sa simbang gabi mamaya!

Thursday, December 10

People in the Government Redefined Morality

Image


After Ladlad, the next victim of the "morality spell" is Hayden Kho.

After watching the news, I couldn't help but react. Dr Kho's license was revoked due to an immoral act with an immoral woman while the medical personnel from Vicente Sotto Hospital in Cebu was just suspended. People may have forgotten the issue but I still and I know most of us still remember the tragic fate our fellow had undergone.





Tsk. Tsk. Tsk.


Image





To those people behind this "morally upright" actions, don't worry. Your rewards are already stored in heaven. But in my eyes you burn deep down in hell.

Wednesday, December 9

A Letter From Gabby Concepcion

Image

When I opened my email account, I couldn't believe this is true! It's him!

Read this post below. I copied this message from my e-mail inbox.


December 08, 2009

To Whom It May Concern:
 

Warmest Greetings from Emerald Headway!

We are the leading distributor of imported magazines with over 1000 titles including Oprah, Interior Design, Architectural Digest, Marie Claire, Modern Bride, National Geographic, Parents, Bona Appetite, Better Homes & Garden, Lucky, Allure, Glamour, Good Housekeeping, House Beautiful, Metropolitan Home, Harpers Bazaar, Gourmet US and more.

In view of this, we would like to invite you to be one of our esteemed subscribers so that you may enjoy the benefits and privileges we are currently offering.

Attached herewith is our latest magazine subscription price list. Kindly note that the rates posted are already net of a 20% discount off the cover price. Moreover, we are pleased to inform you that subscription to any of our monthly titles will give you an additional discount, as well as other free items described as follows:

ONE YEAR SUBSCRIPTION (new)

Ø Additional 20% discount on top of the already existing 20% subscription discount.

Ø Subscriber will received 3 complimentary back issues. (of your choice)

Ø Free delivery within Metro Manila only.

Ø Promo runs until the end of December 31, 2009

We hope to get a favorable response from you regarding our proposal. For further clarifications and inquiries, please feel free to call the undersigned at 681-91-27 / email me at [email protected]. Thank you very much.

Best regards,

Gabbie B. Concepcion

Sales Coordinator



NOT!!!!!


Saturday, December 5

Magic Jack

Image


Masaya ako sa binigay ni Auntie Ines (yes Ines sya, pero hindi nakakainez) sa amin. Isang Magic Jack. Isinasaksak ito na parang USB. Ikokonek naman ang dulo sa unit ng telepono.

Image

At magic nga! Unlimited ang tawag namin sa mga relatives sa Canada. Libre daw ito. Ireregister lang sa Canada na ginawa na ni auntie. Yung isa kong pinsan, tinatakot kami. Magrereflect daw sa bill. Wag naman sana.

Image
Hanap kaya ako ng phonepal na Kano or Canadian. hehe.


Wednesday, December 2

Makumpleto

Buong bayan ay nagkakandarapa. Ginagalugad ang bawat sulok ng aming tindahan. Mahanap ang hindi lang isa kundi maraming Coke caps. Pano kasi, may kapalit na Christmas plates. Yung iba demanding. Ayaw bumili kung wala yung Santa caps. Wala pa kasi kaming stock nun nang bumili sya.Image

Gaya ng sinabi ni Mosang sa commercial, sana makumpleto ang aming pamilya ngayong pasko. Yung isa kong kapatid nagrereview para sa board exam, yung isa nag-aaral. Sure naman na uuwi sila. Yung isa ko lang na kapatid, my only brother ang problema. Apprentice kasi sya sa isang cargo vessel na bumibyahe ng Palawan to Mindanao. Syempre pag binabanggit ang Mindanao, pangamba ang ating naiisip. Last June pa nagsimula syang umangkas at hanggang ngayon hindi pa sya umuuwi. Hindi pa kasi nagdadrydock sa Cebu ang barko. Hanggat bumibyahe pa ang barko, malabo pa syang makauwi sa bahay.


Namimiss ko ang only brother ko. Nagkakaintindihan kasi kami. Parang wala akong matandaan na pinag-awayan namin. Sana makauwi na sya ngayon Pasko. Konti din lang kasi ang dinala nyang damit. Napilitan nga syang bumili doon.
Malaking ginhawa talaga pag nakuwi. Ano na kaya ang itsura nya...
Image
Btw, next year uuwi sina lolo, lola at mga kapatid ng aking ama. Magrereunion kasi kasi ang aming father side. Excited ako pero mas angat yung takot ko. Ano kayang isasagot ko sa million-dollar question: May girlfriend ka na ba? Naku, magrerehearse na ako. Sana maging handa na ako sa mga mangyayari. Abangan...

