Kamusta ka na?
Ako eto…
Hindi makatulog. Hindi ko alam kung paano ko kwento sa’yo, nalulungkot na naman ako, nakakahiya nga eh, magkukwento lang ako dito kapag malungkot ako. Sensya na ha.
Baket kasi ganun, lagi na lang may sablay.
Hindi ba pwede makuha ko yung tama lang sa panlasa ko?
Ang unfair mo universe
Oo unfair din ako
Pero matindi ngayon eh, sumobra naman ata universe?
Wala bang sakto lang?
Thank You
Kumusta? Happy Holidaze nga pala sa iyo.
3 days na lang, matatapos na naman ang isang taon. Isang taon na masasabi ko na madami ako natutunan, madami ako nadiskober sa sarili ko at madami ako din naman pala nag-improve sa buhay ko, pwede naman pala idaan sa dahan dahan eh, one step at a time. Habang tinatayp ko ito ay iniisip ko kung anu-ano ang mga magagandang nangyari sa buhay ko netong 2014.
31st of December 2013, nag-submit ako ng immediate resignation sa kumpanyang pinapasukan ko, sa sobrang fed up ko na magtrabaho sa isang BPO company ay nakapag-decide na ako na bumalik ulit sa pag-aaral at kumuha na ng ibang kurso kahit short program lang basta maiba na ng linya ang career ko.
At eto na nga…
Nakapag-enroll ulit ako sa UPITDC, kumuha ako ng short course program (SEO – Search Engine Optimization Course) for 1 month, matagal ko pinag-isipan kung eto ba talaga ang kukunin kong short course, well since hobby ko naman ang mag-research at mang-stalk eh sabi ko sa sarili ko, eto bagay na bagay sa akin kasi Google is my bestfriend.
Habang naghihintay ako mag-start ang SEO class ng halos 2 months eh naghanap muna ako ng part time job online at nakakuha nga ako, nagtatrabaho ako 4 hours a day as an online researcher.
March na nagsimula ang klase, every sunday yung class, nakakilala ako ng bagong kaibigan. Sobrang nag-enjoy ako sa klase, ang sarap ng feeling nung binigyan ako ng chance na makapag-aral ulit.
Nung matapos ako sa isang buwan sa UPITDC, naghanap agad ako ng work online pero hindi ako pinalad sa SEO field kasi kelangan nila ng experience… oks lang, hindi ako gumive up. Ang dami ko na din inapplayan online, buti may part time job ako nun kaya habang naghahanap ako ng work eh may pumapasok pa din na income. Salamat sa Diyos.
Isang beses, may nakita akong job post, hindi ko maalala kung saan ko nakita at dun na nagsimula, parang ako nakakita ng isang babae na masasabi ko na siya na talaga at naniniwala ako na magkakasundo kaming dalawa… Ganun ang feeling nung nakita ko ang job post na yun.
So, nag-apply ako–hintay hintay ng interview ng ilang araw, pumasa naman ako pero bumagsak ako sa final interview dahil nabalot ako ng kaba at hindi ko na naman ma-express ang sarili ko sa wikang ingles kaya bumagsak ako… Pero Hindi ko tinigilan yun, kinulit ko ang nag-final interview sa akin, minessage ko sa Skype, sabi ko bigyan niya ako ng chance para mapatunayan na kaya kong gawin ang trabaho kahit walang bayad, kaso hindi ako nireplayan. Hindi pa din ako nag-give up.
After a month or two, nabalitaan ko na may job fair ulit sila sa Shaw blvd. Pinuntahan ko talaga yun, mali pa ng ako ng pinuntahan eh kasi ang akala kong Shaw blvd eh dun sa may edsa tabi ng Shangri-La EDSA, hindi pala. Hindi ko ma-explain pero nabuksan ko ang mobile internet ko kasi hindi na siya gumagana ngayon at libre pa ang facebook nung time na yun kaya na-check ko ulit yung address at alam ko natawagan ko pa ata yung nag-initial interview sa akin. Nagtanong tanong din ako sa mga tao sa paligid ko kung saan yung area.
