Puso ng Pasko

ImageIlang oras o sandali nalamang ay magsisimula na ang isa sa mga hudyat na nalalapit na tlga ang kapasukuhan. Ito ay ang simbang gabi. Natatandaan ko nung bata pa ako, ang laging bigkas ng nanay ay dapat daw makumpleto ang pagsisimba sa loob ng 9 na gabi, ito ay upang magkaroon ng pagkakataon na makahiling ng isa at ito ay ipagkakaloob. Nakalakhan ko ang ugali at paniniwalang ito at patuloy ko itong dinadala kahit na ako ay nakapagtratrabaho na. Ang sarap ng pakiramdam tuwing kapaskuhan, masasabi ko na ito ang pinaka paborito kong panon sa buong taon.

Ang makukulay at nagliliwanag na daan sa edsa o mga kalsada, mga nag-gagandahang palamuti sa mga naglalakihang mall, walang humpay na himig pasko mula sa radio, puto bumbong, bibingka at lalo na ang simoy ng hangin tuwing pasko. Iilan lamang ito sa mga bagay na aking mamimiss ngayong pasko, ito ay dahil sa taong ito, mapalad ako at ipinagkaloob sa akin ni “BRO” ang maapagtrabaho sa bansang binabalot ng nyebe o yelo tuwing pasko, ito ang unang “White Christmas” experience ko ika nga!

Image

Masasabi ko na “birhen” pa ako sa paskong may yelo, kaya kakaibang karanasan naman ito para sa akin at sempre, kasama si pareng cyber sony, inenjoy ko ang aking pers taym.

ImageNaranasan kong maglaro habang umuulan ng yelo (nyebe)

Image Magpala pagkatapos umulan ng malakas na yelo.

Imagetikman ang yelo (ahihihihi) 😛 walang lasa!

Image

Imageat ang pag aayos ng tunay na puno para gawing christmas tree.

Nakakatuwang maranasan ag kung ano nga ba ang pagkakaiba ng “White Christmas” sa “Pinoy Christmas”. Masasabi ko na ang tanging pagkakaiba ng dalawang bansa sa pagsalubong sa kapaskuhan ay: “NYEBE” at “PUSO ng PASKO”. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kahulugan o interpretasyon kung ano ang tunay na pasko. Nakakatuwang isipin at makita na hindi alintana ang mga tao dito kung meron man o walang dekorasyon sa bahay bagkus abala ang lahat sa pagbili at pagbibigay o pagbabahagi sa bawat isa lalo na sa mga kapos o salat sa yaman na Canadian.

Sa ating bansa, Paskong makulay na kalsada, masasarap na pagkain sa lamesa gaya ng hamon, queso, lechon, at sangkaterbang regalo ang pasko para sa buhay may kaya. Samantalang, paskong may krismas tree na gawa sa lata, paglimos sa kalsada, pagbabanat ng buto gabi man o umaga makaraos lang at kumita para sa naghihirap na pamilya. Maswerte na ang may pagsaluhan na noche buenang tuyo sa lamesa. Ito naman ang pasko para sa naghihirap na masa.

Image

Bilib ako sa tunay na paksong pinoy, kahit na mahirap o sa kahit na anong sitwasyon meron tayo, pilit at patuloy nating itinatauyod ang kapaskuhan mapa may kaya man o mahirap, lalo na sa panahong ito na dumaranas tayo ng pandaigdigang kahirapan. Higit sa lahat ang tunay na pasko sa Pilipino ay ang pag-gunita sa kapanganakan ni “BRO”.

Ano man ang pasko natin, ang mahalaga ay pag-unawa at pag-ibig sa bawat isa. Ang tunay na pasko ay wala sa sarap ng nakahain sa lamesa, ito man ay mapa tuyo, hamon, lechon, sari saring prutas o keso. Ang tunay na pasko ay nasa ating puso, Ang pasko ay ang pagpapasalamat, pagbabahagi at higit sa lahat pag-ibig. Pag-ibig ang tunay na diwa ng pasko at higit sa lahat ang pag gunita sa TUNAY na kahulugan ng pasko, si “BRO”. Hindi ito matutumbasan ng kahit ano mang material na regalo.

Tulad ng marahang simoy ng hanging ating nilalanghap, ang pag-ibig ay para sa lahat, at magmumula sa lahat. Damhin ang tunay na diwa ng pasko. Ang pasko ay para sa mundo. Minsan hirap tayong paniwalaan ang mga bagay at kailangan pa nating makita ito, bago natin paniwalaan at maunawaan. Hindi man natin nakikita si “BRO” ang paniniwala nating siya ang tunay na PASKO. Ito ay tatak ng tunay na paskong Pilipino.

Image

“Seeing is not Believing, Believing is Seeing!”

Isang Maligayang Pasko mula sa akin at aking pamilya!

Image

-= Topexpress =-

Babae ng Buhay ko!

Image

 Halos mag iisang taon na ang nakalipas nang akin lisanin ang aking bayan at muling iwan ang aking mahal na ina, kapatid at pamilya. Hindi ko masabi na sanay na ako sa pagiging malayo ko sa pamilya ko, dahil apat na taon din ang nilagi ko sa gitnang silangan ngunit nakakauwi naman ako taun-taon. Gusto ko kasi lagi mag pasko sa pinas at makasama ang aking pamilya at kaibigan lalo na ang aking tinururing na matalik na kaibigan, si nanay.