Monday, November 30

Blow Job

Since Christmas is just around the corner lang naman, minabuti ng Mama ko na magtinda ng mga items na patok sa mga bata. Pero dapat affordable hindi naman mashadong mapera ang neighborhood namin. At isa sa mga toys na ito ay itago na lang natin sa pangalang "magic whistle".

Mura lang ang magic whistle. 2 pesos lang. K
aya binansagan ko itong magic whistle kasi unang-una whistle talaga sya as in sumisipol. Kaya may magic kasi may bola sa basket na nasa dulo na kapag hinipan ay tila lumulutang ang bola.Image

Nacurious ako kaya sinubukan ko ang produkto. May nadiskubre ako. Hindi pala lumilipad ang kapag nilagay mo sa basket na bago hipan kahit gaano kalakas pa ang iyong pwersa sa pag-ihip. Kailangan hipan muna bago ilagay. Dapat din na hindi
mashadong malakas ang pag-ihip dahil lulukso ang bola palabas ng basket. Obviously hindi rin dapat mashadong mahina para naman lumutang ang bola. May kontrol talaga.Image

Kaya naman hindi biro ang pagkuha ng picture na
ito. Take note na ako mismo ang kumuha ng pic. Walang photoshop po yan. Eto pa ang close up.
Image
Magaling pala ako sa blow job. Pun intended.



Thursday, November 26

When the Owner is Away, the Cat Will Play

Image
Yes! Habang nagtatype ako dito, ako lang po mag-isa sa aming bahay. May prayer meeting kasi sina Mama at Papa. They're going for a holy duty, and I'm here for my demonic habit. LoL

SOP ko na pag inoopen ko ang internet at ako lang mag-isa ay mag porn viewing. Nung una Xtube, tapos naging Youporn, tapos ngayon suki ko na ang Lifeout. Eto lang kasi ang chance eh. Hay pag addict nga naman.

Tapos pag nabobored na, punta sa blogspot. Nagbabasa. Pag bored parin, magpopost na sa blog tuld ng ginagawa ko ngayon. Ang aking routine. Bow.


Tuesday, November 24

Insensitive?

Image

If you've been keen on the news aside form the Maguindanao massacre, you already know that my prayers have been answered. Excessively. But it's okay. I think typhoons are the only reliable source of rain nowadays, ITCZ is powerless. There's no strong winds so no worries at all.

Change topic muna tayo. Ive already posted na that my father is having a heart ailment (specifically enlargement). Last Monday, he had a 2d-echo (two dimensional cardiography). I warned my mother beforehand that it would just give the doctor a justification to prescribe additional medicines. What the heck, doctor's orders are orders. And I was right---from 4 it became 6 pricey medicines. The other night, three of us (me, mama, papa) were having a discussion about the chances of papa's recovery. I made up my prognosis by saying that it wouldn't get back to normal. It would normalize but the maintenance meds would be like forever. There's no such thing as full recovery. Upon hearing this, I felt my mother was upset knowing and I was right. The other day mama told me that I shouldn't have said those words. Honestly, I was just being frank and blaming my father at that time. Was I going overboard? Perhaps. But I don't want to give false assurances. Just trying to apply what I've learned from nursing.



Wednesday, November 18

Walang Self-Control

ImageDumilim ang kalangitan. Umihip ang hangin. Isa na lang ang kulang. Ulan. Maraming ulan. Para sa inyong kaalaman, nag-umpisa na ulit kami sa pagtatanim ng palay. Mahina umano ang ani ng nakaraan. Tanda ko pa nung nagsimula yung pagtatanim may krisis sa tubig. Wala kaming irigasyon kaya sa ulan lang kami umaasa.

Kasalanan ko ito, plano ko kasi na mag-ayuno sa pagjajakol at panunuod ng porn para bumuhos ang ulan. Gaya ng inaasahan, nabigo ako. "Tao lang", yun ang kadalasang idinadahilan. Mahina lang talaga ako. Walang self-control.

Okey lang sana kung ako ang magdusa. Hindi eh. Damay ang kabuhayan, damay din ang iba. Nakita ko yung kulimlim sa may bandang hilaga habang sa lugar naman namin ay maaliwalas. Sabi ko sa sarili ko sinadya ito.

