Showing posts with label Hong Kong. Show all posts

Wednesday, May 29, 2013
Sunday, May 26, 2013
DISNEYLAND? DUH!
Una ay mahal ang presyo.
Pangalawa, ang tanging interes ko lamang na pumunta doon ay dahil Kuyang ko si Walt Disney at sina Mickey at Minnie Mouse ay simbolo daw ng aming matandang kapatiran.
Pangatlo, mukhang hindi bagay sa amin ang ganyang klase ng theme park.
Siguro pag bumalik ulit kami kasama sina Bulan at Balong.
Kaya sumunod kami sa mungkahi ni Utol Sherwin na pasyalan ang Central District at umakyat sa dinadayong Victoria Peak.
Mula Kimberley Road ay naglakad kami ng mahaba hanggang Star Ferry Pier, kumabila sa Central District, naglakad pa ulit ng mahaba hanggang Garden Road, nadaan sa St. John's Cathedral, at sumakay ng tram paakyat sa bundok.
E biglang umulan. Malakas. Walang tigil. Kaya hayan.
Umuwi na lamang kami.
Pero tumila ang ulan kaya lumarga kami ng Ladies Market sa Mongkok.
Doon ko napatunayan na hanggang palengke lamang ng Munoz ang kakayanan sa pambabarat ni Jowa.
Ako ang tunay na Tawad King! (HK $ 150 mula $270, HK $50 mula $140, 5 underwear mula alok na 3).
Pagbalik, naligaw kami sa kahahanap sa Night Market ng Temple Street (na walang temple?), nakipagbunuhan sa puputok nang pantog dahil walang makitang wiwiwihan (salamat sa McDo!), at nalito sa muling paglalakad ng mahaba pabalik sa Kimberley Hotel (mali ang mapa o ang basa namin sa mapa).
Hindi ko ipagpapalit ang karanasang 'yan sa Disneyland.

Saturday, May 25, 2013
Friday, May 24, 2013
TSING TONG TSAI
'Yan ang bigkas ko sa lugar kung saan kami tumuloy (Tsim Sha Tsui ang tunay na ngalan nu'n).
Malapit lang sa Nathan Road kung saan una naming pinasyalan ang St. Andrew's church na kasama sa ruta ng self-guided tour map na ipinabaon ni Bulan.
At siyempre pa, pansit (isang uri ng Laksa) ang una naming kinain sa may Hillwood Road na nagkataong may simbahan din ng nanay ko (Sabadista siya).
Meron pang isang simbahan na kulay cake (Rosary Church daw) habang hinahanap namin ang tamang daan patungo sa Hong Kong Museum of History.
'Tsaka isang mosque sa may Kowloon Park na madalas naming madaanan.
Pagkatapos ay wala na kaming magawa kaya hinanap namin si Bruce Lee sa Avenue of Stars (kasama niya sina Jacky Chan, Jet Li, at Samo Hung) at nagpipipityur ng mga turistang nagpipityur (meron pang higanteng bibe sa Harbor City).
Medyo hindi ko yata feel ang Hong Kong.
Para siyang isang malaking department store na ang pangunahing inilalako ay ang Disneyland.
Dito na yata itinambak ng sosyalistang Tsina ang lahat ng kapitalismo sa nasasakupan nito (one country, two systems nga daw).
Pagbalik namin sa hotel ay nagkagulo ang reception desk sa aming billeting.
Kaya pinainom muna ako ng isang basong beer habang inaayos nila ang gusot.

Monday, October 11, 2010
ONE FOR THE ROAD
This is for my former boss, Conrado "Ding" Navarro, in memory of our dinner at the Hong Kong airport some 3 years ago while on our way to Benin in West Africa (bottom photo). He ordered this same dish --- Taiwan beef noodle from a restaurant with the same name --- and I took a photo of him eating it. He underwent a heart surgical procedure a year later and never fully recovered. I was leaving for the US then and his parting words to me were: "One month lang ako sa ospital. Pagbalik mo okey na ako."
The broth is rich and flavorful, the noodles firm and just right. The chunks of beef are tender and the litid is so soft it literally melts in the mouth. But all that is lost as the memories of 3 years ago came flashing back...
Sunday, October 03, 2010
KILLING HONG KONG
Thank God for the unlimited wifi access. The 4-hour lay-over at Hong Kong's International Airport passed by unnoticed. Which was my last chance of flickring and Facebooking I would found out later. Lots of noodle shops too. But later, after Tianjin...
Photo shows one of Hong Kong International's Chinese noodle shops.

Subscribe to:
Comments (Atom)