Tandang tanda ko pa, hindi pa ako nagaabroad nun, laging bulaklak ang regalo namin para kay nanay, pero ganun pa man, napaka saya na ng nanay sa tuwing magiging kumpleto kami sa bahay tuwing bertdey nia. Siguro nga wala nang sasarap pa sa damdamin ng isang ina na Makita ang kanyang mga anak na kasama nia sa kaarawan nia at pinapahalaganahan ito.

Nabigyan ako ng pagkakataon nung nakaraang taon na maging punong abala sa kaunaunahang pagkakataon na mag dadaos ng isang salu salu si nanay sa loob ng mahigit na 40 taon. Ito ay ang kanyang ika 60 na kaarawan. ANg saya! Simpleng salu salo pero halos buong angkan sa mother side ko nandun, nagsilbing reunion na nila un.

Image

Image Image

Kahit na wala man ako sa bahay, ang aking mga kapatid ang nagging abala sa ika-61st bertdey ng nanay. Kasama ang malalapit na kaibigan ng nanay, aking mga kamag anak, ganun din dumalo sa okasyong ito ang aking bespren na si boni at si emir. May mga tao din na hinintay, inasahan at hiniling ni nanay na sana ay makasama sa kanyang selebrasyon, pero dahil na din sa layo n gaming probinsya, o sa iba pang kadahilanan, ipinaabot nlng ng mga ito ang lubos na pagbati para kay Nanay sa kanyang kaarawan.

Eto nga ang nanay at hindi naman masyado prepared:

Image(nanay at bunso)

Image(Emir, Nanay at Boni)

Image(Awwwoooo.. este! blow ur kendel Nay!) 😛

Image(Nanay dancing with Kyle… Nobody, Nobody batchuy! )

At ngayon na nakaraan nananamn ang kanyang kaarawan, muli akong nag papasalamat sa diyos na binigyan nia ako ng isang mapagmahal at mabait na nanay. Ganun din ang pagpapahiram pa sa akin ni God ng buhay para masaksihan at maunawaan at higit na maintindihan ang mission at kung ano ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng buhay.

Muli, para sa babaeng pinakamamahal ko…

HAPPY 61st BIRTHDAY NANAY!

“Maraming maraming salamat sa pagmamahal at pagpapalaki mo ng maayos di lang sa akin ganun din sa aming mga magkakapatid. Hindi sapat ang mga salita o bagay na meron ka ngayon sa sakripisyo mo para sa akin at mga kapatid ko. Malayo man ako, pero alam mo na MAHAL NA MAHAL kita NANAY! Handa akong isakriposyo lahat para sa iyo. Lika nga dito nay, hmmmmmmmmmmm… (higpit na akap!) “

You are the best Mom in the world.

I’m so grateful that I have you as a Mom. Thanks for always believing in me at thanks din for all the support that you have given to me. Lastly, Thank you for being such a kind and loving Mother.

Haaaayyy… mag iisang taon na pla ako wala sa bahay at nawalay sa kanila. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nasa Saudi ako na napaka-init at ngayon, nasa Canada na utod ng lamig! Brrrrrrr!

Haaaaaayyyyyy…. nakakamiss tlga!

Halo-halloween

DSC00965Isa sa mga okasyon na ayaw ko nung bata pa lang ay ang undas o todos lo santos. Lagi akong nakakapanood ng mga horror movies o mga nakakatakot at nakakakilabot na programa sa aming tibi. Masasabi ko na halos nakita ko na ilan sa mga pinapalabas gaya ng white lady, kapre, at mga taong itim o anino lamang, dwende at iba pa! isa nlng ang di ko nakikita at puro sa cartoons lang ang mga pumpkins at malalaking kalabasa. Minsan nga natatanong ko pa sa sarili ko, “masarap kaya igata ang kalabasa sa abroad?” ahehehe hang lala-ki kasi aheheheh. Baka magpururut ako ahehehe.

Hindi sa aking hinagap na mararanasan ko ang Halloween o kung paano salubungin ang undas na dating napapanood ko lang sa cartoons sa tibi. Weh, eto na toooo!!! So hetoh at ibabahag ko ang aking Halloween Canadian version experience!

 Uumpisahan ko sa mga naglalakihang kalabasa na mga nakabuyangyang sa kalye o sa labas ng mga naglalakihang department at grocery stores.

DSC00960

DSC01016

DSC04267

 Nakaka aliw ang mga kalabasang ito dahil sa laking taglay nila, naisip ko pag naubos ko kaya ang kalabasang ito siguro naman baka sakali bumalik sa 20/20 vision ko?! toinkS!

Dahil sa kasabihan ang kalabasa ay pampalinaw ng mata.