O baka naman gawa-gawa ko lang ang ganitong eksplanasyon. Naghahanap lang ako ng mapagbalingan. Marahil tama si Ate Guy na walang himala.

Ang masasabi ko lang, hindi makakabuti kung ganito palagi ang nararanasan namin. Nagdurusa kami.

Tuesday, November 17

Comelec is the New Church

(Babala: Walang personalan, chorvahan lang.)

Usap-usapan ngayon ang pansalamantang (o yes, pansamantala lang) pagbaboo ng ating pangarap na maka-atak sa Kongreso. Dahil daw ito sa takot na baka magsaboy umano tayo ng imoralidad sa mga kabataan na sinasabing pag-asa ng ating bayan.

Gaya ng inaasahan, na-imvierna ang mga kafatid natin. Siga
w nila ay ebidensya. Nasaan daw ang katibayan ng sinasabi nilang imoralidad.

Handa ang taga-Comelec na isiwalat ang kanilang nalalaman. At ipinakita nila ang mga ito.Image



Mukhang hanggang decoration sa Batasan at pagpaparlor sa mga kongresista lang ang gusto nilang mangyari.

Sa bagay, kahit hindi tayo nakaupo sa kamara, sirang-sira na ang kinabukasan ng ating bayan. Huli na ang ginawa ng Comelec. Nagkalat na ang lagim.

Friday, November 13

Feel the Difference

Image
Sa tindahan namin, may isang katangi-tanging feature na iniinda lang sa ibang sari-sari store. Ito ay isang mini side billboard (sorry, inimbento ko lang ang name). May brand po sya. Schick. Remember Andrew Wolfe ad about the razor blade na lumusot sa kabilang pader?
Image
Kung ang mga ga-higanteng billboards pag natutumba ay nakakapatay ng tao, pwes itong aming munting billboard ay hindi naman ganon karahas. Nambubukol lang sya. Sa ulo. Paano kasi mababaw lang ang pagkalagay. Kaya tuloy pag may papaalis sa tindahan na nagmamadali, pang!(parang ganun ang sound effect)... parang natamaan ng suntok ni Pacquiao.

Insulto sya sa akin. Nakakalusot kasi ako sa ilalim. Ang ibig lang sabihin nun ay bansot. Pandaca pygmea. Kamponieta ni Dagul. Ganunpaman everytim
e na may sumesemplang, hindi ko mapigilang mapangiti at pansamantalang limutin ang mga problema. I can feel the difference...of my height! =DImage

Ikaw Sana

Image
I'm not a telenovela fan at present. Though when I was young, naabutan ko pa ang Mara Clara, Villa Quintana, Marimar (Original)...masyado pa akong bata non para sumubaybay pero kahit papaano naintindihan ko naman.

Dahil sa imbensyong "reality show", nabago na ang hilig ko sa TV programs. Nawalan na ako nang hilig sa drama. Kaya nakapagtataka kung bakit ako naging tagasubaysubay ng "Ikaw Sana".

Sa totoo lang, wala akong hilig sa soaps ng GMA. Pero I've heard nag-iimprove na daw sila.
Jologs. Isang magandang halimbawa nito Ikaw Sana. Para lang magka-idea kayo, magkapatid si Jennylyn,ang bida at Pauleen, kontrabida na pinag-aagawan si Mark Herras. Teka, parang useless yata kasi masyadong obvious sa picture.

Boring talaga ang plot. Yung inaapi-api ang bida is so 90's. Kaya naman pag nakita ko na ang mga api-api scenes sinasabi ko nalang sa sarili ko, "As expected".

Kung nagtataka kayo kung bakit loyal ako sa programang ito, ito'y sa kadahilanang napipilitan lang po ako. GMA Channel 7 lang po at NBN Channel 11 lang po ang kuha ng aming TV sa tindahan. Nag-attempt na si Papa na bumili ng Baron antenna kaya lang hindi successful ang pagkabit. As an adult syempre mahilig tayo sa balita (24 oras) kaya naman hindi maiiwasang mapanood ang lintik na dramang iyan. Effective ang pre-programming strategy ng GMA. Buti na lang may commercials.

