Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Depresyon

Iba Pang Paraan Para Labanan Ang DEPRESSION

Maraming beses na nating naisulat ang tungkol sa depression . Alam nating ito ay pwedeng maranas ng kahit na sinong humaharap sa mabibigat na pagsubok tulad halimbawa ng problema sa trabaho, pagbagsak sa school exam, iniwan o namatayan ng minamahal atbp. Bagamat mabigat ang mga problema, tuloy pa rin dapat ang buhay. Kung pakiramdam mo sa iyong sarili na nakararanas ka ng depresyon ay subukan mo ang ilang paraan na ito. Regular kang mag-ehersisyo. Subukan mo ang aerobics, swimming, o paglalakad sa parke. Ito ay magdudulot upang dumami ang good hormones sa ating utak. Pumili ng paborito mong exercise at ito ang gawin mo araw-araw. Makatutulong din ang stretching, pagyo-yoga at meditation ng 30-40 minutos araw-araw. Uminom ng iyong vitamin B complex araw araw. Ikaw ay magpa-araw kahit mga 5-10 minuto. Maigi sa pakiramdam ang sinag ng araw. At ang huli ay magkaroon ka ng goal at maging positibo na maabot mo ito. Gumawa ng ilang aktibidad na ikaw ay magiging busy sa ...

Mga Sakit Na Karaniwan Sa Mga Lalake (Men's Health)

Kumpara sa mga babae, mas lapitin ng sakit ang mga lalake. May pag-aaral kasi na ang mga lalake, kapag nakararamdam ng sakit o sintomas ng sakit ay hindi ito pinapatingin kaagad sa doktor hanggang sa ito ay lumala na. Ayon sa Life Mojo , ito ang lima sa health problem o mga sakit na karaniwang dinaranas ng mga lalake. Sakit Sa Puso Kumpara sa mga babae, mas malaki ang bilang ng mga lalakeng namamatay sa sakit sa puso. Tulad nga kasi ng nabanggit, dulot ito ng pag-uugali ng mga lalake na pabaya sa kalusugan, hindi agad nagpapatingin sa doktor para kumonsulta kapag may nararamdaman na sintomas ng karamdaman. Ilan sa mga risk factor na maaaring dahilan ng sakit sa puso ay ang edad, family history, paninigarilyo, mataas na kolesterol, high blood, kawalan ng ehersisyo, sobrang katabaan o obesity, at diabetes. Hindi mo kayang kontrolin ang edad at pati na baguhin ang iyong family history , pwede mo namang baguhin ang iyong pamumuhay, matutong mag-ehersisyo, kumain n...

Tips Para Labanan Ang Depresyon (Depression)

Bumagsak ka ba sa pagsusulit? Naghiwalay na ba kayo ng iyong kasintahan? O namatayan ka ba ng minamahal sa buhay? Ang ilan sa mga ito ay dahilan upang ang isang tao ay makaranas ng Depression. May ilang kondisyon kung saan nagiging mapanganib ang depresyon. Kaya’t bago pa ito mangyari sa’yo, heto ang ilang tips para malabanan mo ito: Hayaan mo na ang iyong katawan ay maarawan. Maaaring maglabas ang ating katawan ng melatonin hormone kapag hindi ka expose sa sinag ng araw. Ang hormone na ito ay nagdudulot ng pakiramdam ng kalungkutan at depresyon. Lumalabas ang melatonin hormone kapag ang isang tao ay nasa madilim na lugar o kwarto. Nakapagpapababa ito ng body temperature at maaari kang makaranas ng panghihina. Kung ang isang taong depress ay palaging nagkukulong sa madilim na kwarto, mahihirapan siyang labanan ang ganitong pakiramdam. Magpaka-busy ka. Nagdudulot ito sa tao ng inspirasyon. At dahil sa pagiging busy mo, pwede mong makayanan ang depresyon na iyong n...