5960_1201250304744_1033166837_30650194_3447261_n

 (ay teka! ano ba yun?!@!#)

Nakaka tuwang pagmasdan ang mga bahay dito tuwing palapit ang  halloween, pagandahan ng ayos at desenyo. Daig pa ang pasko at makukulay na parol.

house-scary-halloween-decorations

 hal2003-002-house2

Kung sa pilipinas ay may nangangaluluwa gamit ang tambol na lata at niyuping tansan sa pananapatan. Nakakaaliw tignan ang mga batang mananapatan sa bahay-bahay at sabay sabi nang: “trick or treat!!?!” nakangiting bati ng mga batang bungi ahehehehehe.

trick_or_treat

DSC04306

Napakasayang pagmasadan ang bawat ngiti na kanilang pinakakawalan sa tuwing bibigyan mo sila ng kendi o kahit na anong pagkain in the spirit of Halloween. 😀 may iba pa nga na kasama ang kanilang parents o siblings at naka costume din! putek! Ang saya! Ahahaahahaha

 Pero sempre hindi naman mapapalampas ng inyong lingkod ang Halloween party! Aheheeh kaya pagkatapos ko magpamigay ng sandamakmak na kendi at hanggang sa magsakitan na din ang ipin ng mga kakain nito. Ahehehe I wanna booom booom paw!!!

14637_1249216583467_1021041350_776158_5386014_n

100_1893 

Ang sayaaaaa!!! Walang effort ang mga Canadian sa pag cocostume!

16638_163022324335_593784335_2581375_4452341_n

 Ayan! Masasabi ko na napaksaya pla ng Halloween, di gaya ng inakala ko nung bata pa ako. Una dahil naniniwala ako na puros kamultuhan o katatakutan ang Halloween, pero dito sa bansang kinalalagyan ko di dapat katakutan; bagkus ito ay araw ng pagsasaya, pag gunita sa mayamang nakaraan ng kanilang kulutura. At ang mahalaga ay ang pag alaala sa mga taong namayapa na at namumuhay ng masaya sa piling ng mga anghel sa langit.

 

 

candle

 †

Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen. 

UTOL

1_823245065lPangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid. Si Bigger Bro, ako si Big Bro at si Litol sis. Masasabi ko na isa na yata ako sa pinaka maswerte na “dikong” sa amin. Bukod sa magkaroon ng mapagmahal at mapag arugang ina ay biniyayaaan pa ako ng dalawang makukulet at magugulang mababait na kapatid. 😀

Si “KUYA” – hindi ko tlga masyado kasundo nung maliliit pa kami si bigger bro, naaalala ko pa, halos mamula na sa galit si kuya sa akin sa kakaturo ng kulay bago ang araw ng aking unang pagsubok sa paaralan para maka pag enroll sa kinder. Hindi ko kasi matandaan ang kulay na “pink” at madalas sa tuwing tatanungin ako ang sagot ko ay “makopa” 😛 weh tlga naman! Ano ba kasi kulay ng makopa?! Pero sa mga batok at pabulyaw na pagtuturo ni kuya natuto ako. Madami kaming pinagkakasunduan ni kuya at hilig na bagay… NAalala ko pa ang paborito namin na chicherya: si kuya – chippy ako naman – cheese it! Si kuya mahilig sa coke eh ako mahilig sa sprite… penyepel juice kay kuya, sa akin naman sagot gulaman pagbibili ng samalamig sa labas ng school. Haaaaaaayyy! Dami naming pagkakahawig diba? Wahehehehe

1_405216849l

Si kuya din ang nagturo sa akin na mag bike. Di siya nagsawa sa kakaturo sa akin at di nia ako pinabayaan hanggat di ako nagagalusan at magsemplang natututo na mag bisikleta. Usong uso kasi nuon un! Nang ibili nga kami ni nanay ng bike kay kuya blue, ang sa akin ay red. Halos mamuti na nunal ni nanay sa kaka abang sa amin sa gate kasi gabi na wala pa kami aheheheh kakabike, nakakarating kasi kami sa ikatlong bayan mula sa amin Sta Rosa –  ang bayan ni boni. 😀 kahit napapalo kami ni kuya, pagpasok sa kwarto namin ay tatawa lang kami at hindi alintana ang sakit ng palo ni nanay sa pwet. Alam naman namin na iyon ay palo ng pagmamahal at pagdidisiplina ng isang mapagarugang ina.

Hindi ko makalimutan ang paglalambingan naming ni kuya. Pinipilantik nia ako ng baril-barilan na ang bala ay saresa, ako naman ang pagsumpit sa kanya ng munggo o bigas 😛 diba ang sweet namin?! Ang pagsusuntukan naming ni kuya at pag wrewrestling pag nagaaway pero sempre pag natatalo na ako iiyak ako at sabay sumbong ke nanay. Ahahahahah naalala ko si kuya kung maka iyak pag pinalo na ni nanay at ang sama ng tingin sa akin eh ako naman didilaan ko lang sia belat! Ahahah

DSC00302

SI bunsoy, haaaaaaaaaaaayyy!! My litol sis! Kung sino pa babae sia pa ang pasaway! Ahahahah Si bunso ang masasabi ko na sobrang joker sa aming lahat. Sobrang kalog at napaka buhay magkwento. Napakasarap balikan ng nakaraan pag siya ang nagbibida. Natatawa tuloy ako habang ginagawa ko ang blog ko na to! Putek! 😛