Napuntahan ko na, sa may mandaluyong area pala yun. Ako ang isa sa mga naunang applicant. Na-meet ko personally yung nag-initial interview sa akin at iilan na nakakilala na sa akin dahil sa kakulitan ko.
Pasado ako sa dalawang interview…ang babait nila, lalo na yung guy na sobrang warm ang pag-welcome sa akin dun. Final interview ko daw ay sa Skype. Umuwi na ako.
Final interview day sa Skype, alam ko kinakabahan ako nun pero naalala ko pinaghandaan ko na yun at make it break it na. Pumasa naman ako at sa wakas nakuha ko na yung trabaho na gusto ko na kinulit kulit ko ng ilang buwan. Salamat sa 2nd chance.
Nagwowork na ako sa kanila as a Social Media Analyst (Home based Job), under probationary pa kami ng 6 months, sa February 2015 pa malalaman kung regular o hindi.
Nagpapasalamat ako sa pangalawang pagkakataon na binibigay ng Diyos. Nagpapasalamat ako at sa mga nakilala ko, nakasamaan ko ng loob at sa iilan kong kaibigan dito sa internet.
Mabuhay kayo.
*2014 ang year na nakapag-spin ako ng music sa public.
*2014 na sumali ako sa isang car group. So far, okay naman sila.
*2014 ako nakapag-release ng single digital music.
*2014 nakilala ko ang mga tunay na kaibigan
*2014 nalaman ko kung sino ang dapat at hindi dapat samahan.
Everyday Chocobots
Ngayon lang ulit ako nakabalik sa lugar na ito, yung first time ko ay 1st eraserheads reunion concert pa nung 2008, tapos nung nag-aaply ako sa isang BPO sa Market Market nung 2012. Sinamahan ko lang yung bayaw kunin yung inorder niyang basketball shirt sa Titan tapos dumaan na din kami sa Fully Booked para tumingin ng mga CD at Vinyl records.
Medyo, okay na ang vibe ko netong week, na-depress lang ako nung nabalitaan kong pinatay ang isa sa mga kasamahan ng lolo ko (Dad’s side) sa Mason. Seryoso, dinamdam ko yun, sabi nga ng kapatid ko eh, pati ibang tao pinoproblema ko pa, sabi ko sa kanya, malapit ang puso ko sa mga matatanda, kamag-anak or hindi, basta kapag nakakakita ako ng matanda, naaawa ako. Sana mahuli na ang mga walang-hiyang pumatay sa kanya. (Bless his soul)
Birthday ng lolo ko (Mum’s side) last monday, nag-dinner kami sa isang chinese restaurant, na-checkmate ako dun, nagkamali ako ng pwesto, nakatabi ko yung mga pinsan kong hindi ko naman ka-close, sobrang uncomfy, pards! hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko din dala yung smart phone ko para makapagbasa or makalikot or something. Sobrang tahimik ko nun at gusto ko ng umuwi.
Feeling ko lalong bumibilis ang takbo ng panahon, hanggang ngayon wala pa din ako makuhang full time job, sana this week may tumawag na sa mga inapplayan ko. Mas okay sana yung malapit lang sa bahay namin para less stress.
Do You Realize??
Music in my head: The Flaming Lips – Do You Realize??
Seryoso ako, kung malakas lang loob ko tol, matagal na akong wala sa mundo na ito. Sana nga hindi na ako magising eh, kasi yun ang pinaka-safest at painless way to die. Pakiramdam ko wala na akong silbi, wala na akong halaga sa ibang tao, sinasayang ko na lang ang bawat araw na dumadating sa buhay ko hanggang sa tumanda na akong walang kwenta. Alam mo? kung ang buhay ng tao ay pwedeng i-reformat na parang operating system lang, matagal ko na din ginawa, brand new start di ba? pwede din na i-restore natin yung buhay natin yung araw na bago tayo na-fucked up. Ikaw? anong date mo gusto i-restore yung buhay mo? ako, yung high school era ko but it’ll create a dark timeline, malamang mag-iiba lahat ngayon, merong mawawala sa buhay ko. (labo) Ang labo talaga ng mundo.
