Christine Lazaro from Alone/Together.
iskolar ng bayan. honor before excellence. matapang. walang takot. tangina.
Have you ever imagine losing your sense of self? para kang inulila ng mga pangarap mo. nawala ang mga idealistic na plano. gayon pa man, raf—hindi ko din alam kung anong nangyari.
Handa ka bang balikan ang lahat? “hindi ganun kadali yon.” Kaya nga— uunti-untiin. as we walk from the sidewalks of UST towards the pillars of National Museum through the walls of Intramuros. I saw him. not idealistic, but rather genuine, as the same way he sees me. He saw it right through me. piling tao lang siguro ang makakakita— tagos sa kanyang mga mata na nangungusap ng uunawa sa mga pinagdadaanan nito.
parang yung 27 year old christine, ano bang nangyari sakin?
habang nakaupo kami sa hagdan ng national museum 6:55PM, i told him about me. Kung sino ako, kung ano yung pinagdadaanan ko, kung ano yung mga pasanin ko, kung ano yung mga gusto’t ayaw ko sa buhay. pati na rin yung mga rason kung bakit firm ako sa mga pini-pili kong life choices just to justify why I needed to be like this, why am I like this?
Tahimik lang si christine, palagay ko nakita niya ko. nung gabing iyon, palagay ko nakahanap ako nang uunawa. makikinig, nang makakakita sa akin. buong gabing iyon, handa akong ibigay sarili ko sa kanya. Kaya nagkwento ako, sana tanda nya lahat. kasi-wow lang sya nang wow na nakakainis Hahaha! hindi mo din kasi alam kung genuine ba sya or he really mean it. He told me he meant it, naninawala naman ako.
mahirap maging matapang, mauunahan ka ng takot. sabi ni christine, siguro hindi din sa lahat ng pagkakataon, natakot akong makita mo ako sa kabuuan ko. natakot akong hindi mo maunawaan.
bilang nais ko din noong baguhin ang mundo, sinimulan ko sa paghahanap ng makikinig, uunawa at magmamahal. iba’t ibang salita at lenggwahe ng pag-ibig ang nakuha ko bilang 26 yrs old, wala pa rin sigurong eksaktong direksyon ang buhay. hinahanap ko pa din kung paano ako magsisimula. pero may iisa akong lugar na lagi kong inuuwian, iyon ay ang sarili ko. mabuti’t hindi ko sya nawala. mabuti’t lagi ko syang kasama sa mga bagay-bagay.
gusto ko nang magtrabaho agad, gusto ko nang mapakinabangan, gusto ko nang baguhin ang mundo. ulat ni christine, ganun din ako. pero isinalang agad ako ng mundo nang wala akong bagay na maipapakita, na wala akong bagay na kayang patunayan kundi boses ko lang at yung munting pangarap ko.
Sinabi ko yon lahat nung gabing iyon kay christine, magkahawak kamay kami buong gabi. kinantahan ko pa nga sya ng “Kahit Kailan” ng south border nung nakikanta ko sa mga busker sa esplanade. hindi sugro nakikita, pero espesyal sya. walang oras akong hinihintay na masabihan sya ng ganoon, basta nung gabing iyon, espsesyal si christine sa akin. maaaring hindi pa masyadong bukas ang mga kwento nya sa akin, pero maghihintay akong maging handa sya. kaya christine, sana alam mong may makikinig na uunawa sayo. bukas akong kasama mo bawat gabi, bukas akong titingin sa mga mata mo kapag hindi mo na alam ang mga sasabihin mo, mga bagay na hindi mo pa kayang ipaliwanag.
Tulad ni christine lazaro, sa dulo ng pelikula. nag-apply sya. sa dulo ng kwento siya nagsimula ulit. para sa sarili niya. sabi ko nga sayo, give yourself some grace. the way i gave myself mine when no one listened. when no one knows. give yourself some grace.
DRAFT 1 WILL POST