Tuesday, November 10

Funny Failure

Image
Kainis naman. Kung kelan pa natapos ang final interview dun pa sumemplang. Isa sa mga nag-interview sakin dating clinical instructor ko--nakakahiya. Ayoko nang idetalye ang iba pang nangyari. Kaya itong text tuloy ang natanggap ko.

Good evening,this is e---------. Sorry, you failed in the final interview. thank you.

Syempre, nadismaya ako. Kaya naman nagtext ako kay mama. In bisaya ko tinext pero trinanslate ko lang para maintindihan ninyo.

Ma, uuwi ako bukas. Tinext ako na hindi ako tinanggap.

Teka. Tiningnan ko ang outbox, ang equivalent ng sent items. Taena, NA-SEND KO SA CONTACT NO. NG E------! Pahamak talaga ang aking Motorola.

Sunday, November 8

May Work Ka Na?

Image
Updates lang ha sa employment:

Two weeks ago I passed an application sa isang callcenter dito sa Bohol.
Last Thursday, I was interviewed. The next day I was screened. I enjoyed the screening though it was just a mere display of our command of language,
Tomorrow is my final interview. I hope it would be easy. Though the pay is barely minimum wage, I'll just accept it. Kesa naman wala diba?

Monday, November 2

Stroke

Mainit naming ginunita ang undas. Grabe talaga ang init, nakaka-stroke.

Speaking of stroke, my father is almost a victim of stroke.
2 nights na kasi syang nahihirapang huminga at sumasakit ang tyan, indikasyon daw yun ng stroke. Kaya naman nagpa-admit sya. At nakita dun sa xray na malaki pala ang heart nya. Dahil daw yun sa katagalan ng high blood nya na ininda lang kaya lumala ang kondisyon. Kaya eto sari-sari ang gamot na iniinom nya.Image
Mahal talaga magkasakit. Imagine mga 15 thou plus ang nagastos namin sa ospital; hindi pa kasali yung gamot namon na 6000 plus yata ang naubos. Buti na lang naigapang namin.

Hindi naman lahat malulungkot na kwento nangyayari
sa pagka-admit nya. Actually masaya din ako dahil may cable sa private room nya. Wala kasing cable eh. Nagkaroon tuloy ako ng chance na makapanood ng Sex and the City. Ang saya, kahit hindi ko sila nasubaybayan sa TV series, nakarelate parin ako. Gusto sana nyang ilipat sa BTV, masyadong girly kasi. Nairaos ko naman, natry ko namang pigilan.
Image
Nice ang story. HIndi bongga ang ending pero happy naman. Happy naman ako dahil at least hindi na stroke si Papa at naagapan ang kanyang high blood. Sa ngayon, kinokontrol na namin ang diet ni Papa, wala nang mamantikain at taba.



Wednesday, October 28

How People Can Be Very Rude

Image
Try kong i-translate to Tagalog ha...:
Hwag kayong bumoto sa abusado ng Tarlac. Matapobre yan! Bakla Aquino = Walanghiya
Inutil Pilipinas
Yang Bakla
Aquino

Nakita ko yan sa latang sisidlan namin ng pera. Nakakagulat. In fairness, creative ang may pakana nito. Bawal na kasi ang siraan sa TV.

Personally hindi ko gusto si NoyNoy. Alam nyo naman yan dahil may post ako tungkol sa kanya. Pero sobra naman ang ginawa ng isang to. Ano kaya ang pumasok sa isip nya upang gawin itong uri ng gimmick. Kayo na ang humusga.

Tuesday, October 27

Caught in the Act

Sorry guys, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng chance na magpost. Naging hectic kasi ang schedule ko last weekend. Ang daming nangyari kaya naman dapat lang siguro na magkwento ako.


Simulan ko last Friday. Grabe ang nangyari sa akin as in big news. Habang mag-isa ako sa bahay, na-tempt na naman ako na manood ng porn sa internet. Ang shocking na part jan ay may nakakita! Yes, as in OMG, caught in the act! Itago na lang natin sya na R. Paano kasi, pinapasok ko si R at C sa bahay. Magnobyo sila. I was so careless at that time, akala ko di sya tumingin while I’m closing the window. I was so red faced at that pero nangyari na ang nangyari. Sabi naman ni R “sekreto natin to ha” with matching halakhak. I was so embarrassed. I really didn’t know what to do. Although C didn’t see it pero he knew the idea. So dalawa na silang may alam. FYI po, member ako ng isang renewal community group in which part din silang dalawa. So double the embarrassment, double the guilt—parang katapusan na ng mundo. Until now, I can still feel the effects of the consequences.