Bung-ge ang tawag ko sa kanya nung maliit pa sia, por obyus reason dahil walang mapaglagyan at parang kakambal na nia ang mga cavities at tooth decay nung bata pa siya.Si bunso ang parang bespren ko sa amin. Madali kasi utuin ahehe siguro dahil ako na din nagalaga sa kanya at maka dikong tlga sia kesa sa kuya. Ako unang naka alam sino ang pers crush nia, hindi ko maiiwasang di matawa sa tuwing maaalala ko nung 3 yrs old pa lang sia at minsan kinukutuhan ko siya habang sia naman ay sabay pandahaw ng iyak at sabi “weh bakit mo kinukuha kuto ko, akin yan eh huhuhuhuhu” ahahahah putek! Hang damot! Akala nia gusto ko kuto niya kaya kinukuha ko ahahahah putek tlga!

Para siyang videoke machine nung araw o jukebox! Itayo mo lang yan sa mesa sabay bigay ng pera kakanta na yan! Matudnila o kahit awit ni Paul Anka nak ng teteng alam niya! Sempre the bigger the money o token u give the longer she sings. Ahahahaha o diba bata pa lang nakikitaan mo na ng pagiging business minded ang bunsoy ko! Lolz 😛

Ako din ang unang kasama niya nung unang bisita mens niya, wahahahah ang saya nun! Nagdadasal kami sa katedral nang bagulat ako sa kanya dahil mula sa taimtim na pagdadasal ay biglang nanlaki mata nia at natakot sabay akap sa akin. Nagtuturuan pa kami at halos iyakan nia ako na ako na daw bumili ng pads dahil nahihiya sia weh ibig kong batukan at sabihin na weh ako ba tingin mo hindi mahihiya. Toinks! ANg sarap ng feeling at balikan at lalo ng pakiramdam na nasubaybayan mo ang paglaki at buhay ng mga taong mahal mo.

 

1_328059644l

1_997816815l

  At ngayon na halos 5 taon na akong nangingibang bayan, sobrang miss na miss ko na ang aking mga kapatid at pamilya. Madami na din akong eksenang di nasubaybayan sa teleserye ng aming pamilya. Nakakamiss maging parte ng buhay nila at gayun din sila bilang parte ng bawat eksenang nagaganap sa buhay ko ngayon.

Nakakatuwang isipin na mula sa pamilyang hindi nakadama ng pagmamahal ng isang tunay na ama ay uusbong ang pagmamahalan at disiplina lalo na sa aming dalawang lalake sa pamilya. Kapag nangailangan si kuya at nanghina, nandun si dikong para sumuporta at makinig sa problema. At si bunsoy na laging handang magpatawa at magbalik ng mga ngiti sa oras ng kalungkutan.

Haaaay! tagay nga ng gin jan! :D*

At sa pinakamamahal kong mga UTOL na tinamaan ng magaling!

HAPPY BIRTHDAY KUYA (October 2) and BUNSOY (October 11)!!!

kampay para inyong kaarawan!

***************************
kaya sa mga utol ko, kung mabasa nyo man ‘to. gusto kong ipaalam sa’yo na mahal na mahal ko kayo. Sobrang proud ako sa inyong dalawa at sa ating pamilya. Maulit man ang buhay ko kayo paren pipiliin kong maging utols. nakanaman! pa cheesy pizza naman jan!

I LOVE U KUYA at BUNSO! SOBRANG MISS ko na kayo! Labyu NAY!

 1_746686217l

Realization:

“Sometimes being a brother is even better than being a superhero. “

Balik tanaw

17458607Tandang tanda ko pa nung unang pagtapak ko sa paaralang pag eenrolan sa akin ni nanay, kabado ako, ballot ng takot. Marahil dahil naninibago ako sa mundong pinakikilala sa akin ni nanay. Maraming tao, maluwang na takbuhan at palaruan, malalaking silid at napakadaming kalaro.

Anim na taon ako nung ipasok ako ni nanay sa paaralan, di pa ata kasi uso day care nun na 50 pesos lang ang bayad at pakain na sopas ang tution sa aming baranggay. Halos mapuno na ng uhog at luha ko ang aking damit dahil sa takot ko na iwan ako ni nanay mag isa. Gusto ko lagi ko sia nakikita sa bintana. Di naglaon nasanay na din ako. Pumapasok akong inihahatid lang ni nanay at susunduin nlng pag uwian na.

Ang sarap ng pakiramdam na pumapasok ka sa eskwela, bagong araw, bagong aral. Naging saksi ang paaralan ko sa aking paglaki, pagyabong, at hanggang sa pagbibinata. Dito ko una natutunan mag ka crush, magmahal at masakatan. Mga bagay na hindi naman literal na tinuturo sa klasrums. Mga bagay na nararanasan natin lahat sa paaralan.

Masasabi kong napaka loyal ko sa aking paaralan, dahil 15 taon ako nag aral dito. Mula kindergarden hanggang sa collegio. Nasubaybayan ako ng aking mga guro, gayun din nasubaybayan ko ang aking paaralan. ANg bawat rehas at mga tanikalang pang lock sa bawat silid naming nun. Ang mga lumang hagdan patungo sa ibang silid. Mga posteng piping saksi sa aking kasutilan at kapilyuhan.

