
Tatay, Papa, Ama, Dad, Papi, at anu anu pa. Yan ang iilan lang sa mga tawag sa isang taong nagbigay sa atin ng apelyido at pangalan, ganun din ang rason ng ating pagsulpot sa mundo.
Nung bata ako kahit magpahanggang nagyon, nakakaingit makadinig ng mga bata o makakita ng pamilyang buo, pamilyang masaya at lalo na ang isang batang karga karga ng kanyang ama taragis!!! nagsisismula pa lang ako napapaluha na ako. at masayang naglalaro sa plaza. Sa tuwing nakakabasa ako ng mga artikulo mapa blog man o sa dyaryo, sa larawan, kwento man o sa inuman di ko maalis sa sarili ko ang inggit na sana naranasan ko din na may ama ako.
Bata pa lang ako nung namatay na ang tatay ko, 7 pa lang ata ako nun at grade one pero tanda ko lahat ang mga bagay na kung paano ko namulat o nakilala ang TATAY. Lagi ko nadidinig nuon sa aking mga kalaro o sa school na ang tatay ay ang haligi ng tahanan, siya ang tapagtanggol at tagapagbuhay ng pamilya. Yung taong aagapay sayo, tuturuan ka sa mga teknik sa panliligaw, tuturuan ka sumuntok, kasama mo pag tinuli ka at lalo sa pagbibinata mo. Pero iba ang nakagisnan ko, taliwas sa aking mga nababasa o natutunan sa eskwelahan.
Si tatay, buong araw wala sa bahay akala ko ay naghahanapbuhay at pag uwi meron sia dalang pasalubong sa aming magkapatid. Excited pa naman ako lagi nun dahil nga sa napapanood ko sa tv tungkol sa mga tatay. Lumipas ang buong maghapon at sumapit ang gabi nadinig ko na ang gate bumukas, karipas ng tayo sa kama at tumakbo palabas para salubungin ang tatay.
“tatayyyyyy……..” sigaw ng isang sabik na anak
“pu**** i*a mo bili mo ako ng yelo, humingi ka ng pera sa nanay mo”
“tay, may pasalubong ka po ba sa akin?”
“taran**do ka ba? Nadinig mo ba ako? Kumuha ka pera sa nanay mo at bumili kayo ng kuya mo ng yelo!
Palaging ganun ang tatay na nakilala ko, lasingero, at halos parang walang pakialam pamilya. Ganito ba tlga ang tatay? Bakit parang iba sa sinasabi sa eskwelahan. Minsan gusto ko na mag taas ng kamay at sumagot sa klase na di naman ganun ang tatay na sinasabi nila. Ngunit pinilit pa din paniwalaan ng mura kong isipan ang taong tinuturo sa paaralan ay akin ding mararanasan. Dumating ang madaming taon, ganun pa din, sa tuwing uuwi si tatay may dala siyang pasalubong, ngunit di gaya ng aking inaasahang candy o ano mang gaya ng napapanood ko sa tv, ang ilang beses na malulutong na latay ng sintron ni tatay ang sa akin pala’y naghihintay. Isa, dalawa, tatlo, apat, di ko mabilang ang sakit na dulot ng latay na natamo ng aking katawan sa tatay na sinasabing haligi ng tahanan. Minsan na din niyang kinuha ang adobo na ulam naming maganak upang ipakain at gawin niyang pulutan at ng kanyang tropa. ASin at kamatis ang noo’y pumatid sa aming gutom.
Minsan ko na din natanong ang nanay kung bakit ganun ang tatay at ng minsan ko siyang tanungnin:
“Nay, magbabago ba ang tatay? Sakit na kasi ng mga palo niya sa amin ni kuya… Mahal ba kami ng tatay? Ikaw mahal mo ba ang tatay?”
Ang tanging nasagot lang ng nanay ay: “ Bunso, Mahal…. Mahal na mahal…”
Hindi ko pa lubos maintindihan ang sinabi ng nanay, simple pero malalim. Alam ko na nahihirapan ang nanay dahil sa pag sagot niyang iyon at kasabay ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.
Patuloy ang pag inom ng tatay, may mga gabing ilang beses nia kami gigisingin sa pamamagitan ng pagbuhos ng natunaw na yelo at para pabilin kami at mambulahaw sa kapit bahay upang makabili lang ng yelong pampalamig ng alak na kanilang iniinom. Wala ako magawa, wala ako masabi, wala…
Madaming beses ko nang nakita na lasing ang tatay, ngunit may isang pangyayari na di ko makalimutan kay tatay. Minsan umuwi sia na di lasing, takot na takot kami ni kuya nun, laking gulat naming ng biglang nadinig naming ang tatay nagsabi:
“Kuya, Bunso…. Asan kayo? May pasalubong ang tatay!”
Hindi ko alam bakit an gaming takot ay biglang nabago ng salitang iyon, dali dali kami lumabas ng kuya sa kwarto at tumakbo sa tatay.
“Musta na ang junior at bunso ko?” May mami na dala ang tatay, kain tayo?”
Sa loob ng ilang taon na halos latay ang pasalubong na aming nagisnan, nakakapanibago ang araw nay un. Tan* in* yun na ata ang pinaka masayang araw ko at nalaman ko na tama ang tinuro sa eskwelahan, masarap pla ang may tatay. Halos di ko mapaliwanag ang saraili ko nun dahil sa sarap na naransan ko na Makita ko ang tatayko na walang alak at di amoy beha ng sigarilyo.