Friday, October 23

Reasons Why I Should Remain Single

Nakakainis talaga ang Globe. Ngayon lang nag-online ang internet. Tapos nagkanda-leche leche ang Autoload Max. Nadoble or triple ang nakukuha sa ming load wallet. Lugi na kami.

Anyways since wala akong maisip na ipost, and tutal I'm single and okay..magbibigay ako ng dahilan kung bakit karapat-dapat akong manatili sa aking estado.

1. Financial. Wala kong trabaho. At kung meron man, yung sobra ng sweldo ko ibibigay ko sa pamilya ko dahil hindi biro ang ginastos nila sa pagpapa-aral ko. Yung iba naman sa charity, yung iba...hay naku, wala pa ngang pera isip na kaagad ng gastos. Leche!

2. Spiritual. Sabi nga ni St. Paul, "It is better for a guy not to marry." (Maniwala ako, bading sha---haha joke lang) Sa totoo lang mahirap sa katulad natin ang mag-asawa (ng babae ha). Maraming issues na dapat isettle.

3. Intimacy. I hate holding hands. PDA. Ayoko ng may katabi sa kama. Tinitiis ko nga lang pag katabi ko ang kapatid ko. Naiinitan kasi ako. Tsaka ayoko nang tinatandayan ako. (Pasensya, hindi ko kasi alam ang Tagalog ng tanday. Kandong yata?)

Tuesday, October 20

Apply Na Naman

Kanina pina-apply ako ng mga magulang ko sa Tagbilaran. I-check ko daw kung pwedeng mag-apply as casual nurse sa vice governor's office. Si Vice Gov daw kasi ang may K na magpapasok ng casual kasi "hawak" nya ang budget ng province. Honestly, napilitan lang akong pumunta doon.

Hinanap ko ang vice-gov's office. Maraming tao. Iba-iba ang pakay ngunit iisa ang hangarin--humingi ng tulong. Wala akong kakilala. Nakakahiya.

Image
Nanumbalik ang mga mapapait na ala-ala. Ang ilang araw na paghihintay na makakuha ng trabaho, ang paghingi ng tulong sa mga kamag-anak para lang magkaroon ng "backer", at ang kabigu-an. Saksi ang bawat bahagi ng building na ito. At tuluyan ko itong nilisan.

Sunod na tinumbok ko ay isang call center dito sa Bohol. Eto lang ang alam kong call center dito. Hindi po kalakihan ang sweldo. Pang-minimum wage yata. Okey lang daw sabi ni Papa. May matutuluyan naman ako sa Tagbilaran yun ang importante. Binigay ko ang resume at ngayon ay naghihintay na naman.

Hindi talaga madali ang buhay.

Monday, October 19

Gobyerno Hindi Maasahan

Isa sa mga dahilan ng pagblo-blog ay ang maglabas ng sama ng loob.

Makailang beses narin akong mag-apply sa gobyerno. Remember this post?

At ngayon disappointed na naman ako. Nag-apply kasi ako sa NARS program. Tawag ako ng tawag sa kanila. Tinatanong ko kasi kung kelan lalabas yung
resulta ng mga ma-hihire. Sabi nila next week. Maka-ilang beses kaya yung next week nila. Tapos nagsabi sila nang definite date ng pagstart ng training-October 15. Tatawagan daw ako kapag napasok. Wala namang tumawag. Sabi pa nila, makikita daw yung results ng mga na-hire sa website nila. Hanggang ngayon eto parin ang nakikita ko.

Ayoko na silang pagalitan. Malalaki na sila.

Image

Saturday, October 17

Bonsai

Image

Si Mama ay isang shopaholic. Pero mga nilalako ang tirada niya. Bumili sya ng bonsai sa halagang 50 pesos.

Tingin ko sulit naman. Cute sila. Yung isa dyan, bandang kaliwa, tawag ay money tree. Aber, maswerte kaya...