Sumasakit ulo ko kapag nag-iisip ako, kapag pinipiga ko ang utak ko, (Sagot ng mga pilosopo, “Parang tiyan lang yan, kapag walang laman sumasakit”) tangina naman kasi, kapag naliligo ako ang dami ko naiisip isulat pero eto kung kelan nasa harap na ako ng pc, nawala na naman.
Under pressure na ako ngayon, ito na ata yung mid-life crisis na tinatawag nila, bakit ang aga naman? akala ko ba 40 years old yun eh ang layo pa nun tol.
To be continued…
May Isang Kwento Ako
Mayo Uno 2014
Kamusta?
May isang kwento ako ngayon, kakauwi ko lang galing sa gig ng kaibigan ko sa kalayaan, quezon city. Hindi ko maintindihan kung baket bigla na lang tumahimik at nawala sa mood yung isang kaibigan ko. Hindi ko alam kung dahil ba nag-inom agad kami at hindi na kami nakakain ng dinner kaya siya nabadtrip or nairita lang sa amin kasi nagpapalitan kami ng music trivia ng isang kasama namin.
Ang awkward kanina nung pauwi na kami, dalawa kasi kami taga cavite nung isang kaibigan ko eh siya yung nakatampuhan ko at wala siyang idea na nagtatampo ako sa kanya so todo iwas talaga ako, sumabay ako sa isang kaibigan ko pauwi sabi ko sa nakatampuhan ko may pupuntahan pa kami, pagdating sa kanto sa may edsa nakita ko siya sa kabilang kanto naghihintay ng bus at hindi ko alam kung nakita niya ba ako, ang tagal ko naka-stealth mode dun sa likod ng puno at sinisilip ko kung nakasay na ba siya ng bus, kapag ako kasi ang sumakay eh baka masakyan din niya yung bus na sinakyan ko kaya hinihintay ko siya mauna, nung nakita ko hindi ordinary bus ang target niya eh naglakad ako palayo para sumakay na ng bus pauwi.
Nakakatakot yung isa sa mga pasahero kanina sa bus tol, may tumabi sa akin na mukhang holdaper at todo makatingin sa hawak ko. Hawak ko kasi ang wallet ko at ang pangholdap na phone ko habang nasa byahe, siguro nakita niya walang kwenta ang hawak kong phone kaya bumaba na siya sa Shaw blvd.
Pagdating sa Ayala, nagkainitan naman ang bus driver at ang konduktor kesho hindi daw nagtatawag ang konduktor, naawa naman naman ako sa konduktor kasi pinagalitan siya in public.
Mas naawa ako nung naalala ko, hindi ako siningil ng konduktor nung nakababa na ako.
—
Nga pala, nung isang araw, ang laki ng problema ko kasi ang hirap na ayusin ng mga music files ko, from id3 tags to filenames (dapat tama ang filename) tapos naka-scrobble pa siya sa last.fm na dapat eh tama din pero sabi ko sa sarili ko na dapat alisin ko na yung ganung sakit ko kasi hindi na healthy, since 2002 ba naman hanggang ngayon dun lang nauubos ang free time ko sa kakaayos ng music library, seryoso simula 2002 pa.
Kaya nagisip ako ng solusyon.
Gumawa ako ng schedule para sa sarili ko, time management ba. Buti nga nawalan na ako ng interes sa facebook kaya good na yun para sa akin, sa twitter at tumblr na lang ako nagbababad.
Hindi naman kasi ako magaling mag-multi task, gusto ko naka-schedule.
Example.
12:00 PM Lunch/Eat Bulaga
15:00 Podcast
19:00 TV series
21:00 Reading time.
Siguro mas maganda kung may kasamang Audio din tong blog ko, binabasa ko tong nakasulat.