Inakala ko na ang araw na un ay simula ng masasayang araw ko, hindi pla. Balik inom nag tatay kinabukasan, balik latay, balik dapa sa sahig, pilit tinitiis ang sakit sa bawat dampi ng sintron ni tatay. Di nagtagal naningil na ang tadhana, na ospital ang tatay at tuluyang nagkasakit hanggang sa siya ay manghina at mawala na sa amin.
Hindi ko alam ang madarama ko sa panahon na nakita ko na nag tatay sa kahon. Manhid na ata ang katawan ko sa sakit na dulot ng kanyang sintron. Ngunit sa tuwing maaalala ko ang isang araw ng kasiyahan na binigay sa amin ni kuya ng tatay, di ko maiwasang maiyak dahil sa lungkot na wala na akong tatay. Sa edad kong 7 ay madami pa sana akong mapapatunayan ke tatay, na sana siya yung magtuturo sa akin manligaw. Siya unang taong pagsasabihan ko ng problema ko sa gf ko.
Galit o poot ang naramdaman ko nun ngunit ang lahat ng galit ay napapawi at napapalitan ng panghihinayang, pagsisisi, at pang unawa, na sa huli iisipin mo na sana maari pang ibalik ang nakaraaan at itama ang mali. Ngayon ko lubos na naintindihan nag nanay, na kahit gaano kapait ang nakaraan o kahit gaano kasakit ang karanasan mo sa isang tao, kung mahal mo, mahal mo. Di mababago g kahit anong pangyayari sa mundo.
Kung sino man ako ngayon ay dahil na din ke tatay, naging matatag ako at manhid sa mga pasakit sa buhay. NAging palaban sa mga prblemang kinahaharap ko. Nakakamiss ang tatay, ang ilang taong pasakit ay napawi ng isang araw at isang mami. Di ko ibinlog itong apirasong kwento ng aking buhay, para magalit o kamuhian ang tatay ko o kumuha ng simpatya, sinulat ko ito upang iparating sa mga makakabasa nito, na
“Mahalin nyo ang taong meron pa sa buhay nyo, dahil darating ang oras na ang mga taong ito ay lilisan.”
Samantalahin natin na ang mga taong meron tayo ngayon, masama man o mabuti, masaya man o malungkot. Mahalaga matuto tayong tanggapin at mahalin ito kahit kapalit ay pasakit at sakit, dahil mas masakit kung di mo na makikita ang mga ito sa buhay mo.
(Tay, kung nasan ka man ngayon, sana alam mo na napatawad na kita! Walana yun! at nga pala!
MAHAL na MAHAL kita! Nga pla tay, may gf na ako ngayon at nakailan na din. tsaka umiinom na ako… tangero pa nga eh! kaya TAGAY PARA SAYO TATAY!)

Naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, pero minsan may ibang ihip ang hangin ng buhay na di natin maiiwasan. Maraming daan ang buhay. Minsan palikuliko, baku bako, patag, at minsan wala ka choice dahil dead end.
Tandang tanda ko pa nung elementary ako, grade 3 ano nun nung magkacrush na ako. (ayeeeeiiii!!) Hindi ko pa alam ang meaning ng crush nun basta alam ko masaya ako pag kasama ko sia at lalo na pag naglalaro kami sa school pag recess. tandaang tanda ko pa, nagpabili ako ke nanay ng pabango, uso pa nun yung johnsons baby cologne yung blue ahahahahah. ayun sabi ng nanay “lintek na bata ka pag uwi mo at amoy araw ka o pawis malilintikan ka sa akin…” opkors! sagot ko “opo” pero may mga ngiti ako na sa isip ko na alam ko na di ko masusunod un… (sorry nay! ahehehe)
nakapila din sa counter na bday ko, ayun mga nag sipagkantahan ng happy bertday, waaaaaaaahh!!!! ahahaha namula ako (na dati naman hindi dahil maitim ako! ahahah) kasi ang sayang feeling ng di mo sila kilala pero nag effort kumanta, natawa pa ako kasi nakita ko isang matanda na babae naka tungkod pero “to the E” ang pagkanta nia! ASTIG! At siempre, pag uwi ko sa bahay, di ko expect na magmamayari na pla ako ng isang expressway sa blog world. SALAMAT TOL! (si boni, kung may gusto kayo malaman, ako tanungin nio nyahahahahah!)
taragis palagi ka silent mode sa blog ko, lurker, nagbabasa pero walang iniiwang bakas. ganyan daw kasi ang mga sikat? patago kung lumabas ng bahay, pa simple at tahimik kung maglibot. pero kahit ano pa man yon alam ko namang isa ka sa mga fans at tagasubaybay ng mga kalokohan ko sa pagsusulat hehe. amp! pa VIP ka at sa YM ka pa nag co-comment, next time hindi na pwede yun ha. dumaan sa tamang proseso ok? haha biro lang! kahit pagbali baligtarin pa ang mundo alam mo naman na ako ang fan mo at palaging naiinggit sayo. d’ looks, d’ moves, d’ talent, d’ voice! ^^ ano pa ba? wala ng hahanapin pa, complete package ka na nga at yan ang sabi ng mga nabobola at nauuto mo sa friendster. hehe peace!







Recent Comments