At dahil nakukyutan ako, papangalanan ko sila (L-R): Kimberly, Rosalie, at Jennifer. Obvious fan ni Santino hehe...
Image

Wednesday, October 14

New Kitten in the House

Kagabi ko siya nakita sa may garahe ng kapitbahay. Mag-isa at tila sumisigaw ng saklolo. Syempre naawa ako. Dinala sa bahay. Nagalit si Papa kaya binalik ko na lang. Nagulat na lang ako nang natunton nya ang bahay namin. Hindi naman ganun kalayo. Pinakain ko. Mukhang gutom na gutom kasi magana kumain. Pinatong ko sa isang sako para matulog. Iniwanan ko kahit hiyaw ng hiyaw (di naman kalakasan). Binalikan ko kasi nag-aalala ako. Mahimbing naman ang pagtulog ngunit nagising nang makita ko. Dinala ko na lang sa kwarto kasi matagal na ring wala akong katabing pusa sa pagtulog. so far, nakaka-adapt naman siya. Wala pa siyang pangalan. Eto sya oh.Image

Monday, October 12

Hindi Pa Gumagaling

Hindi siguro effective ang Bayotflu. Although okay-okay naman ang kondisyon ko. Hindi na ako bumabahing. No more teary eyes. Ang problema ko lang ngayon ay pa-os ang boses. May bara sa lalamunan, parang tamod LoL.

Kaya hindi ako gumagaling kasi hindi na ako maaga matulog these days. Lecheng PBB na yan. Nacurious ako tuloy dahil may tagaBohol na nakasali. Schoolmate ko kasi. Nakakahook din si Melissa, ang kenkoy-kenkoy. Sayang lang kasi wala na yung kambal. Crush ko pa naman si Kenny at lalo na si Papa JM. Hindi ako mashadong na-satisfied sa mga pumalit. Kainez.
Image


Saturday, October 10

FLU

Uso na naman ang ubo, sipon, at lagnat ayon yan kay Neil Ryan Sese(crush ko yan) sa Bioflu TVC. Uso ang ubo dito sa amin. Nagsimula nga itong sakit ko sa simpleng ubo na ngayo'y lumala.

At habang nagtatype ako dito, panay aking pag-hahhahatsssingggg! Panay pahid din ng matubig na sipon. May lagnat din ako at giniginaw. Dati, keri ko lang maghubad ng shirt pag matutulog pero ngayon kailangan may kumot na. Huhuhu. I'm a nurse who needs a nurse.

Humihina na kaya ang immunity ko? Baka may HIV ako-eeeekkk!!! Sorry napaparanoid lang ako. Paano ba naman eh ang landi ko. O cya, pahinga na. Importante ang rest kasi lately matagal na akong matulog. Lecheng PBB yan. Buti na lang wala na yung twins. (Wafu nila!)

Maka-inom nga ng Biotflu.







Friday, October 9

The Dangers of Blogging

Image
Sa wakas, nabasag din ang salamin ng katahimikan. Kailangan eh.

Na-try nyo na bang makasuhan ng libel? Ako, hindi pa. Wag naman sana. Hindi ko type maging Lolit Solis. Ganito kasi yun. May post kasi ako dito na nakalagay yung real name ng tao. Kagabi may tumawag sa akin. Kilala daw nya yung guy. Ayun, nag-usap kami kasi nay ita
tanong daw sya tungkol sa guy. Kahit hindi ko sya siniraan directly, the mere fact that I mentioned him---nakakatakot talaga. Next time, dapat masanay na ako sa paggamit ng alias.

Sige mga commentators, kastiguhin nyo na ako!LoL

Monday, October 5

Youth Camp

Image not the actual camp

Last weekend, I attended a youth camp of YFC. Syempre maraming kabataan duon. Ang daming CUTE na kabataan doon! (Ay, landi--Christian activity po etoh) May isa ngang cute na guy na matagal-tagal kong tinutukan at nahuli yata ako. Yay! Bahala na, iniwasan ko na nalang. Di ko mapigilan eh, very innocent-looking (highschool lang sya, Dios Mio!). Sorry, no pics of him eh.

Fast forward to confession. Yes, kailangan kasi related ito sa Forgiveness and Healing na one of the talks sa camp. At first naghesitate ako pero nagkaroon ako ng tapang. Ikukumpisal ko na kay Father---mga kalaswaan ko. Basta ang sinabi ko lang eh I've done premarital sex, masturbated, homosexual acts-ganun. Ewan ko lang kung nagtaas ba ng kilay si Fadir basta ang sinabi lang niya na tigilan ko na daw ito para hindi na maulit. Sinabi ko kasi sa kanya na pa-ulit ulit na lang ang mga sala ko, yun lang siguro ang natandaan nya. 10 Our Fathers and Hail Marys ang consequence. Not bad.