Ngayon na masasabi kong isa na akong matagumpay sa larangang o kursong aking kinuha at hinubog ng aking mga guro sa aming paaralang mahal. Lubos ang aking pasasalamat hindi lang sa aking nanay, sa pagsuporta, sa aking mga guro sa walang sawang pagtuturo at pag linang, at sa mga taong nakilala sa mahabang panahong ginugol sa pagaaral.

Isang araw mula sa pagod na pagkayod, naisipan kong magbutingting sa aking pesbuk. (iPasok ang pangalan at ibaon ang password…presto! Log in ako!) isang bidyo ang nakapagbukas sa akin at nakapagpaluha sumandali. Ang aking pagbabalik tanaw sa mga araw na nakaulayaw ko ang aking minamahal na paaralan.

Hindi ko mapaliwanag pero tumatak sa akin ang mensahe ng bidyo na ito. Kung nakakapagsalita lang ang aking paaralang iniwan, siguro binubulong nito ang mga katagang,

“Umuwi ka na, namimiss na kita. Sana kilala mo pa at naaalala mo pa ako…”

“Masaya ako para sa iyo, at nakikita ko ang tagumpay na bunga ng pagsisikap mo”

ANg bawat pader ng paaralang ito ay saksi sa bawat paghihirap ng mga tulad kong naging estudyante at nagsikap, nangarap at ngayon ay naging matagumpay sa buhay na pinili. Hinubog at pinagtibay gaya ng pundasyon sa bawat sulok ng eskwelahang ito.
Ngayon, wala man ako sa aking sariling bayan, masasabi ko na MINAHAL ko at MAHAL na MAHAL ko ang minsang aking naging TAHANAN. Aking naging PALARUAN. Ang College of the Immaculate Conception, aking paaralang mahal.

“Sa pagbabalik tanaw na ito, isang taos pusong PASASALAMAT at PAGKILALA sa aking paaralang pinanggalingan…”

SALAMAT CIC

And IM PROUD to be a CICian!

1475042585638l

 

bituing walang ningning

IMG_0489tutut! tutut! u have a message. “Congratulations ur part of the Riyadh Pop Icon Finalist“.  Yan ang isa sa hindi ko malilimutan na text message na natanggap ko mula sa aking saudi cellphone. Di naman kasi ako likas na magaling sa pag awit, wala din akong pormal na pagaaral sa tamang pagtipa ng boses na naaayon sa tono at nota ng isang kanta. pero siguro dahil na din sa pilit akong isinali ng aking grupo at gayun din ang isa sa mga pangarap kong maranasan ang buhay artista sa sandaling panahon, niyakap ko na ang larangan na di ko kahit kelan man maiisip na yakapin.

MAsasabi ko na mapalad  ang mga taong nabibigyan ng chansa o ng oportunidad na makilala o sumikat sa larangang kanyang pinili o di kaya’y sadyang sia ang napili. Masarap maging sikat, kilala ka sa kahit san ka pumunta, kinikiligan sa bawat oras na magperperform ka sa entablado at natututukan ng maliliwanag na ilaw. Mga babaeng nagkakagusto at tanda ang bawat bagay na maiuugnay sa iyo.

Pero hindi lahat ng panahon na sikat masasabi kong masarap. Kaakibat nito ang isang responsibilidad na iyo na ding niyakap kasabay ng  pagkilala sayo ng mga sumusubaybay o taga suporta. “Mahirap maging sikat, mahirap ding sumikat.” Hindi lahat ng tao magiging taga hanga mo, hindi lahat mapapabilib mo, karamihan para ka lang hangin o dinaanan lang. Minsan naman hitik ka sa intriga. Minsan darating sa punto na akala mo sikat ka na, un pla, hindi pa.

1_813998612l

Ang dami ko na naranasan, ang dami ko na ding nalampasan. Nakakalungkot na merong iba na kasabay ng pag-angat at tagumpay, ay kasabay din ng pagbabago, pagbabagong kainin ng kasikatan. Sa sandaling pinahiram sa akin ang kasikatan, at sa panahong akin itong nilisan. Isang aral ang sa akin ay tumatak, na sa kabila ng lahat ng tagumpay na meron tyo sa buhay, sana kung nasan man tyo ngayon, sikat man tyo o hindi, kilala man tayo o dinaanan lang. Mapa sa kantahan, sayawan, kahit sa mundo ng blogosperyo o san mang larangan natin pinili. WAg na wag nating kakalimutan ang rason bakit nga ba natin ginagawa o nagagawa ang mga bagay tulad nito, iyon ay ang di dahil sa ibang tao, ito ay dahil sa sarili nating gusto at paraan ng pagbabahagi ng talento, maging bituin man na walang ning-ning.

Eventually stardom is going to go away from us. It goes away from everybody and all you have in the end is to be able to look back and like the choices we made…”

 

* Ang blog na ito ay alay sa taong aking nakilala at naging kaibigan na sa mundo ng blogosperyo, na ngayo’y dumadaan sa isang pagsubok.  Tol, magaling kang manunulat. Mamimiss ko ang iyong masasaya at makukulit na pagsulat at irerespeto ang panandaliang pananahimik. Hihintayin namin ang iyong pagbabalik sa wordpress. Hamo, bibisitahin ko pa din bahay mo. Apir! 😀

Sabik sa Tahong….