Umaga na, magliliwanag na, kelangan ko na humiga. Good night.
20 April 2014
Now Playing: Albert Hammond – When I’m Gone
1st birthday ng pamangkin ko kanina, kiddie party, may balloons (yung isang pamangkin ko takot sa balloon so medyo sira yung araw ng dad & mum niya), may magic show, may games, may piñata at syempre food. Akala ko masisira ang mood ng lahat kasi sa family namin kapag may ganitong celebration eh natataranta pero naging okay naman except moi.
Hindi ako irritable, hindi din ako nagalit–nagkaron lang ako ng realizations at random thoughts sa buhay buhay na naman habang nakaupo at nanunuod sa mga kids kasama si Yang at si Lei.
Naisip ko, kung ganun lang talaga kadali mawala sa mundo, kung pwede lang mag-reformat ng buhay, hindi sa ayaw ko sa pamilya ko pero may mga napansin ako na hindi ko gusto at hindi pleasant para sa ibang tao.
Introvert kasi ako, hindi pala maganda tignan kung buong pamilya ko ay introvert din. Hindi healthy lalo na kapag may social gatherings katulad na lang kanina, so ang ginawa ko ay hindi ako umalis sa upuan ko kasama si Yang at Lei, pinanuod namin ang buong clown mag-entertain sa mga kids, actually hanggang uwian nakaupo lang kami, umalis lang sa ako sa upuan para kumuha ng pagkain, magyosi at mag-photobooth.
Nalulungkot ako sa buhay ko, nakakainggit ang ibang pamilya lalo na sa father ng pamangkin ko, napapansin ko masaya sila, close sa isa’t isa. Lagi sila lumalabas para kumain sa isang restaurant. Maayos ang samahan nila, magalang, humble, marunong makisama at magaling makipagcommunicate. Kabaligtaran lahat yun ng family ko.
Okay, marahil sasabihin mo, magpasalamat ako dahil may family ako.
Hindi yun eh, ang hiling ko sana, magkaron naman ang angkan ko ng pakikisama sa tao, hindi puro yabangan, asaran, inggitan, may sariling mundo etc.
Nahihiya ako para sa ibang tao.
Nagmumukha lang kaming social climber sa ginagawa nila.
Gusto ko sana, magkaron naman ng kaunting decency.
At sana naman matuto ang family ko na wag tumitig sa ibang tao.
Salamat kung binasa mo, sorry ang illiterate ko, hindi na din ako marunong mag-construct ng sentence, nag-aaral pa lang ako, less than 140 characters na lang din ang kaya kong salita.
Goodnight.
03 April 2014
Ang hirap pala makipag-kaibigan sa taong lagi na lang galit, lagi na lang nakakapansin ng mali ng iba dahil feeling ko maaring pati ako pintasan din nun.
Ang hindi ko lang maintindihan sa mga taong mapagmataas eh baket ba kaligayahan ng iba eh pinupuna niya? dun sila masaya eh, kung hindi maganda sa paningin niya edi huwag tignan.
Tandaan. Mas masarap mabuhay sa mundo kapag hindi nakakunot ang noo ng mga tao.
March
- Nag-iisip ako ng title sa entry na ‘to, naisip ko “Graduation” hindi, “March” na lang, bigla ko naisip na kaya siguro March ginaganap ang graduation eh kasi “Marcha”?
- Tinignan ko ang mga nakaraan kong posts dito, natatawa ako, hindi ko na din tinatapos basahin kasi feeling ko ang korni ko.
- Nalulungkot ako, dahil ngayon lang nag-sink in sa akin na tapos na ang klase, bigla ko na-miss ang mga kaklase ko, namimiss ko agad ang prof ko, ang buong UP Diliman campus. Totoo pala yung sinasabi nila, “Mahirap makapasok, mas mahirap makalabas”
- Kahit wala na ako campus, makikinig pa din ako sa DZUP.
Hi.
How’s your day? How did you get here?
I hope you are okay.
Please tell me something about yourself.
I really want to be your wordpress buddy.