Nakakapagod talaga ang youth camp kasi makukulangan ka sa tulog. Pero refreshing talaga kasi marami akong nakitang mga magagandang bagay. Hanggang tingin lang ako, di naman ako ganun kalandi. Thank you talaga Lord sa mga blessings!

Thursday, October 1

Ang FAG-babalik

I'm so happy na I'm back!

Buti naman naayos na ang computer namin. Akala ko matatagalan pa ang pag-ayos ng computer. Nakakalungkot nga lang kasi kinuha ng kapatid kong nasa Cebu ang camera kasi gagamitin daw niya.

Pero ayos na rin ito. Magpopost na lang ako sa web.

Balik sa bisyo!

Monday, September 28

Unable to Blog

I'm sorry guys, I wasn't able to update my blog. Eh kasi naman, lecheng virus na yan. Sinira ang computer namin. I'll resume to my normal routine as soon as possible. Andami ko sanang ikukuwento eh, kaso lang minalas ako ngayon.

Right now I'm in Cebu. May inaasikaso (hook-ups...joke!). Hay, andaming nangyari talaga over the week. Sana maayos na ang computer namin. Balita ko bibilhan daw ng transformer kasi mataas masyado yung voltage ng AVR---hay, ewan. I'll be back soon promise :)

Tuesday, September 15

Ten HINDI Mabentang Items sa Tindahan

Actually maraming items sa tindahan ang mahirap ibenta. Hindi ko lang kung alin talaga ang mga pinakamahina sa bentahan kasi nga wala kaming accounting system (hey narnian).Image
Pinakabago sa mga items na ito ang Strepsils. Ewan ko kay Mama. Masyadong mahal kaya ang Php38.00. Kaya nga nung may nag-endorse samen na mas murang package ng strepsils tinanggihan na namin. Hindi kasi pwedeng ipagpalit ang malalaki naming version dahil aantayin pa daw namin na maging old stock. Hay naku.

Image
Ito namang mga thinner. Mabili lang pag piyesta. Natural, pag gustong maging bago ang itsura ng bahay eh di pinturahan. Dalawang uri pala ito--paint at lacquer. Yung lacquer, ayon kay Papa para sa mga makikinis na surface. Php 38 yung paint. Ewan ko sa isa.

Image
Sayang talaga itong Quickchow. Marami-rami din silang nagsisiksikan sa netbag. Kulang lang siguro sa promotion. O baka hindi lang napansin kasi mura naman ang price--Php6.50 ata. Mas mura sa Lucky Me na mas mabenta by landslide.

Image
Mabenta naman sana ang mga bumbilya kaso lang andami ng stock. Iba-iba kasi ang watts lalo na sa mga incandescent bulbs. Ang nakikita ko ring dahilan kung bakit hindi maubos ubos ang tinda kasi kapag may nasirang bulb, walang refund---replacement lang.

Image
Itong mga nakabalandrang inumin na ito, pakana ni Papa eh. Mga jologs kasi karamihan ng mga lasenggero dito kaya kadalasang binibili lang-Tanduay, Green Perico, at Kulafu.

Image
Katabi kasi kami ng isang ricemill kaya ang sila lang ang nakakaubos ng mga gear oils. Maliban lang siguro sa 2T na mga motorista ang nakakaubos kaya lang patingi-tingi. At least, malaki naman ang tubo basta lang pakunti-kunti lang ang serving. Basta negosyante ka, bawal ang maging dehado.Image
Ang ayaw ko kay mama, bumibili sya ng maramihan. Tulad na lang ng dishwashing sponge, Kahit may apat pang natira, bibili na naman ng bagong set. Hindi siguro nya namalayan na matagal-tagal din ang buhay ng isang sponge-kahit Php 5.00 pa yan.


Eto namang katabing straw na pantali. Most people kasi mahilig lang manghingi ng libre. Marami kasi kaming used straw gawa nang pag nagdeliver na ng grocery items, iniiwan na samin ang karton at straw. Tingnan mo na lang pic sa baba, nagkalat ang straw.

Image
Last but not the least, itong Mountain Dew. Ewan ko ba, maganda naman ang commercial nito. Kulang lang siguro sa endorsement. In general naman, hindi talaga masyadong mabenta ang mga Pepsi products.

Actually, marami pa sana akong gustong idagdag (tsinelas, toothbrush, etc.) Eto lang ang nakayanan ko.