Pumunta sa nilalaman

Tipaan (ng kompyuter)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Computer keyboard)
Image
Isang tipaang pangkompyuter.

Ang tipaan ng kompyuter, tipaang pangkompyuter, teklado ng kompyuter, o tekladong pangkompyuter ay isang mahalagang aparatong nagpapahintulot sa tagagamit ng kompyuter na makapagpasok o makapagtipa (makapagmakiniliya) ng mga panitik o karakter (mga titik at mga bilang) papunta sa loob ng isang kompyuter.[kailangan ng sanggunian] Ito ang pangunahing aparatong pamasok para sa karamihan ng mga kompyuter.[kailangan ng sanggunian] Sa larangan ng paggamit ng mga kompyuter, bahaging iminodelo ito sa tipaan ng makinilya, na gumagamit ng pagkakaayos ng mga pindutan o buton o "susi" upang gumanap bilang mga leber o dalawit na mekanikal o "pamihit", "pamalit", o pindutang butong elektroniko.[kailangan ng sanggunian] Karaniwang mayroong mga karakter ang mga pindutang ito na nakaimpreta o nakalimbag sa ibabawa at bawat isa ay tumutugma sa isang nasusulat na simbolo.[kailangan ng sanggunian] Subalit, upang makalikha ng ilang mga simbolo, nangangailangan ito ng pagpindot at ng sabayang pagdiin din sa ilang mga pindutan o "susi" o kaya magkasunod na pinipindot o diniriinan.[kailangan ng sanggunian] Habang lumilikha ang karamihan sa mga susi o buton ng mga titik ng alpabeto, mga bilang, o tatak (mga panitik o karakter), may ibang mga susi o pindutang lumilikha ng mga galaw o nagsasagawa ng mga utos na pangkompyuter kapag diniinan o pinindot.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

    Kompyuter Ang lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.