DSC04479

 

Matagal tagal na din ako wala sa pinas halos 7 buwan na, masasabi ko na sobrang miss ko na din ang lupang hinirang. Marami ako “naranasan” sa aking pag uwi ng halos limang buwan mula sa pamamalagi ko sa gitnang silangan ng apat na taon. Nanjan na maglibot ako sa ibat ibang lugar, makipag inuman sa mga kabarkada, manood ng magagandang babaeng naglalakad sa mall pelikula, at higit sa lahat ang mag food trip. Sa sarap ba naman ng mga pagkaing pinoy, sino ba naman ang makakatiis. San ka pa?!

 Madami akong hilig o masasabi ko na masiba ako sa pagkain di naman halata sa pangangatawan ko diba? 😀 Masarap kumain yun lang ang masasabi ko. Minsan tuloy di ko maiwasan na maalala ang mga tropa ko lalo na sa aming inuman. Alak, tugtugan, at mga trip at happenings. Isa sa hindi ko makakalimutan na trip ay ang pagkain ko ng “tahong” bilang pulutan sa aming inuman. Isang NAPAKASARAP na TAHOOOONG!!!! Di ko alam kung anong tawag sa tahong ang na inihain at “pinatikim” sa akin. Sariwa pa daw kasi at bagong huli… bawat kain at halos simutin ko ang mga natitirang cheese at white sauce sa shell nito. Ahhhhh!! Sarap!

Kaya halos mag mag pipitong buwan na din akong “naglalaway” sa tahong. Dito naman kasi halos puro meat at seafoods ang itinitinda, eeeh! ewan ko ba kung bakit sa dinami daming dadapuan ng lintek na allergy at sa dami din ng uri ng allergy eh bakit sa seafood pa ako nagkaroon. Di din mapaliwanag ni nanay ang dahilan.

                      Hayst! Nang minsan nagkaroon ng lobster day sa amin……

DSC02213

Ayun lahat sila halos pumutok ang ugat sa batok sa pagkain ng damudamukal na lobster samatalang ako adobo kinain ko.  grrrrrrrrrr!

DSC02244

“Utog na utog” na ako sa pagkain ng tahong, minsan di ko matiis na maalala ang unang beses akong nakakain ng tahong sa aming probinsya. Malinamnam at sariwa pa ng itoy mapa sa akin. Minsan naiisip at naitatanong sa aking sarili, Ano na nga ba ang itsura ng tahong? May pagkakaiba ba ang tahong ng Pilipinas sa tahong ng Canada? Ano kaya ang mas masarap? Hmmmmmm… Kaya naman sa aking pagkasabik, nang minsang mag yaya ang aming kaibigang si Ate Donna at Kuya Darell na mag fishing sa lake at masabi na may mga tahong din dun. Hayun at kahit walang tulog sugod sa tahungan, este sa lake at mamingwit at mangapa ng tahong. Aheheheheheh wink! Wink!

Pagdating namin sa pub house lawa…

DSC04459

Sabik akong mangapa at mang huli ng tahong. At last! makakahawak at makakakain nanaman ako ng tahong.

Lumipas ang ilang minutong pagbabaybay sa lawa, Wuhooooooo!!

DSC04453

Whaaaaaaaapaaaaaaak! Tumabad sa aking harapan ang NAGLALAKIHANG CANADIAN TAHONG…..

DSC04456

“Rapsa” sambit ng utak kong walang muwang sa kabilang dako kung saan namimingwit at ano na ang nangyayari sa aking mga kasamahan. Sa aking pagkamangha, grabe pla tlga ang size nila at iba’t ibang uri pa. heto at inyong silipin ang tahong na kinasabikan at aking pinaglawayan….

DSC04496

 

May tahong na tama lang ang laki at napaka demure…

 

  DSC04500

 

May tahong na tikom ang bibig..

 ang tahimik…. zzZZZZzzzzz

 

DSC04491 

May mahiyain… pero ang CUTE!

ahiihihihih 😀

 

 

 

At eto may tahong na animoy sawa na at napaka liberated! Nandidila pa! ampotah! Amp!

DSC04488

Hindi ko maipaliwanag ang ngiti at kakaibang nararamdaman nung Makita ko sila lalo na nung akin na silang inuwi.

Hinugasan muna para malinis bago ko kainin.

DSC04490 

init na tahong

  

Pinag init…. at hinayaang magkatas at lumabas ang natural na lasa nito.

 

 

 

lutong tahong

 

At nang ito’y maluto na…

            Tadahhh!!! 

 

         Kainan naaaa!!!

 

 

Uhhhhhhhmmmmmmmmm………

 

OooOoOhhhhhhhhhhh……………..

 

Ang….. ang….. Ang sahhhhrapppppppp……..

 

Ahhhhhhhhhhhh…………….. Burf!

