Opo, dipa ho lumalabas ang Official Result. Pasensiya na po kayo. Paumanhin po at hindi niyo pa makikita dito ang mga resulta sa naganap na Adidas KOTR 2011. Diba, sadya nga naman nakakayamot, nakakainis, nakakawalang gana mga ganitong klaseng ‘post’ kung ‘excited’ kang malaman ang resulta ng karerang sinalihan mo. Ka-berks, sandali lang ho. Bigyan niyo pansin ang saloobin namin.
Ito ay aking pakiki-isa sa mga prinsipyo at paninindigan sa paghahatid ng makatotohanan na pagsusulat at hindi sa paraang paglilinlang ng mga mambabasa parang maka-‘hits’ at para kumita. Naniniwala ako na walang manloloko, kung walang magpapaloko. I am a working mom and have too little time to go on-line. Kahit nga pagsusulat na gusto kung gawin ay mahirap i-juggle sa buhay ng isang Ina at isang manggagawa na katulad ko. Malaki ang respeto ko sa mga taong sumusulat ng galing sa puso at hindi sa pag-COPY-PASTE lamang.
Oo, ako ay mas-lurker kung tinatawag kesa sa isang blogger. Noon pa man, sa mga blogger ako kumukuha ng inspirasyon para tumakbo at mamuhay ng malusog. Kaya masakit sa kalooban ko, kung ang natanto kong blogsite ay isang impostor at nagbibigay maling impormasyon. Nagkukunwaring nilalang.
SAMAHAN NIYO PO KAMI SA AMING PANININDIGAN LABAN SA TINATAWAG NA ‘CYBERCRIMES’. ANG LABAN PO NIYO AY LABAN DIN NAMIN…
Mga ka-berks, kapatid, kapuso o kapamilya ka man, responsibilidad natin bilang mambabasa na bago tayo mag-click ay mag-isip ng mabuti. At kung magsusulat man tayo, bigyan natin halaga ang oras ng publikong mambabasa. Hindi natin makukuha ang respeto at loyalty nila sa pagco-copy at papa-paste at lalo na sa pagpapanggap natin!
Ikaw? ano ang paninindigan mo?