 

* (minarapat ko na, na hindi ipakita kung paano ko kinakain nag tahong, may mga bagay na gusto kong isa pribado lalo na ang pagkain ko nito…)

Ang sarap ng tahong! Pero isa lang ang narealize ko pagkatapos ng lahat…… Mas MASARAP pa din tlga ang tahong ng PINAS!!!! The best! Wuhooooooo!!!!!

oh pano?  hanggang sa muli…. ay teka pla! bago ako matulog… gusto ko iwan ang narealize ko sa pagkain ng tahong..

“Do what you can with what you’ve got wherever you are.”

un lang! ahehehheheh 😀

😀   babay!

Bag Mania

DSC04153Uso nanaman ang tag at semperds, isa ako sa mga taong dinapuan nito, kakaiba at ang bilis kumalat ng tag na ito kaya alert level 5 na ang BAG MANIA.

 Kung san man o kanino man nagsimula ang tag para sa bag blog na ito, isa lang masasabi ko…… ayos!

 Eniwey haywey! Hindi ata ako makaka pasok sa trabaho ng di ko dala ang aking “kikoy” kit ko, naglalaman kasi yun ng mga mahahalagang bagay sa aking pang araw araw na buhay manggagawa sa bansa ng mga banyaga. Having said that, mga ka-blog halina’t ating buksan ang aking kikoy kit….

 DSC04152

Tadah!!!!!!

DSC04154

Tip purse –  lagayan ng mga nakulimbat na tip. Kita mula sa pag ngiti ng 10 oras.

Eye Glasses –  Malabo na ang mata ng inyong lingkod, para na din mabilis Makita ang ibibigay na tip mula sa customer at mga tweet tweet na chikas! 

Cologne – para di mag amoy kape at donut. Pres na pres

Toothtbrush – para mapanatili ang mga ngiti na nagdudulot ng dolyares.

Wallet –  in case of emergency, jan na din nakalagay ang ibang ID ko like canadian driving license.

Ipod – pampatanggal buriok sa trabaho dahil backshift/graveyard ako.

Cellphone – para makapag text while nasa duty o break. Textmate tayo? 😀

Hand lotion – masyado matatapang ang mga sanitizer sa store kaya needed tlga yan.

Hand sanitizer – pampasayang bilang lang! ahahaha

Face moisturizer – sa tindi ng lamig man o init dito sa Atlantic Canada, di masanay sanay ang mukha ko, lagi nagdra-dry at nagkakaroon ng skin break out, lalo na pag ako ang baker sa store. Yan ang sikreto ng mga wafu! Hahahah looking wow, piling wow!

Lip Balm –  para wet leps at di putok labi ko, putek! Kasakit kaya cracked lips.

Coin purse – lagayan ng barya ko. Uso kasi ditto kaya naki IN na din ako.

St. Christopher pin – ewan ko bakit nga ba? Mula pa sa Saudi yan na dala ko.

Ballpen – pang marka sa pang taya ko sa lotto 😀 ay pang pirma ko sa resibo.

Name plate –  para matandaan at makilala nila sino ako.

Green Pass – access ko para sa taas na store namin.

 AT ang aking bench bag….

 Ayan mga kabagang at ka-bloggers ang laman ng aking bag. Nagpapasalamat ako kay alvin aka livingstainsa pag tag sa akin, (buti nalang at off ako).  At mula dito, akin nang puputulin ang sumpa ng bag na yan. Ahahahahah…

Thats all poks!

BOW!

Hey Joe!

wag pooo!!!

 

Ilang lingo pagkatapos naming mapanood ang Harry Potter “the half blood prince” na kung saan pag labas ng sinehan eh nagpapapadyak kami sa sobrang bitin! Eto nanaman kaming mga kolokoy at binalikan naming si JOE.

30 minutes drive din ang sinehan mula sa aming lugar. Kahit ang maulan na panahon (though summer dito) ay di nakapigil sa amin na puntahan at makilala si joe. Pag dating sa sinehan, pila na ang mga kolokoy at bimili na ng tiket. (susyal ang bilihan, walang teller, machine lang parang atm lang pindot pindot! Tadaaahhh!!! Tiket na! aheheh)

Muntik na kaming di maka abot sa showing dahil late na din kami nakadating sa meeting place. Pagpasok sa sinehan, wahhhh!! Halos puno na. nakita naming ang unahang upuan at sa pagkasabik dali dali kami umupo, putek! Nahihilo akoooo!!! Sabay tayo at pumanik sa taas at naghanap ng bakanteng upuan kahit na magkakahiwalay na kami. Swerte! Nakakita naman kami ng kasama ko ng upuan. Sa pagkakaupo ay ganun nalamang ang aming pangangasim dahil di kagandahan ang amoy ng mga katabi namin. Ayun! Lintek! Occupied na lahat ng upuan at magsisimula na ang palabas. Wala kami nagawa kundi magkunwaring maginaw at ibalabal ang jaket na dala dala namin pero sa totoo lang, pantakip sa ilong un! Ahehehe

Natapos at natapos ang pelika (clap clap!!) para kaming mga patong kinulob sa cabinet at nag uunahan lumbas ng sine. Hayst! Sulettt!!! Sulet ang bayad!!! Yan ang masasabi naming mga kolokoys paglabas ng sinehan. Maganda nag GI JOE! Astig! Worth watching! Yehaaaaaa…. Next movie… New moon!

full moon (our version of new moon) ahahahahaah :D

” In the end, it not the years in your life that count, its the life in your years…”

ENJOY LIFE! 😀

Pangarap

PEBALOGO

Kadalasan pag tinanong ang isang bata kung ano pangarap nia paglaki, lagi nilang isasagot “Nars, Doctor, pulis, titser, sundalo, atbp.” Di ko alam kung bakit ganun nalamang ang mga naisasagot ng mga bata once na tatanungin sila. Siguro dahil iyon ang madalas nila makita sa teebi na propesyon kaya ito ang madaling tumitimo sa kanilang murang isipan. Pero iisa lang ang alam ko… na sa likod ng mga munting pangrap na ito, ang lahat ng rason ay para makatulong sa pamilya.

 Lumaki ako sa hirap at masasabing pamilyang sinubok ng panahon at pagkakataon. Pinagbuklod ng pagmamahal at hinubog ng pangaral at positibong pananaw ng aking nanay. Marahil dahil na din sa dinanas at nakita kong paraan ng aming pamumuhay di ako sumukong mangarap. Isa pa normal namang mangarap at libre pa!

Simple lang ang pangarap ko, ang maiahon ko ang aking pamilya at mabigyan ng ginhawa ang aking ina. Sinikap kong matapos ang aking pag-aaral at mag working student para mairaos ang aking minimithing diploma. Makaraang makapagtapos ay sinimulan ko na ang operation “parangarap para kay nanay”. Halos magdalawa ako ng trabaho nuon, titser sa collegio sa umaga, kapteyn weyter sa gabi. Di alintana ang pagod at puyat, basta para kay nanay. Pagod mula sa trabaho, naglambing ako kay nanay na magkape sa ilalim ng punong mangga at magkwentuhan habang minamasdan ang pagputok ng umaga.

Kwentuhan, biruan, at usapang mag ina ang sumasalubong sa aming araw nun. Isang tanong ang di ko makakalimutan at isang sagot na mas lalong nagpaigting sa aking pangarap. Tinanong ko ang aking nanay kung ano ang kanyang pangrap bukod pa sa makita kami na maayos na ang buhay.

Mula sa pagkakayuko, isang lumuluhang sagot ang aking nadinig:

Ang makaahon sa hirap at makaranas ng ginhawa anak, dahil kung tatanungin mo ako kung hirap na ako? Oo, pagod na pagod na ako nak’, pagod na pagod na” sabay ang hagulgol sa aking mga bisig.

Di ko alam kung ano naramdaman ko nun pero isa lang ang tumatak sa akin, ang pangrap ko maiahon si nanay at mabigyan kahit ng simpleng pamumuhay. Daglian akong lumuwas ng maynila para mag apply at pumila sa 20 agency na nangangailangan ng OwEpDabalyu papuntang gitnang silangan. Naisip ko na sa paraang iyon mas mapapadali ko ang aking pangarap.

2004, Isang buwan makalipas ang pagbomba sa isang kompawnd sa Saudi ay tumulak ako para magtrabaho sa isang opisina. May balot ng takot at lungkot, matapang kong hinarap ang lahat ng pagsubok. Isang taon makalipas ang paghihirap, Umuwi ako sa pinas para magbakasyon. Sa aking pagdating, bakas sa nanay at ng aking pamilya ang saya na muli kaming magkasama sama.

Masasarap na pagkain, bagong damit, maayos na tirahan, at ginahawa sa pamumuhay ang pinaranas ko sa knila. Isang buwan din akong nagbakasyon at isang lingo bago ako bumalik, habang nagaayos ako ng gamit na dadalhin ko sa Saudi, biglang pumasok ang nanay at sabay yakap sa akin. “Nak, maraming maraming salamat!” sabay tulo muli ng luha sa kanyang mga mata. “Maraming salamat sa pagpapadanas mo sa akin ng pinangarap ko, di ko makakalimutan to nak’, ngayon masasabi ko sa buhay ni Teresita, nabuhay at naranasan ko ang sarap at pangarap”…

Nay, ito ang pangrap ko, ang matupad ang pangarap mo” sabay yakap ang nanay, at pagpatak ng luha sa aking pisngi.

Wala na yatang hihigit pa sa sarap ng madinig ko sa nanay ang mga salitang iyon. Paki wari ko, ayos na! natupad ko na ang pangrap ko.

Image

Ngayon, muli akong nangangarap hindi para sa nanay ko at pamilya ko, kundi sa mga taong salat sa yaman at hirap sa pamumuhay. Mga taong kahit anong sikap at patuloy na sinusubok ng tadhana. Susubukan ko kahit sa maliit na bagay at pamamaraan na tuparin ang kanilang mga pangarap. Sa aking pagbalik sa gitnang silangan baon ko ang tatag ng loob, pagmamahal sa pamilya at malasakit sa kapwa. Ako bilang isang simpleng OFW, muling susubok makatupad ng pangarap di lamang ng aking pamilya gayun din ng ibang salat sa yaman na kapamilya.

Previous Older Entries Next Newer Entries